Chapter 15.5: Hopeless (part 2)

3.5K 85 5
                                    

Chapter 15.5: Hopeless

Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.. 

Nanliliit ako. Nakatingin sakin ang mga tao. Mapanghusgang mga tingin..  

Nangliliit ako.. Sobra.

Bakit sinabi sakin ni Cyrus yun? 

A-akala ko ba magkaibigan na kami?

"narinig mo yun? Lumayo ka na kay Luigi. Umalis ka na dito bago pa kami tumawag ng security" sabi nung lumapit saking staff.

Nag iinit ang mata ko.. Anytime, baka mapahagulhol ako.

Tumalikod na ko at naglakad palabas ng nakayuko. 

Malapit na ko sa labas ng tent ng may biglang humawak sa braso ko.

Napalingon ako. 

Unti unting lumabas ang ngiti ko.. Sabi na't hindi ako matitiis ni Cyrus eh. Kaibigan nya ko kaya sigurado akong hindi nya sinasadya yung sinabi nya kanina..

Hihingi ba sya ng pasensya?

"bakit cyrus?" tanong ko habang pinapahidan ang pisngi ko.

Bigla nyang itinulak sakin yung lunchbox na binigay ko. Tumama yun sa tyan ko kaya nagulat ako.

"c-cyrus"

"sorry pero hindi ako tumatanggap ng pagkain sa hindi ko kilala" walang emosyon sa mga mata nya.

Nanlumo ako sa narinig ko.  

Bakit ganyan si Cyrus? 

akala ko ba okay kami? Diba sinabi nya noon na pinagkakatiwalaan nya ko? Na okay lang kahit stalker nya ko?

Nagpatakan nang muli ang mga luha ko. Ayokong umiyak at ipakita sa kanila ang kahinaan ko pero di ko kaya.. 

Masakit eh.

Napayuko nalang ako at tuluyang umiyak. Hindi ko magawang maglakad palayo..

"umalis ka na" muling pagtataboy nya sakin.

Tumungo ako at tumingin sa kanya ng diretso.

"g-gomenasai" kasabay nun ay ang mabilis kong pagtakbo palayo.. (sorry)

Hindi ko akalain na ganun pala ang ugali nya. Ang tagal ko syang inidolo. Akala ko iba sya. Pero isang maling akala lang pala.

I'm so pathetic.  

I'm so stupid. 

I'm so dullard. 

And yeah right.. I'm Hopeless.

Nagpakatanga ako sa isang tao. Umasa ako na mapapansin nya ko. Akala ko okay lang na magkaibigan kami pero hindi pala.  

Tinanggap ko ng maluwag na kaibigan lang ang kaya nyang ituring sakin pero tanga ko rin anoh.? Mataas nga pala sya..

Matataas lang din gaya nya ang karapatdapat na maging kaibigan nya.. 

Umasa pa kasi ako..

i don't expect anything more than this because i don't deserve anything more than this.. i'm hella stupid. I'm just an ordinary admirer and nothing more.. I shall stop stalking him. That would be better.

Simula ngayon, itatatak ko na sa utak ko na wala lang ako sa kanya.. Gaya nga ng sinabi nya, hindi nya ako Kilala.

Pinahidan ko na ang luha ko.. Tsk..  

Kailan ba umuso sakin ang salitang 'mahina'? Hindi ako ganun kaya wala akong dahilan para magdrama ngayon. Tsk.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon