KYRIE FALQUEZA’s POV
“Asan na ba kasi yung Boa na ‘yon?” tanong ko kila Maureen. “Aba malay namin? Ikaw yung may kailangan sa kanya tapos kami ‘tong tinatanong mo?” sagot niya sakin. “Ayan na oh! Lumalabas na yung kamalditahan ni Kyrie.” rinig kong sabi ni Marco. “Manahimik ka nga dyan Marco! Umeepal ka na naman diyan!” sigaw ko sa kanya. Ang epal kasi, nakakainis. Namomroblema na nga ko dito tapos napakaepal! -_-
“Teka nga, ano na palang napag-usapan niyo ni Creed?” tanong sakin ni Maureen. “WALA! As in WALA!” inis kong sagot. “Bakit?” tanong ni Jin. “Tinanong ko siya if mahal niya pa si Risney. Tapos alam niyo ba kung anong sinagot niya?”
FLASHBACK
“Bakit ko naman mamahalin ‘yon? Eh hindi ko nga alam kung anong ugali nun eh. Tingnan mo nga, may girlfriend ako at si Boa yun. Kaya pano ko mamahalin si Risney?” sagot niya. “Bobo ka ba? Eh diba, kinuntsaba mo sila Maureen na kunyare wala siyang nakilalang Creed which is IKAW? Tapos ano ngayon? Sasabihin mong hindi mo kilala si Risney? Ginagago mo ba kami?” bulyaw ko sa kanya. “Alam mo, wala naming patutunguhan yung usapan na ‘to eh. Kasi mukhang hindi moa lam kung ano yung gusto kong iparating sayo.”
“Ano bang gusto mong iparating? Na pinaglaruan mo lang yung damdamin ni Risney? Ang sama mo Creed! Sobra! Makarma ka sana sa mga pinaggagagawa m okay Risney! Manlolokong lalake!” bulyaw ko sa kanya atsaka umalis sa harapan niya. Like duh? Hindi ko siya kailangan para magkaayos kami ni Risney. Kayang-kaya kong magkaayos kami ng wala siya!
“So ano nang nangyari? Niloko lang tayong lahat ng lalaking ‘yon?” tanong ni Maureen. Tumango naman ako. “Tangina! Nasan na siya? Gigilitan ko ng leeg yung lalaking ‘yon!” sigaw ni Maureen at aaktong aalis pero pinigilan lang siya ni Jin. “Kumalma ka nga muna. Hindi naman masusulusyunan yung problema kung ganyan yung gagawin mong solusyon eh!” sabi ni Jin kay Maureen. Mukhang naiinis na din siya pero pinipigilan niya lang. Una kasi sa lahat, bestfriend ni Jin si RIsney. Remember? Kaya ganyan siya kung mainis.
“GUUUUUUUYSSSS! Mauuna na pala kong umuwi sa inyo!” masayang entra ni Xyler. “P*ta! Ngayon ka pa aalis kung kalian may problema dito?” sabi ni Maureen. Hindi na ko makapagsalita ng dahil sa kanila. Nawawala na yung pagiging maldita ko ng dahil kay Xyler -_- “May problema din naman kasi sa hideout. May pumasok dun at hindi naman natin kilala kung sino? Sinabi ko na ‘to kay Master at ang sabi niya, ako na daw ang pumunta dun at tumingin sa hideout natin.” Paliwanag ni Xyler. “Kaya bye muna. Maaayos din ‘yan.” Atsaka siya umalis.
XYLER ELIZALDE’s POV
Yes! Makakauwi ako ngayon! Pero sino naman kaya yung pumasok sa hideout namin? Tyaka pano yun nakapasok kung wala naman siyang susi? Eh secured na secured yung hideout namin eh. Nang makarating ako sa hideout namin, nakita kong nakalock yung gate namin. Sino yung pumasok dito? Akyat bahay kaya? P*cha talaga oh! -_-
"Aba? Ayos ah? May sandals dito sa harap ng pinto. Hindi kaya babae yung akyat bahay? Sosyaling akyat bahay? Ang pangit naman pakinggan nun." pumasok ako at tiningnan yung bawat kwarto. Sa dami ba naman ng mga kwarto dito sa hideout namin, mapapagod ka sa kakabukas-sara eh. Pero siyam lang naman yung kwarto dito. Kaya hindi masyadong nakakapagod. Dala-dalawa kasing tao yung nakakwarto dun. Nang mabuksan ko na halos lahat ng kwarto dito, pinuntahan ko na yung kwarto ni Master. "Taeng yan? Bakit bukas 'to? Hindi kaya.." dahan-dahan kong binuksan yung pinto hanggang sa makita ko yung babaeng natutulog. Nilapitan ko ng dahan-dahan at tinitigan ko. Teka? Sino ba 'to?
"Uhm.." sabi ng babae. Umupo siya at nag-unat-unat. Malamang, kakagising lang eh. Hindi niya manlang ba ko napapansin? Eh nasa harapan niya kaya ako -___-
o___- <---- Siya
-___o <---- Siya
o___o <---- Siya
O___O <---- Siya
"WHAAAAAAAAAA!!!" sigaw niya at agad siyang tumayo at pinagbababato ako ng unan at mga gamit na mahawakan niya. "SINO KA?! BAKIT KA NANDITO SA HIDEOUT NG ATE RISNEY KO?! MAGNANAKAW KA NO? O KAYA AKYAT BAHAY?! UMALIS KA DITO!! LAYAAAAAS!!"
"TEKA NGA!!" natahimik naman siya dahil sa pagsigaw na ginawa ko. "Bakit mo kilala si Master? Tyaka ako dapat yung nagtatanong na bakit ka nandito sa hideout namin? Kababae mong tao, pasok ka ng pasok sa hideout ng may hideout." sabi ko sa kanya.
"Excuse me lang ha? I'm Lhirica Rose Suarrez. Ate ko si ate Risney. Kaya nga ATE diba? Tyaka who are you?" tanong niya sakin. "Isa lang naman ako sa mga members ng may-ari ng hideout na 'to. Tyaka pano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at may pinakita saking susi. At yun yung susi ni Master. "Bakit nasa sayo 'yan?" tanong ko. "Simple lang, nalaglag ng ate ko yung susi niya nung nakikipagsapakan siya sa mga bodyguards ng Mommy naming witch!" sagot niya. "Eh bakit ka naman nandito?"
"Lumayas ako samin."
"Bakit naman?" tanong ko tapos biglang sumimangot yung mukha niya. "Masyado kasing mahigpit si Mommy. isa din 'yon sa dahilan kung bakit lumayas si ate Risney sa bahay." napatango-tango na lang ako at nanahimik.
"Ahm, gusto mong kumain? Kaya lang hindi ako marunong magluto eh." sabi ko habang nakangiti. "Okay lang, ako na lang yung magluluto. Marunong naman ako kaya lang, ewan ko kung masasarapan ka o hindi. Teka nga? Bakit ba kita kinakausap?"
"Malay ko sayo." nakangiting sabi ko at dumiretso sa may kusina. "Ang cute naman ng batang 'yon."
"Excuse me? Hindi na ko bata no! Tyaka cute talaga ko." sabi niya at nauna na sakin sa kusina. Tang*na! Narinig niya yung sinabi ko? =____= Azaaaaaarrr.
To be Continued. . .
*Pakalma munaaaa! :3 HAHAHA! Malapit na Sembreak. Tatry ko makapag-UD :) Lhirica Rose Suarrez sa multimedia :)
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?