Chapter 45: Telebabad
CYRUS' P.O.V
"class dismiss" nagtayuan na ang mga kaklase ko pero ako, nanatili lang nakaupo. Wala akong ganang maglunch ngayon.
Bakit kasi wala si Yui?
Nasan ba sya. Bakit sya absent?
*LUB DUB LUB DUB LUB DUB* O_O
B-bakit parang kinakabahan ako?
Nilabas ko ang cellphone ko at kinontak sya. Dapat kasi, kanina ko pa sya tinawagan eh. Nagkataon lang na biglang dumating ang teacher namin. Tsk.
"the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later" bakit hindi ko matawagan. Nakapatay ba ang phone nya?
*LUB DUB LUB DUB LUB DUB* o_O
kinutuban nanaman ako kaya napagdesisyunan kong tumayo na at lumabas ng room.
"oh my gosh. Mag isa lang si Luigi oh!"
"shocks bes! Oo nga!"
"mga bes! Ang pogi nya. Kyaaaaaa! Lapitan natin dali!"
"wag na! Gustuhin ko mang lapitan mga bes kaso baka makita tayo ni Samantha. Malay mo, nanjan lang sya sa tabi tabi."
"ay oo nga. Sayang! Pero ang hot nya oh. Look mga bes"
narinig kong bulungan nung mga baklang nagkukumpulan sa hallway. Hindi ko nalang sila pinansin at nagdiretso na ko sa room nila Lauren.
"KYAAAAAAAAAAAA!!!!!" nakarinig ako ng tilian. Pero nakasisiguro akong hindi para saakin yung mga tili nila. At hindi nga ako nagkamali. Nagmumula sa room nila Lauren yung mga tili.
Sumilip ako sa bintana at nakita kong si Akhi at Aubrey ang dahilan ng pagtili nila. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko.
O____O Si Aubrey at Akihiro ba?
B-bakit ang sweet nila? Sinusubuan pa ng cake ni akhi si aubrey habang mukhang nahihiya na kinikilig naman si aubrey.
"WOOOIII!!"
"AY BUTIKING BABOY!" muntik na akong mapasubsob sa bakal nung bintana dahil sa pagkagitla.
"ANO BA LAUREN? GINULAT MO NAMAN AKO EH!" sigaw ko sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay at humawak pa sa baba nya na animo'y binabaasa ang isip ko. Weird.
"b-bakit?" takang tanong ko.
"bakit ka nandito? At anong sinisilip silip mo?" tanong nya. Napakamot nalang ako ng batok.
"may itatanong sana ako kaya ako nandito"
"ano yun?" salubong ang kilay nya. Ganto ba talaga sya? Lagi kasi, pag nakikita ko si lauren na may kausap na iba, salubong ang kilay nya. Ganun din naman pag si yuji ang kausapn nya. Ang pinagkaiba lang. May spark sa mga mata nya. Hehehe. xD
Namiss ko tuloy lalo si Yui. Hindi ko kasi sya nakita nung isang araw pati kahapon kasi busy ako. Ngayon na nga lang sana kaso absent naman sya.

BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...