Chapter 44

3.8K 71 6
                                    

Chapter 44

#THE UNEXPECTED

RISNEY LEE SUARREZ's POV

"HOY! Alam niyo ba kung nasan si Creed?" tanong ko sa kanila. Isang linggo ko na kasing hindi nakikita yung loko-lokong yun eh. Wala man lang pasabi, bigla na lang mawawala! Nanliligaw tapos ganon! Nakakaasar na ha! Nagkibit-balikat lang sila at nagpatuloy sa mga ginagawa. "Seryoso ba kayong hindi niyo alam?" nagsitanguan naman silang lahat. Lalo namang napakunot yung noo ko. May tinatago 'tong mga 'to eh! Sigurado ako dun! "Alam niyo, may mali talaga eh! Ang tahimik niyong lahat, tapos parang wala akong kausap dahil yung ginagawa niyo lang, tango, iling, o kaya magkikibit-balikat lang."

"Lumabas na lang kayo dun, Master. Ang ingay niyo eh." sagot sakin ni Marco at bumalik sa ginagawa niyang paglalaro sa cellphone. Lumapit ako sa kanya at binatukan siya pero wala man lang kahit anong reaksyon! May mali talaga!! Padabog akong lumabas at bigla na lang may van na dumating at hinihila ako papasok sa loob pero nagpupumiglas ako atsaka sila binugbog. "Ano? Kukunin niyo pa ko? Pagtatangkaan niyo pa kong kidnapin? Wag ako dahil napakainit ng ulo ko ngayon!" sigaw ko at sipa dun sa lalaki. "Sino ang nag-utos sa inyo nito?" tanong ko sa kanila at itinuro niya yung nasa likuran ko. Tang*na. Sino na namang gago yung may pakana nito? "Sigurado ka bang nasa likuran ko?" Tumango naman yung lalaki at tuluyan ng bumagsak kaya nilingon ko na kung sino yung nasa likod pero hindi ko inaasahan kung SINO ang makikita ko at kung ANO ang makikita ko. "Creed.."

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sakin at kusa akong napatango at umiling din kaagad. "Ang pangit ng ginawa mo! Alam mo ba yun? Pakidnapin mo ba naman ako tapos nandyan lang yung surpresa mo sakin? Nahihibang ka na ba?" tumango naman siya at ngumiti. "Oo, sobra akong nahihibang sayo. Hindi ko na nga alam kung gano pa ko katagal maghihintay sa sagot mo eh. Ayoko ng patagalin pa dahil alam ko naman na dito din tayo babagsak." Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Will you be my-"

"Wait? Agad-agad? Ganyan ka ba kung magmadali?" natawa siya ng kaunti at tumingin ulit sakin. "Nagpapasalamat ako sayo kasi pinutol mo yung sasabihin ko. Hindi ko alam pero nagkamali pa ko ng sasabihin. Nakakahiya siguro 'to kung sa harap ng napakaraming tao."

"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya at ikinagulat ko yung ginawa niya. Lumuhod siya at ngumiti sakin ng pagkatamis-tamis. "Ms. Risney Lee Suarrez that soon-to-be Mrs. Villafuente. Will you marry me?"

"Ang gago mo!" sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang napatayo. "Bakit na naman?"

"Ang korni mo kasi! Hindi ko naman kailangan ng mga dekorasyon na ganyan at yung mga pakana mo na kidnap kunyare eh. Kung tinanong mo ko niyan kanina pa? O kahit hindi mo na pinatagal pa ng isang linggo.." Lumapad naman yung ngiti ni Creed. "Ibig sabihin, oo yung sagot mo?" tumango naman ako. "Oo naman. Bakit hindi?"

"YES!" sigaw ni Creed at niyakap ako at hinalik-halikan ako sa labi pero binatukan ko siya. "Aray? Masakit yun ah?"

"Tyaka mo na ko tadtarin ng napakaraming halik kapag kasal na tayo."

"YES, MASTER!" at nagsaludo siya sakin at niyakap ako at hinalikan. "Kakasabi ko lang eh. "Isa lang naman eh." ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko siya. Halatang-halata sa mukha niya na nagulat siya pero ngumiti lang siya at niyakap ako. "Thank you."

"Kailangan pa bang mag-thank you?" tanong ko. "Ay, mali pala.. I LOVE YOU." automatic na akong napangiti at sinabing, "I LOVE YOU, TOO."

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon