Hi, guys! Since ngayon ko lang napansin na ganun pala ang naging ending ng The Boyish Chick, babaguhin natin kahit 2 years ago na siyang tapos. Ngayon ko lang din kasi napansin yung mga comments niyo na bitin yung ending. And ngayon ko lang narealize na BITIN NGA TALAGA HAHAHAHA! So eto na siyaaaaa~ Sorry sa pagiging laaaaate :3 Enjoy reading! Mwaps♥
-----
RISNEY LEE SUARREZ's POV
"Aray, teka. Tang*na." sabi ko dahil naluluha ako sa eyeliner na nilalagay ng makeup artist na 'to. "Teka madam, kalma."
"Pano ako kakalma? Naluluha na ko oh!" nakasimangot kong sabi sa kanya. "Ang tawag dyan Madam, TIIS GANDA."
"Tang*na wag mo kong tinitiis-tiis ganda kung ayaw mong upakan kita." napanguso naman yung baklang makeup artist ko. "Sorry na madam. Si sir Creed naman nagsabi nito eh." inirapan ko siya at napabuntong-hininga na lang. "Oo na, basta ayusin mo lang. Kapag natusok yung mata ko sasapakin talaga kita papalayo dito sa hotel."
"Yes, madam."
-----
"Ang tagal niyo naman." sagot ko kay Kyrie sa kabilang linya. "Teka lang ah. Traffic kasi."
"Ano pa bang magagawa ko?"
"Pero nandyan na pala yung bridal car mo. Mas mabuti pa kung bumaba ka na dyan." utos sakin ni Kyrie. "Sino nagsabi?" tanong ko. "Ako malamang. Ako yung kausap mo ngayon oh."
"Sabihin mo sa kanila na sunduin nila ko dito sa taas. Ano? Ako pa ba maghahanap nung sasakyan?"
"Ugh. Do you think lahat ng sasakyan may flower sa harap ng sasakyan? Ikakasal ka lang kay Creed, di mo na ginamit utak mo."
"Gago." atsaka ko siya binabaan ng tawag. Tang*na talaga ng kaibigan ko.
-----
"You may now kiss the bride." sabi ng pari at inangat na ni Creed yung belo ko papunta sa likuran ko. Ngumiti siya kaya di ko din naiwasan na ngumiti. Dahan-dahan niya naman akong hinalikan. "Pre sobrang tagal na niyan ah! I-reserved niyo na yan para sa honeymoon." sabi ni Justine. Napatigil naman kami at humiwalay sa halik ng isa't isa. "Sorry, Master! Gustom na kasi kami." Nagsitawanan naman yung mga bisita. Samantalang binatukan siya ni Janna.
Nang matapos ang kasal ay pumunta na kami sa reception atsaka nagsikainan. Susubo palang ako nang pagkain ay bigla na kaming nakarinig ng malakas na pagbukas ng pintuan. "Gago yun ah." bulong ko nang makita kong mga mukhang gangster yung nasa pintuan.
"Asan dito si Risney Lee Suarrez!?" sigaw nung lalaki. Tumayo naman ako at nilapitan siya. "Gago ka 'no? Wag ka ngang manira ng okasyon dito!" inis kong sabi sa kanya.
"Bakit? Sino ka ba?"
"Tanga ka pala eh! Hinahanap mo ko kanina tapos bigla mong tatanungin kung sino ako? Gago ka nga talaga."
"Eh tang*na mo pala eh!" akmang susuntukin niya naman ako pero agad ko siyang sinipa sa tyan kaya tumalsik siya pabalik sa mga kasama niyang mukhang siraulo.
Nagsitayuan naman yung mga bisita. "Hoy mga siraulo kayo ah! Bakit niyo sinisira yung kasal ng Master namin?" inis na sabi ni Justine. "Pakialam niyo ba?"
"Master, bumalik ka na don sa pwesto mo at kami na ang bahala dito." utos sakin ni Xyler.
"Siraulo ba kayo? Hindi ako aalis dito. Sama-sama nating papatumbahin yung mga gagong 'to." nakangisi kong sabi atsaka sumugod yung mga panget na nasa harap namin.
-----
"S-Sorry na po. H-Hindi na m-mauulit." sabi ng unang sumugod sakin kanina habang nakaluhod habang mangiyak-ngiyak pa yung itsura niya. "Umalis na kayo kung ayaw niyong makita yung impyerno." utos ko sa kanila.
"O-Opo, Master. P-Pasensya na po ulit!" sabay-sabay nilang sabi. "Hoy! Wag nga kayong makitawag ng Master sa kanya! Samin lang siya!" bulyaw ni Marco sa kanila. "Umalis na kayo kung ayaw niyong kaladkarin namin kayo." sabi ni Shone atsaka sila nagsipagtakbuhan paalis.
"Mukhang di na maaalis yung pagiging basagulera mo ah." bulong sakin ni Creed kaya marahan ko siyang hinampas sa tiyan niya.
"Siraulo. I didn't choose the thug life, the thug life chose me." nakangising kong sabi sa kanya atsaka siya hinila para halikan.
THE END.
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?