Chapter 18
"P-Prince!?" di makapaniwalang sabi ni Sheya. Sinuntok kasi ni Prince si Justine. Ito naman kasing si Justine, nanananching kay Sheya. Ayan tuloy, nasapak siya! HAHAHA.
"Bakit ka nanapak!?" sigaw ni Justine kay Prince.
"Tangina mo kase! Alam mo ng akin yan si Sheya tapos may pahalik-halik ka pang nalalaman diyan!" sabi ni Prince at hinila si Sheya papunta sa motor niya at umalis silang dalawa. Dala-dala pa ni Sheya yung cake para kay Prince. HAHAHA. Paano kaya nila yun kakainin?
"HOY! TANGINA MO PRINCE! IBALIK MO YUNG KAPATID KO!!" inis na sigaw ni Shone pero hindi siya pinansin nung dalawa. Wahahaha. Kawawang kuya! Masyado kasing mahigpit sa kapatid!
"Oy, Brent. Tulungan mo nga kong magpasok nito sa loob." utos ko sa kanya.
"Ayos ah! Ginawa mo naman akong utusan niyan!" sagot niya.
"Anong klaseng boyfriend ka kung hindi mo ko tutulungan?"
"Bakit? Dun lang ba yung basehan?"
"Ay! Ewan ko sayo! Gago ka talaga! Putangina mo!" sabay pasok ko sa loob. May dala naman akong dalawang box eh. Wahahaha. Ang saraaaaap!! *Q*
"Uy master, penge!" sabi ni Marco at tumabi sakin. Inusog ko naman papunta sa kanya yung isang box. "Sayo na yan."
Napangiti naman siya ng malapad. "Talaga master?" tumango naman ako. "Salamat!" sabay halik niya sa pisngi ko. "Aray!" binatukan ko nga. Bwisit na 'to.
Nang maubos ko yung cake, lumabas ako at humiga sa duyan. May duyan din dito kagaya nung sa bahay namin nila Maureen. Pumikit ako pero may nakita akong mukha. M-Mukha ni Creed. .
Agad akong napamulat. Bakit nakikita ko pa siya? Ni hindi nga siya totoo eh! Sa panaginip ko lang siya nakita at minahal. Kaya dapat makalimutan ko na siya!
"Risney!" tawag sakin ni Brent.
"Oh? Bakit?" tanong ko sa kanya pero hindi ako humarap.
"Alis tayo." napatingin na ko sa kanya.
"San tayo pupunta?"
"Date."
"Date? Ayoko. Boring lang yun. Sa bar, pwede pa."
"BAR? Makakapagdate ba tayo sa bar?"
"Ayoko nga ng date e. Ang gusto ko, pumunta sa bar."
"Aysh! Ano namang gagawin mo dun?"
"Iinom, sasayaw. Magpapakalasing-- Aray! Bat mo ginawa yun!" reklamo ko sa kanya. Binatukan kasi ako.
"Hindi ka magba-bar."
"Magba-bar ako sa ayaw at sa gusto mo. At hindi mo ko mapipigilan." cold kong sagot sa kanya.
Matagal nang kami ni Brent. Magwa-one year na nga kami next week eh. Pero parang may mali eh. Ang pagkakaalam ko kasi talaga, wala na kami. Pero bakit ngayon, kami pa din? Grrrr. Kailan kong malaman kung ano talaga yung lahat na nangyari. Kailangan kong malaman lahat-lahat!
KYRIE's POV
*phone rings*
"Hello?" walang tingin-tingin kong sinagot iyon.
"Kamusta na?" napakunot naman yung noo ko.
"Bakit ka tumawag?" mataray kong tanong.
"Hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko kung kamusta ka na eh."
"Okay lang ako. Okay na okay" sarcastic kong sabi. "Ano na namang kailangan mo?"
"Hindi ano. SINO."
"Wag mo ng guluhin sila Risney at Brent. Masaya na sila."
"Really?"
"Yes. Kaya wag ka ng magpaparamdam pa."
"Ow wait! Let's make a deal then."
"No. Ayoko."
Tumawa siya. Yung tawang pang bruha. "Are you scared, Kyrie?"
"Hindi."
"Then, pumunta ka dito. 6pm, SHARP." and she ended the call.
----xxx
"Long time no see, Kyrie." nakangiting bungad ni Boa sakin. Yea, siya yung kausap ko kanina sa phone. Andito na ko sa bahay nila. And she's Crisha Boa Silvestre, ang babaeng humalik kay Brent. Ang naging dahilan kung bakit nagalit sakin si Brent. Hindi ko naman ginusto yun eh. Pinakilala ko siya kay Brent dahil gusto daw niyang maging kaibigan yun. Pero anong ginawa niya? Inahas niya at inakit niya. Kaya ang nangyari, hindi ako mapata-patawad ni Brent. Kahit hanggang ngayon, galit pa din siya sakin.
Iniisip ko nga minsan, sa dinami-dami ng pangalan na pwedeng ibigay sa kanya, Boa pa. Isang uri ng AHAS.
I gave her a fake smile. "Now, sabihin mo na sakin kung ano yung gusto mong deal."
"Ibalik mo siya sakin."
Ngumisi ako. "Never kong gagawin yun."
"Anong gusto mo? Kahit ano, ibibigay ko."
"Wala akong gusto, Boa. Ang gusto ko, manahimik ka at layuan mo sila."
"I can't do that, my sister. And you know that. Lahat gagawin ko mapasakin lang siya." sabi niya habang nasa likuran ko.
"Wag na wag mo kong tatawaging sister. HINDI tayo MAGKAPATID."
"Yea, Yea. Hindi tayo magkapatid because of what I did. Right? Lagi namang ganyan yung sinasabi mo eh."
"Mabuti at alam mo?"
"Oh c'mon! Of course alam na alam ko. Dahil ako ang tanging sinisisi ng buong pamilya kung bakit ka umalis ng bahay at kung bakit ka nagpalit ng apilyedo. ALL OF THEM! AKO! AKO ang SINISISI. Masyado ka kasing MAHAL ng PAMILYA. Hindi ba? Pati si Cross, mas gusto niya sayo. Hindi ko na naramdamang may kapatid pa ko. At dahil dun, naging ganito ako."
"Alam mo naman pala eh. Bat hindi na lang ikaw ang kumuha sa kanya? Eh AHAS ka naman na eh."
"You know what? Wala ka talagang kwentang kapatid."
"Ako pa ba ang walang kwenta? Nakakasigurado ka ba?"
*Paaakk!* And ayan! Sinampal niya ko. Nginisian ko lang siya. "Pagbibigyan ko yung ginawa mo sakin ngayon. Pero sa susunod na ulitin mo sakin yun, alam mo kung anong mangyayari sayo. Kilala mo ko. ALAM MO kung ano ang KAYA kong gawin." and with that, iniwanan ko siya.
CRISHA BOA's POV
"Aaaarrrggh!!" sigaw ko at hinulog lahat ng gamit sa table ko.
"YOU DAMN, EVIL SISTER!! I'LL MAKE YOUR LIFE WORST!! NOT ONLY YOU, BUT ALL OF YOU!! HINDING-HINDI AKO PAPAYAG NA MAGING MASAYA KAYO!"
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?