One day.. In a far far away.. There's a Princess named- Lul!! Joke lang yan! Ang baduy! Kadiri =____=
Hindi naman pang fairytale ang kwento ko noh!! Ganito na lang ang gagawin kong pagpapakilala..
Ako nga pala si Risney Lee Suarrez. Isang babaeng pihikan. Lol. Joke lang yang pihikan. Isang mayamang babae na hindi nagpapaganda. Hindi kikay, hindi maarte. Pero baliw. Dejoke lang ulit kahit corny. =____=
Boyish ako, OO. Pero hindi tomboy. Hindi ako naniniwala sa fairytales dahil wala lang! Wala akong pakialam dun! Takot ako sa multo, OO.
And speaking of MULTO =____=
O____O
"Whaaaaaaaaaaaaa!!!! MULTOOO!" sigaw ko. May nakita kasi ako sa labas ng malaki naming bintana na pintuan naman. Nakaputing lalaki na may dugo sa bandang tagiliran. Tapos umuulan pa with matching kulog at kidlat! >____<
Lumapit ako ng dahan-dahan sa may pintuan at binuksan nang biglang kumidlat at kumulog kaya nakita ko na naman yung Multo! "Aaaaaa! P*TANG INANG MULTO KA!!! UMALIS KA DITO!! PAPATAYIN KITA!!" napatayo naman ako bigla ng diretso at napaisip.
"Teka? Multo na nga eh.. Ibig sabihin patay na? Tapos papatayin ko pa? Ano ng tawag dun?" bigla namang kumidlat ulit at kumulog kaya nakita ko na naman yung multo at ito na siya..
O____O PAPALAPIT NA SIYA SAKIN!! AY HINDI!! NAKAPASOK NA SIYA DITO SA BAHAY KO!!
"P*TANG AMA MO TALAGANG MULTO KA!! WAG KANG LALAPIT SAKIN!! IDO-DOUBLE DEAD KITA DIYAN!!"
Ayun!! Double dead pala ang tawag dun! HAHAHA! Talino ko talaga! (^.^)
Teka, balik tayo dito sa multo! Nakahiga na siya sa may sahig namin tapos duguan pa. Ay? Hindi naman ata 'to multo eh? Zooombiee! Whaaa! Zombie!!
"Hoy Risney!!"
"Ay palakang butiki!!"
"What's.. Palakang butiki?" pagtataka ni Kyrie.
"Palakang butiki? Ano nga ba? Aha! Tadpole! Yun yung palakang butiki. Yung bago maging palaka yung palaka."
"You're crazy Risney!!"
"Hoy! Wag mo nga kong tinatawag na Risney!! Sabing Lee lang ang itawag mo sakin eh!"
"Ang arte mo!!" sabi niya habang bumababa sa hagdan.
"G*go!! Mas maarte ka!"
"Wait? Why are you shouting kanina?" tanong niya sakin ng makababa siya sa hagdan.
"Ah? Yun ba? May zombie kasing pumasok dito sa bahay. Ayan nga siya oh!!" sabay turo ko sa Zombie.
"My Ghaad!!" sabi ni Kyrie habang nanlalaki yung mga mata niya. "Zombie nga!!" sigaw niya sabay takbo agad paakyat sa hagdan.
"Lumayo ka diyan Risney sa Zombie! Baka kainin yung utak mo! Teka? Wala ka palang utak! Kaya di ka niyan kakainin."
"G*go!! Ikaw yung walang utak!!"
"Che!! Tingnan mo na!!"
"Ang alin?"
"Yang si Mr. Zombie!"
Napahinga naman ako ng malalim. Eto na.. Walang eepal! Seryosong mukha na. Nilapitan ko na yung lalaki.May sugat siya sa tagiliran.. Mukhang sinaksak 'to ah!
"Babaeng maarte!!" tawag ko kay Kyrie.
"What is it?" tanong niya.
"Tawagin mo nga si Maureen."
"Why would I do that!?"
"Tatawagin mo o hahambalusin kita?"
"Ito na nga eh!!" sabay takbo niya at tinawag si Maureen. "Maureeeeen!!!" sigaw ni Kyrie.
"Bakit!!?" sigaw ni Maureen kay Kyrie.
"Risney said, I call you daw!" - Kyrie
Bumalik na ulit si Kyrie ng kasama si Maureen.
"Bakit mo ko pinapatawag sa maarteng babae na 'to?" tanong sakin ni Maureen.
"Gamutin mo 'tong lalaki na 'to." sabay tayo ko. Ginamot naman ni Maureen yung lalaki.
Nakaupo lang ako dito sa may sofa at ganun din si Kyrie. Pinapanood lang namin yung paggagamot ni Maureen.
Oo nga pala, itong maarte kong kasama ay si Kyrie Falqueza. At yung nang gagamot naman ay si Maureen Sandoval. Mga kaibigan ko sila. Classmate ko rin sila sa Park Jin High. Third year highschool na kami at sa iisang bubong kami nakatira. Wala ang mga parents namin. Puro trabaho ang inaatupag eh. =____=
"Okay na 'to. Hintayin niyo na lang siyang magising." sabi ni Maureen at bumalik na sa kwarto niya.
"Risney?" tawag sakin ni Kyrie.
"Bakit?"
"Diyan lang ba yang lalaki na ya-" napatigil sa pagsasalita si Kyrie ng biglang magising yung lalake.
"Asan ako? Nasa langit na ba ko?" sabi nung lalake.
"G*go! Wala ka sa langit!" sabi ko.
Napaupo naman bigla yung lalaki at nanlaki yung mata. "Wag niyo sabihing, nasa impyerno na ko? Aray!!" binatukan ko nga. Letseng 'to.
"Wala ka pa sa impyerno! Nasa mundong ibabaw ka pa!!"
"Bakit ako nandito?"
"Wala kang maalala?"
"Wala."
"Wala ka palang utak."
"Anong walang utak? Halikan kita diyan eh!"
"Ul*l! G*go!! Wag ako! Patayin kita diyan eh!"
"Hey! You two! Can you stop arguing?" sabi samin ni Kyrie.
"Tch. Halika na nga!" sabi ko dun sa lalake.
Napangisi naman siya. "Ano yung sabi mo? Halikan.. na nga!?"
Binatukan ko ulit siya. "G*go ka pala eh! Wala ka na ngang utak, bingi ka pa! Tumayo ka na diyan! Dadalhin kita sa guest room. Dun ka magpahinga." tumayo naman siya at hinawakan yung kamay ko.
"Bitawan mo nga ako!!" sigaw ko.
"Bakit?" painosenteng tanong ni Epal.
"Painosente ka pa dyan!!"
"Risney! Stop!!"sigaw ni Kyrie tapos tumingin siya dun sa lalake."What's your name?"
To be Continue . . .
***
FOLLOW.VOTE.COMMENT.
Mbaby029
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?