Nang makahiga ako sa kama, pinikit ko yung mga mata ko. Pero mayamaya, narinig ko si Kyrie. Hindi ko alam kung may kausap ba siya? Pero mukhang hinahanap niya kung nasaang kwarto ako. Bubuksan ko na sana yung pinto ng marinig ko kung sino yung isa pang nagsalita. "Oh? MY DAMN EVIL SISTER. Ikaw pala yan?" rinig kong sabi ni Boa. Sinilip ko kung sino yung kausap niya at nakita kong si Kyrie 'yon. "Kamusta? Kamusta ang pagiging artista mo sa harap ng mga kaibigan mo? Oops! Erase the kaibigan. Hindi mo nga pala sila mga kaibigan, right? Yan yung sabi mo sakin nung nagkita tayo eh." sabi niya pa ulit. "Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ni Kyrie.
"What? Na pinaplastic mo lang silang lahat! Lalo na yung Leader niyo na si Risney?" T*ngina."Paano kaya kapag nalaman niya na yung matagal na niyang kasama ay isang traydor?" nagsimula nang mapakunot yung noo ko pero pinagpatuloy ko lang yung pakikinig. "Na naging dahilan kung bakit nasira yung relasyon nila ni Brent? Tsk. Tsk. Tsk. At paano kaya kapag nalaman din niya na may kapatid ka sa grupo na yon?" Kapatid? Si Kyrie? Sino naman? "Paano din kaya kapag nalaman niya na I'm your dearest little sister?" M-Magkapatid sila? "And WHAT IF! Malaman niya na niloloko niyo lang siya? Ano kayang magiging reaksyon ng Leader niyong si RISNEY LEE SUARREZ?" Totoo ba 'tong mga naririnig ko? "Mapatawad niya pa kaya kayo? Or masisira na ang pinakaiingatan niyong grupo? Ha-ha-ha. Poor Risney. Hindi niya alam kung sino at ano ba talaga yung mga nakapaligid sa kanya. I feel sorry for her. BUT NOT. HAHAHA! Oh! I gotta go na, SISTER." sabi ni Boa at umalis na. Narinig ko pa nga yung pag-smirk niya eh. Pero t*ngina talaga! Totoo ba lahat ng narinig ko? Trinaydor ba talaga ko nila Kyrie?
Bigla namang bumukas yung pinto at gulat na gulat yung itsura ni Kyrie. "Totoo ba?" tanong ko sa kanya. "Please, wag mo munang intindihin yung sinabi ni Boa. H-Hayaan mo muna kong magpaliwanag. ."
"PARA SAAN PA?! PARA LOKOHIN NIYO ULIT AKO?! MALIBAN SAYO, SINO PANG NANLOKO SAKIN?!" sigaw ko sa kanya.
"R-Risney. . H-Hayaan mo muna kong magpaliwanag. . H-Hindi ko gusto y-yung nangyaring 'yon. . S-Sorry din. Sorry din kasi nagtago ako sayo. Nagsinungaling ako sayo. Pero wala akong masamang intensyon sa mga ginawa ko. ." umiiyak niyang sabi.
"Sorry. Pero hindi mo na ko maloloko." sabi ko atsaka siya sinakal sa leeg kaya napasandal siya sa pader. "P-Please, Risney. W-Wag mong i-ituloy 'to! *cough cough* Risney! P-Please. ."
"NGAYON SAGUTIN MO KO! SINO PA YUNG MGA KASAMA MONG AHAS SA GRUPO KO!?"
"R-Risney. ." napapikit siya at nagsalita ulit. "A-Ako lang. . Ako lang mag-isa. W-Walang kinalaman y-yung iba dito. . Kaya please, t-tanggalin mo na yung kamay mo sa leeg ko. A-Ayaw mo ng maulit yung n-nangyari diba? Please. . Wag mo kong papatayin. ."
"Risney!" nanlalaking mata na sabi ni Maureen kaya agad ko naman siyang nabitawan si Kyrie. *cough cough* "S-Sorry. ." sabi ko atsaka lumabas.
Nang makadating ako sa labas, kumuha ako ng alak at uminom. Nang makalimang bote ako, kumuha ako ng dalawa at naglakad papunta sa tabing-dagat. "AAAAARRRRRGGGGHHH! PUT*NGINA NIYONG LAHAT!" sigaw ko at binato sa malayo yung bote ng naubos kong alak. "TRAYDOR KA! T*NGINA MO. ." napaupo na lang ako sa buhangin habang umiiyak. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Hindi ko alam kung pano ko siya mapapatawad. Sa dami ng pagsisinungaling niya sakin? Tinuring ko siyang tunay na kaibigan tapos ganito lang ang igaganti niya sakin?
KYRIE FALQUEZA's POV
"Anong nangyari? Bakit ginawa ni Risney sayo 'yon?" nag-aalalang tanong ni Maureen. "N-Nagsinungaling ako. ."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ako yung dahilan kung bakit nasira yung relasyon ni Brent at Risney noon. . Si Cross at ako, m-magkapatid kami. . Pati si Boa, kapatid ko din. . Maureen. . Mapatawad mo kaya ako? Mapatawad kaya ako ni Risney sa mga nagawa ko sa kanya? Pati sa inyo?"
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
JugendliteraturPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?