Chapter 23
"Babe? Ano? Okay ka lang ba?" tanong ni Boa kay Creed. "Oo, okay lang ako." sagot ni Creed. "Okay lang? Tingnan mo nga, may pasa ka sa tabi ng labi mo." pag-aalalang sabi ni Boa. "Okay lang nga ako." pagpupumilit ni Creed. "Tsk. Halika na, tumayo ka na dyan. Pumunta tayong clinic para maglagyan yan ng yelo." tumayo naman si Creed gaya ng sinabi ni Boa.
"Oh? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Xyler ng makita niya yung mukha ni Creed. "Sinapak ko." walang gana kong sagot. "Eh bakit matamlay yung tono mo?" tanong niya ulit. "Wag mo na lang intindihin 'to."
"Weh? Sigurado ka master? Ano ba talaga?"
"Alam mo, Xyler? Ang kulit-kulit mo! Baka gusto mong ikaw yung sapakin ko dyan nang makita mo ang hinahanap mo!"
"Chill master. Hindi makakatulong yung pagsapak mo sakin sa hinahanap ko."
"Eh sino ba kasing hinahanap mo?"
"Yung kakambal ko, master." nakangiti niyang sabi.
"Kakambal?"
"Oo master. Kakambal nga. Xhalia yung pangalan niya. First year."
"Eh di babae yon?"
"Malamang master! Xhalia nga di ba? Pambabaeng pangalan." napapokerface na lang ako dahil sa sinabi ni Xyler. "Umalis ka na nga dyan at hanapin mo na lang yung kakambal mo! Nakakainis kang kausap."
"Sige na nga. Basta master, chill ka lang. Okay?" sabi niya atsaka lumabas ng canteen. Nang makalabas naman si Xyler, doon nakabalik si Kyrie.
"Oh? Nakabusangot ka dyan?" tanong niya. "Ang epal ni --" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sa pagtunog ng bell pero ibang tunog. Ang pagkakaalam ko, bell yun na may ia-announce. Ano naman kaya yung ia-announce nila?
"Goodmorning Park Jin High students!" boses ni Karlo delos Reyes a.k.a Karla. Tagilid eh. Kaya naging Karla. Siya ang President ng Student Council . Siya din ang class president namin."Meron akong GOOD NEWS sa inyo!" masaya niyang sabi. "Magkakaroon tayo ng 1 week outing!" pagkasabi nun ni Karla, nagkatinginan silang lahat. "Isa itong outing o parang pagsasaya nating lahat. Ito daw ang regalo ng ating pinakamamahal na principal satin! Ang saya diba? Oops! Paalala lang guys and gals, bukas na AGAD-AGAD ang outing natin! Kailangan exact 5am ay nandito na tayo. Okay?"
"Okay!" sagot ng mga estudyante. "OMG Ris, may outing tayo! Unang beses 'tong ginawa ni Ms. Principal." sabi ni Kyrie sakin. Ms. Principal talaga ang tawag namin sa kanya dahil 26 years old palang siya, pinamana na sa kanya ang Park Jin High. Sobrang bait talaga ng principal namin dito dahil minsan ko na syang nakausap dahil sa kalokohan ko nung . .
*Flashback*
"You b*tch! Tingnan mong ginawa mo sakin! Ang dumi na ng damit ko dahil sa ginawa mo! Hindi mo ba alam na mahal 'to!? Magbabayad ka sa ginawa mo sakin!" sabi sakin ng isang babae atsaka ako sinampal at sinabunutan hanggang sa mapaupo na ko sa sahig. "Ano? What are you waiting for? Tumunganga na lang --" bago pa niya matapos ang mga wala kakwentahan niyang sasabihin, diniretsang sapak ko na agad siya sa mukha. Ang daldal masyado eh. Ang arte-arte pang magsalita. "Y-You b*tch!! Anong ginawa mo sa mukha ko!!?" sigaw niya sakin.
"Anong 'anong ginawa'? Eh kasalanan mo din naman yan eh! G*go ka kasi! Sa susunod, alamin mo kung sino yung kinakaharap mo pwede? Nang hindi masira 'yang retokada mong mukha!" umupo naman ako sa harap niya at hinawakan yung baba niya. "Tingnan mo yung nangyari sa ilong mo, tumabingi tuloy." nanlaki naman yung mata niya atsaka inis na sumigaw. "Pagbabayaran mo 'to! Alam mo bang mahal magparetoke? Tapos sasapakin mo na lang ako!? Tyaka pano mo nalaman na retokada ako?" ngumisi ako atsaka napatawa. "Binibiro lang naman kita eh. Yun nga lang,totoo naman pala." atsaka ulit ako tumawa. Siya naman, tiningnan ako ng masama at tumakbo na paalis. Napahiya tuloy siya.
Kinabukasan, nang nasa loob na ko ng classroom namin biglang may lumapit sakin na estudyante at sinabing, "Ikaw ba si Risney Lee Suarrez? Pinatatawag ka kasi ng Ms. Principal sa office niya eh." agad lang akong tumayo at naglakad papunta sa office.
----xxx
"Maupo ka Ms. Suarrez." mahinahong sabi ni Ms. Principal. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinatawag dito. Nagsumbong lang naman kasi yung retokadang babae na 'to. Nang matapos ang pag-uusap, hindi naman ako naparusahan o kahit anong consequences. Wag na lang daw uulitin. Nag-aksaya lang ng laway yung retokada na yun. Inistorbo pa ko.
Nang matapos ang klase, naglibot-libot muna ko sa PJH hanggang sa makarating ako sa rooftop. "Bakit ka pa nandito?" tanong sakin ni Ms. Principal. "Naglibot-libot lang." sagot ko. "Pwede ba kitang makausap?" tanong niya ulit at tumango na lang ako.
"Tungkol 'to sa nangyari sa inyo ni Ms. Reyes."
"Ano bang tungkol dun? Bakit kailangan pang pag-usapan kung napag-usapan naman na kanina?" napangiti lang siya sa sinabi ko. "Parehas na parehas tayo. Ganyan na ganyan din kasi ako nung highschool ako. Ganyan sumagot, nakikipag-away, laging napapa-guidance, pero ewan ko ba? Bigla na lang akong nagbago. Dahil siguro yun sa isang lalaki na sinaktan ako. Mahal na mahal ko siya nun pero iniwan niya ko. Umalis siya, pumunta siyang states. Pagkatapos nun, wala na. Hindi ko na siya nakita pa. Ni paramdam o kamusta manlang, wala."
Dahil sa isang lalaki? HAHA! Hinding-hindi naman mangyayari sakin yun. Pero malay ko diba? Nakakacurious tuloy kung anong magpapabago sakin. Pero ayoko namang dahil lang sa isang lalaki.
"Wag kang mag-alala, hindi naman natin masasabi kung anong magiging kapalaran natin eh. Maghintay ka lang at malalaman mo din." at nginitian niya ko. "O' pano? Hindi ka pa ba uuwi? Maggagabi na. Tara na, sabay na tayong bumaba."
*----xxx
Isa yun sa mga ugali ni Ms. Principal. Baka kung iisa-isahin ko pa, hindi niyo na malaman yung mangyayari sa outing namin bukas.
"Ris? Ano? Tulala ka na dyan ah? Tara na! Dami mo pang iniisip diyan eh!" sabi sakin ni Kyrie. "Wala akong iniisip noh! Tara na nga." sabi ko sa kanya at nauna nang naglakad papunta sa room namin.
Pagdating namin, "Ooowkaaay?"
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?