Dedicated kay @DenisseCarandang dahil sa tuloy-tuloy niyang pagvote sa stories ko :) At dahil din sa kanya kaya sinipag akong gumawa ng pang-UD ngayon :) Thank you ate :D
-x-x-x-
Chapter 25
"Ris? K ka lang?" tanong sakin ni Kyrie. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" sagot ko sa kanya. Tinuro niya naman yung dalawang huling pumasok kanina. Si Creed at si Boa. Bakit kasi ka bus pa namin yung dalawang 'to eh? Hindi naman siguro sila nananadya diba? Ang ganda-ganda ng mood ko kanina at ang ayos-ayos na ng lahat pero dumating pa 'tong dalawa na 'to -_-
Minsan nga, tumitingin dito si Boa tapos ngingiti sakin eh. Ang plastic -- hindi pala plastic. Sobrang plastic ng ngiti niya. Sa pagkasobra nga, baka mamaya, hindi ko na mapigilan yung sarili ko at itapon ko na siya palabas sa bintana ng bus na 'to eh. At dahil napagod na ko kakatingin sa dalawang 'yon, kinuha ko na lang yung stick-o sa bag ko atsaka kinain. May tatlo kaming kasama na love birds. Tapos yung iba, puro cellphone ang hawak at panigurado, katext nila yung mga nililigawan nila. Napansin ko naman si Cross na tahimik lang at may nakasalpak na earphones sa tenga niya. Tahimik lang palagi yung lalaki na yan. Pero ang pagkakaalam ko, may girlfriend yan. Yun nga lang, ang pagkakaalam ko, nasa ibang bansa yung babae.
Sabi ng mga lalaking 'to, maganda daw yung babae, pero simple. Walang arte sa katawan. Nung dinala niya kasi dito sa Pilipinas yon, wala ako dito dahil nasa states ako nun.
Ilang oras na ang nakalipas, halos maubos ko na pala yung stick-o ko. Kaya tinakpan ko muna 'yon at natulog na muna. 9 am na kasi at inaantok pa din talaga ko. Pero biglang tumigil yung sasakyan kaya nagulat kaming lahat. Nagising din tuloy ako. "Mr. Driver? Ano pong nangyari?" tanong ni Karla. "May dumaan po kasing aso eh." sagot nung driver. "Sa high way may aso? Imposible naman ata yan?" sabat ni Boa. "Shut up Ms. Silvestre." pambabara sa kanya ni Karla. Go, Karla! Hahaha.
"Pakituloy na po yung pagbyahe Mister." sabi ni Karla sa driver kaya bumyahe na ulit kami. Pinagpatuloy ko na ulit yung pagtulog ko pero nilagay ko muna yung earphones ko sa tenga para wala akong marinig na ingay.
-
-
-
-
-
"Justine, may kamay ako, okay? Hindi mo na ko kailangang subuan ng subuan. At isa pa, malakas pa yung katawan ko oh? Wala akong sakit. Kaya tigilan mo na." sabi ni Janna kay Justine. "Okay po. Masusunod po. Pero matulog ka na muna, okay? Halika, dito ka na lang matulog sa balikat ko. Okay na okay lang sakin." sabi ni Justine atsaka hinawakan yung ulo ni Janna at isinandal sa balikat niya. Pumikit naman na si Janna at natulog na. At nang maramdaman na ni Justine na mahimbing na yung tulog ni Janna, hinawakan niya yung kamay ni Janna atsaka natulog na din.-
-
-
-
"Nagugutom akoooo T_T" bulong ni Shey sa sarili niya. Pano kaya 'to? Tulog naman kasi 'tong si Prince eh. Hindi ko abot yung bag. Nasa itaas ba naman kasi eh. Tapos ang liit ko pa. Aarrgh! Ah! Gigisingin ko na lang siya. Bahala na kung magalit siya sakin dahil inistorbo ko siya. Ang mahalaga, makakain ako. Bwahahaha!"Priiiince~" tawag ni Shey sa boyfriend niya at inalog-alog ito para magising. "Mmm?" sagot ni Prince pero nakapikit pa din. "Nagugutom akooo~"
"Andyan naman yung bag eh."
"Pero hindi ko abot yung baaag T_T Nasa taas oh?" sabi niya ng naka-pout. "Kaya mo 'yan, pumatong ka dyan sa upuan."
"PRINCE NAMAN EH!" sigaw ni Sheya kaya napatingin ang mga kasama nila sa kanilang dalawa. "Sorry sa istorbo." sabi ni Shey sa kanila. Kruuuu~
Natawa naman si Prince sa narinig niya kaya tumayo na siya atsaka kinuha yung bag nila sa taas. "Ano bang gusto mong kainin?"
"Cream-o." nakangiting sagot ni Shey. Binigay naman yun ni Prince sa kanya at nang mabigay na ni Prince kay Sheya yon, kiniss siya ni Shey sa pisngi at nag- "Thank you."
-
-
-
-
-"Ow Shit!" sabay-sabay na sabi ng mga estudyante sa loob ng bus dahil bigla na namang tumigil yung bus na sinasakyan nila. Bigla namang tumayo si Boa at sumigaw. "Ano ba naman yan!? Bakit na naman huminto!? Marunong ka ba talagang mag-drive!? Mygash!" atsaka umupo siya ng padabog. Bigla namang may kumatok sa pintuan ng bus na lalaking nakaitim at sinabi naman ni Karla na buksan 'yon. Tinanong niya kung "Bakit?" pero hindi manlang sila sumagot at dire-diretso silang pumasok sa loob ng bus at bigla na lang kinuha si Risney. "Putang ina! Bakit kayo nandito!? Bitawan niyo nga ko!" sigaw ni Risney habang nagpupumiglas. "Hoy! Anong gagawin niyo sa master namin!?" sigaw ni Marco pero hindi din siya sinagot ng mga lalaking nakaitim. Piglas pa din ng piglas si Risney pero hindi na niya kinaya ng takpan siya ng panyo ng isang lalaki.
Sino kaya ang mga 'yon? At ano ang binabalak nila kay Risney?
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?