Chapter 44: Strawberry or Ampalaya?
AUBREY'S P.O.V
Nakaramdam ako ng pagyugyog kaya iminulat ko ang mata ko.
"ay sissie!! Bangon bangon din pag may time!" sabay hagis sakin ni Lauren ng twalya ko.
Kumunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"oh ano? Titigan portion? Aba! Ay kumilos ka na kung ayaw mong malate. May special activity tayo ngayon sa T.L.E"
Napaisip ako bigla at naalala ko yung sinabi ng teacher namin nung last day bago mag christmas vacation.
_Flashback_
"class, magkakaroon tayo ng special activity pagkabalik nyo mula sa christmas vacation nyo. Mag bebake tayo." sabi ni ma'am. At dahil dun, nagsimula nanaman ang mga bulung bulungan.
"wow! Exciting!"
"O.M.G i love baking!"
"me too!"
"i wanna bake now"
"silence!" pagpapatahimik ni ma'am
"listen to me first. Wala munang iimik. Intiendes?!" nagtaray na.
"yesss maaaaaam" mahabang pagsang ayon naman ng lahat.
"GOOD" Pasigaw na sabi ni ma'am bago tumalikod at humarap sa board.
"bring the following"
sinulat ni ma'am sa board ang mga dadalhin at kinopya naman namin.
"the criteria for judging your cake will be 50% taste, 25% design, 15% cleanliness of your working space and 10% percent for the time consumed. So if you like to pass this special activity, please, as much as possible, train yourself at home. Try to bake, okay?"
"okaaaaay maaaaam" mahabang pagsang ayon muli namin
"okay. Class dismiss"
nagsitayuan na ang mga kaklase ko at nag unahang lumabas samantalang nanatili lang kame ni sissie at ni Akhi na nakaupo sa silya namin.
"sissieee! Anong flavor ng ibebake mo?" tanong ko. Sana strawberry! Para makakahingi ako! Hihihi.
"Ampalaya flavor. Wag ka nang magtangkang humingi -_-"
si sissie talaga oh.
Lumingon ako kay akhi. "eh ikaw? Anong ibebake mo? ^_^"
nakangiting tanong ko.
"huh? Ahhh. C-chocolate nalang. Hehe" nawala nanaman ang ngiti ko. I guess, ako nalang ang magbebake ng strawberry cake. Tsss. Kung may magbebake man nun sa mga kaklase ko, makikitikim nalang ako. Hehehe.
"e-eh ikaw? Anong iyo?" napalingon ako kay akhi.
"strawberry cake. Haha. Peborit ko yun eh."
_End of Flashback_
"eto na nga oh. Babangon na." sabi ko sabay tayo sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...