Chapter 55: stole
"daddy" narinig kong sabi ni bree.
Sumilip ako sa pintuan at nakita ko si bree. Yakap yakap si Cyrus.
Nanghina bigla ang tuhod ko nung makita ko si cyrus. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.
"why are you here baby?" tanong nya habang hinahaplos haplos ang pisngi ni bree.
"i just missed you so much. I missed you daddy." sabi ni bree tapos sinunggaban ulit ng yakap si cyrus.
Naiiyak ako. Nanlulumo ako.
Ang lalaking sobrang mahal ko. Nasa ospital ngayon at.... *sob*
"baby, promise me, you won't hate your mommy yui!" narinig kong sabi ni cyrus. Nag unahan ng tumulo ang mga luha ko. Hanggang ngayon pala, iniisip parin ako ni Cyrus.
"no way. i hate her na daddy. she stole your eyes!"
Nagulat ako sa narinig ko. Pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko anu mang oras, matutmba na ako. Nanghina ako sa narinig ko.
Ibig sabihin ba nito,
Kay cyrus ang mga matang ito?
"she did'nt stole my eyes bree. i gave it to her because i love her...... more than anything."
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Napahagulgol na ako.
Cyrus. S-sorry.
Patawarin mo ako.
Sobrang nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko.
Pero bakit nagagawa pa nyang ngumiti sa kabila ng katotohanang bulag na sya... A-at ako ang dahilan.
Napahawak ako sa mata ko.
K-kanya ang mga to? Sya ang donor ko?
Pero bakit?
Kinagat ko ang labi ko para makontrol ko ang pag iyak ko. Hindi nya pwedeng malamang nandito ako.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
Yakap yakap na nya si Bree pero ngayon, seryoso na ang mukha nya. Kung ganun pala, pinapakita nya lang na matatag sya sa harap ng kapatid nya.
Napalingon ako sa likod ko nung may biglang humatak sa braso ko.
"anong ginagawa mo dito?"
"m-maureen"
hinatak nya ako palayo sa kwarto ni cyrus pero bago nya pa ako tuluyang mahila palayo, may humawak na sa kabilang braso ko at pinigilan ako.

BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...