Chapter 60: memories

2.7K 67 27
                                    

Chapter 60: memories

YUI'S P.O.V

Nakita ko nalang ang sarili kong nakatayo sa harap ng bahay nila Cyrus.

Sa halip na umuwi ako at magpahinga sa bahay, mas pinili kong bisitahin muna ang bahay nila.

Walang tao dito kasi nasa ospital ang mga magulang nya pati ang mga kapatid nya.

Siguro, mga katulong lang ang tao dito.

Nagdiretsong lakad ako papasokng gate nang mapukaw ang atensyon ko.

Nakita ko yung sasakyan ni Cyrus. Yung malaking van nya. At yung Yellow Lamborghini nya.

May tumulong luha sa mga mata ko pero napapangiti parin ako.

Ang dami kasing alala sa mga sasakyan nyang yan.

At isa pa, hindi pa nga pala ako nakaka amin sa kanya.

Hindi ko pa nasasabing ako yung nagpahid sa gulong ng sasakyan nya.

Dapat syang magpakatatag! Madami pa akong aaminin sa kanya.

Ikekwento ko pa sa kanya lahat ng kapalpakan ko nung stalker pa nya ko. Haha. *sniff*

Pumasok na ako sa bahay nila. Walang nakakita saakin kaya dumiretso na ako sa kwarto nya.

Gusto kong tumawa kasi naaalala ko yung araw na nawalan kami ng malay. Yung aksidenteng nahawakan ko sya sa ano... Sa... Basta sa ano nya. Haha *sniff*

Ano ba to? 

Tumatawa ako pero walang tigil ang pagluha ko. *sniff*

Umupo ako sa kama nya at hinaplos yung unan nya.

Hinaplos ko din yung kumot nya nang may makapa ako.

May nakabukol.

Kinuha ko yung nasa ilali ng kumot. 

Isa itong box.

Pinahid ko ang mga luha ko at maingat na tinanggal ang takip nito. Iba't iba ang laman.

Napahagulgol ako sa iyak ng makita ko ang mga laman nito.

Mga picture naming magkasama.

G-gusto kong ngumiti kasi natutuwa akong iniingatan nya yung mga pictures namin pero bakit lalo akong naiiyak? Bakit ang sikip sikip sa dibdib?

Kinuha ko isa isa yung mga litrato kasabay ng walang humpay na pagbagsak ng mga luha ko.

Nagflaflashback sakin yung mga masasayang nangyari noon.

_Flashback_

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon