Chapter 17

3.5K 79 1
                                    

Chapter 17

*yaaawn*

"Haaay. 1 month na lang. . Pasukan na ulit!" Pero tinatamad na nae-excite ako! Tinatamad dahil aral-aral na naman ang gagawin! Kailangang mag-study hard! Graduating eh! Tapos, nae-excite dahil may mga makakaaway ako! Wahahaha!

*phone rings*

Napakunot bigla ang noo ko. Paano ba naman kase, ang aga-aga pa, may tumatawag na. Tiningnan ko kung sino.

Sheya calling. .

Ay! Siya lang pala eh! HAHAHA. Agad kong sinagot iyon. "Hello, Shey! Napatawag ka?"

[A-Ano. .] mautal-utal niyang sabi sa kabilang linya.

"Bakit ka nauutal? May problema ka ba?"

[Ano. . Gusto ko sanang magpasama sayo eh. Okay lang ba?]

"Okay ang naman! San ba destinasyon?"

[Sa hideout niyo.]

"Ha? Sa hideout? Ano namang gagawin mo dun?" pagtataka ko.

[Gusto ko kasing makita si Prince eh. . Kaya lang, ayaw akong payagan ni kuya!] Wahaha! Ang cute niyang magsalita!

"Bakit naman?"

[Dahil nga kasi yun dun sa nakita niya nung nakaraang linggo. Hindi pa rin nga ako pinapansin ni kuya eh! Pinaglalayo niya kami ni Prince!]

"Ayan kase! Ang bata-bata mo pa, haliparot ka na!" pagbibiro ko sa kanya.

[Ate Risney naman eh!!] sigaw niya sa kabilang linya kaya napatawa na talaga ko! [Wag ka ngang tumawa diyan! Palibhasa, engaged ka na eh!] napatigil naman ako bigla.

"Hoy, babaeng haliparot! Hindi pa ko engaged noh! Boyfriend ko lang 'yon! BOYFRIEND." siya naman ang tumawa ngayon.

[Hwag ako ate Risney! Hindi mo ko maloloko.]

"Hindi naman kita niloloko ah! Totoo yung sinasabi ko!"

[Eh bakit ka sumisigaw?] sumigaw ba ko?

"Hoy Risney! Ang ingay mo!" sigaw ni Maureen. Haaay. Sabi ko nga, sumigaw ako.

"Anong oras ba tayo pupunta dun?"

[Mga 12pm. Sharp.]

"Ang aga naman ata nun?"

[Eh gusto ko kasing i-surprise si Prince mamaya.] Ehh? Anong meron? [Birthday niya ngayon, Ate.] Bakit hindi ko alam?

"Mukhang inalam mo na lahat ng tungkol kay Prince ah!"

[Syempre naman, number one suitor niya kaya ko!]

"Nako naman! Baliktad na talaga ang mundo ngayon! Babae na ang nanliligaw sa lalake."

[Hay nako, ate Risney! Ewan ko ba dun kay Prince at ang torpe-torpe! Alam mo bang inamin niya sakin na mahal niya ko pero ang pagkakaalam niya, tulog ako!]

"Wahahahah! Kakaiba siya sobra! Osya, mamaya mo na ituloy 'yang kwento mo. Maliligo muna ko. Babye." atsaka ko inend yung call. Grabe talaga yun si Sheya, napakadaldal! Magkaibang-magkaiba sila ni Shone.

Papasok na sana ko sa banyo para maligo ng tumunog ulit yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag pero unknown number eh. Haaay. Sinagot ko iyon dahil baka emergency 'to. "Hello? .... Hello? .... Hellooo???" Ayy p*cha!! Sino naman kaya 'tong nantitrip na 'to? Wala naman kasing sumasagot eh! Istorbo!! Inend ko na agad yung call at naligo na.

----xxx

"Ate Risney!!" agad na sigaw ni Shey ng makita niya ko. Oo nga pala, siya si Sheya Garcia. Kapatid ni Shone, isa sa mga members sa grupo ko. Patay na patay 'tong babae na 'to kay Prince. Kaya lang, yung lalaking yun, ang sungit! Akala mo red alert palagi eh! Pero sanay naman na kami sa kanya. Kaya mas mabuti na lang na wag ko na lang yun kausapin. Pero kay Sheya, ang daldal niya. Mukhang mahal nga talaga niya si Sheya. Kaya lang, torpe. Haynako! Puro lovelife!

"Late ka, Ate!!" bulyaw niya sakin. Ate ang tawag niya dahil mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Magkakabatch kami ng grupo maliban sa kanya. At mukhang balak niyang mag-enroll sa Park Jin High ngayong pasukan para makita at makasam si Prince.

"Traffic eh." dahilan ko kahit hindi naman. Wahahah.

"Hmp! Tara na nga. Samahan mo kong bumili ng chocolate cake."

"Chocolate cake ba kamo?" masaya kong tanong sa kanya at tumango naman siya sakin. Alam na neto ang ibig kong sabihin eh! "Tara, baka maubusan pa tayo!!" saad ko at agad siyang hinila papunta sa loob ng Red Ribbon. Bumili siya ng chocolate na dedication cake para kay Prince at ako naman, bumili ako ng rolled cake na chocolate. Mga lima pa nga yung akin eh! Wahaha! Paborito ko kasi 'to! Basta chocolate, wala akong paawat! Lumabas na kami at saktong nakasalubong namin si Brent na nakasakay sa kotse.

"Brent!" tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa direksyon namin pagkatapos ay agad akong lumapit sa backseat sa kotse niya at binuksan para mailagay yung limang cake na bitbit ko. Pagkatapos ay hinila ko si Sheya at pinaupo sa backseat at ako naman sa front seat.

"Bakit kayo nandito?" tanong samin ni Brent.

"Bumili ng cake." sagot ko.

"Para saan naman yan?"

"Yung lima, akin yun. Yung bitbit naman ni Sheya, para kay Prince."

"Ha? Bakit?"

"Birthday daw kasi ni Prince sabi ni Shey sakin. Kaya ayan siya, nagpasama sakin. Isu-surprise pa nga niya si Prince eh!"

"Hanep! Gumaganon ka, Shey?" biro ni Brent.

"Oo naman noh!" - Sheya

"Sana ganyan din yung GIRLFRIEND ko SAKIN." Aba! Pinagdiinan niya pa talaga yung Girlfriend at Sakin. Nagpaparinig yata 'to sakin eh! Pero sorry siya! Di ko siya papansinin :P

"Nako Brent! Tara na nga!" sigaw ni Shey dito. Ang ingay talaga ng haliparot na babaeng 'to!

Nakadating na agad kami sa hideout at ayun, nandoon si Shone sa may pinto. "Master!" masayang tawag sakin ni Marco. "Napadalaw ka ata?" tanong niya sakin.

"Si Shey kasi eh. Nagpasama. AYAW daw kasing PAPASUKIN ng KUYA niya sa LOOB." pinagdiinan ko talaga yung ibang words para malaman ni Shone.

"Hi Shey!" bati ni Justine at hinalikan ito sa pisngi. Nanlaki naman yung mga mata namin ng gawin yun ni Justine kay Shey. Maski si Shey ganun din. Pero ito ang mas malala! Sa isang iglap, bumagsak si Justine sa lupa!

To be Continued. . .

***

Sorry sa Late UD, guys! Medyo wala sa kondisyon eh. At pa promote ako ng bago kong story na tinatawag na (The Boyish Chick) T.B.C Short Stories. Mababasa niyo dito yung buhay ng grupo ni Risney! At kasama na doon sila Prince at Sheya! May 2 Parts na yung sa kanila! Sooo. . Sana, suportahan niyo din yun! Thank you! Comment the saloobins na lang kahit simple lang yung UD ko dito. Wahaha. Goodnight!

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon