Chapter 19

2.9K 76 1
                                    

Chapter 19

THIRD PERSON's POV

"Call me kapag nakuha mo na lahat ng information sa kanya. Gusto ko agad malaman lahat. Kaya wag kang magpabagal-bagal sa pinapagawa ko." sabi ni Boa sa kausap niyang investigator sa cellphone niya. And she ended the call kahit hindi pa nakakasagot iyon.

Muli, ay nag-ring yung phone ni Boa at agad niya namang sinagot. "Hi, Babe."

[Where are you?]

"Andito sa bahay. Why?"

[Yayayain sana kita eh.] napaisip naman si Boa pero biglang may kumatok at sinabing may tawag daw siya sa telepono.

"Babe, wait lang. I'll call you later."

Umupo siya sa couch at inabot sa kanya ng isang katulong yung telepono. "Hello?" sagot niya.

[I have a news.]

"What?"

[Brent is here.] Napangiti naman si Boa sa balita na iyon kaya agad siyang umalis. Pumunta siya sa isang bar. Sa bar na iyon nangyari ang paghalik niya kay Brent.

"Hey!" tawag sa kanya nung babaeng kausap niya sa telepono. Ang pangalan niya ay Aira Rodriguez, siya ang nagmamay-ari ng bar na ito.

"Where's Brent?" agad na tanong ni Boa. Pagkatapos ay tinuro ni Aira ang kinaroroonan ni Brent. Napasama ang tingin ni Boa sa kasama ni Brent. Dahil si Risney ang kasama nito.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na kasama ni Brent yung Risney na yan!?" bulyaw niya kay Aira.

"Hindi ka naman nagtanong eh!" sagot nito.

"Tsk. Gumawa ka ng paraan para malapitan ko si Brent!" utos ni Boa kay Aira.

"Fiiine." sabay irap nito kay Boa at tumungo sa kinapupwestuhan nila Brent at Risney.

"You're Risney, right?" tanong agad ni Aira kay Risney.

"Ako nga. Bakit? Anong kailangan mo sakin?" tanong ni Risney.

"Can I talk to you? Saglit lang naman eh. Tyaka dyan lang sa labas ng bar."

"Bakit hindi na lang dito?"

"Uhm. . Masyado kasing maingay eh. ." pagdadahilan niya.

Tiningnan ni Risney si Brent kung 'okay lang ba?' tumango naman ito kaya lumabas na si Risney kasama si Aira.

Nang lumabas na sila Risney ay napangiti si Boa. Agad siyang lumapit kay Brent na ikinagulat naman nito ng makita siya. Pero agad na nabawi ni Brent ang pagkagulat niya at tiningnan ng masama si Boa.

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon