Chapter 57: Stalking Plans
YUI'S P.O.V
Nagising ako ng maramdaman kong may pumipindot sa ilong ko.
Medyo pikit pa ko nung tumagilid ako at niyakap ang napaka laking teddy bear sa tabi ko. Hehe.
Ang sarap nya talagang yakapin.
"gising ka na ba?" tanong nya.
Gising na ang diwa ko pero nakapikit parin ako. Antok pa ko eh.
"tulog pa ko chupachups.. Hmmmm"
naramdaman kong nagvibrate sya.
Naku. Nagchuchuckle nanaman ang gwapo kong boyfriend. Haha
"niloloko ba ako ng mogu mogu ko? Tulog ba talaga sya o gising?" malambing pero pabirong sabi nya.
Kinilig naman daw ako. Wag ka! Hehe.
"oo na nga. Gigising na ko. Haha" akmang tatayo na ko sa kama pero hindi naman ako nakatayo kasi niyakap nya ako bigla.
"san ka pupunta?"
bakit... Bakit parang may lungkot at kaba sa tono nya?
"tatayo" simpleng sagot ko.
"dito ka lang sa tabi ko"
Eh? Diba kaya nya nga ako ginising para bumangon na ako sa kama nya?
Why do i have this feeling na parang takot na takot syang mapalayo ako sa kanya? Na ayaw nyang umalis ako sa tabi nya?
"tssss. Sige. 5 minutes lang ha."
Naramdaman ko syang tumango kaya nanatili lang ako sa pwesto ko.
After 10 minutes (oo. 10 minutes talaga. Napasarap eh XD) Bumangon na ako.
Nagpaalam akong bibili ng mogu-mogu sa convenience store sa baba.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng 5th floor ng ospital ng mapatigil ako.
May narinig akong nakanta eh.
Pinakinggang kong mabuti at....
"happy birthday to you. Happy birthday to you." sinundan ko kung san nagmumula yung tunog. "happy birthday. Happy birthday. Happy Birthday to You!!"
nakita ko ang bukas na suite at dun nanggagaling yung tunog.
Sumilip ako sa pinto.
"Happy Birthday Babes" tapos binigyan nya ng flowers yung girlfriend nyang nakaupo sa hospital bed.
BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...