Chapter 3

9.3K 219 1
                                    

A/n: Kyrie Falqueza sa multimedia :)

***

Nang matapos na kaming kumain, aakyat na sana ko ng kwarto ko nang bigla akong tawagin ni Creed.

"Risney!"

"Bakit?" tanong ko.

"Ah.. May naka-stock ba kayo dito na panlalaking damit?"

"Ewan ko? Tanungin mo si Maureen."

"Eh! Masungit yun eh!"

"Wag mo sabihing.."

"Hindi ako duwag noh!"

"Hindi naman pala eh! Eh di tanungin mo siya!" napapout naman siya bigla.

"Oh? Bakit ka nakanguso diyan? Gusto mo ng kiss?" napangiti naman siya at tumango.

"Britney!! Chuchu!!" tawag ko dun sa aso naming Great Dane.

"Arf! Arf!" tahol ni Britney habang papunta dito.

Tumingin naman si Creed kay Britney at..

One..

Two..

Three..

O_____O

"Whaaaaa!!" sigaw ni Creed at kumaripas ng takbo papunta sakin. Nasa hagdan kasi ako.

"Britney!! Si Creed nga pala!" sabi ko sa aso namin.

"Arf!" napaatras naman si Creed.

"Oh? Bakit ka lumalayo? Gusto mo ng kiss diba?" tumango naman siya.

"Lapit ka dito." lalapit sana siya, kaya lang.. "Arf!!" lalo tuloy siyang umatras.

"Wag kang matakot kay Britney! Siya nga yung papahalik ko sayo eh!"

"HA!? Y-Yan!? Y-Yang asong yan!?" nginitian ko naman siya at tumango.

"W-Wag na!! Hanapan mo na lang akong damit!! Gusto ko ng maligo."

"Aaaaarff~" malungot na sabi ni Britney. HAHAHA!! Malanding aso. =______=

"Kyrie!! Pakainin mo na 'tong malanding aso na 'to!" sigaw ko.

"Sandaliii!!!" pasigaw na sagot ni Kyrie.

"Pumunta ka na lang dun sa guest room. May mga damit dun. Bahala ka ng mamili." sabi ko kay Creed.

"Eh kaya lang, yung aso.." sabay turo niya kay Britney.

"HAHAHA!! Hindi pala duwag ah!! Hindi ka naman niyan lalapain noh!"

"Samahan mo ko dun!"

"Saan?"

"Sa kwarto."

"Bakit kailangan ko pang sumama?"

"Basta."

"Baki-"

"Britney!!! Kain na!!" sigaw ni Kyrie.

"Arf! Arf!" sabay takbo ni Britney papunta sa labas ng bahay.

"Oh? Wala na si Britney. Kaya mo na yang sarili mo."

"Eh sinong maggagamot sa sugat ko pagkatapos kong maligo?"

"Si Maureen."

"Anong ako? Busy ako! Kaya mo na yan Risney! Marunong ka naman eh!" sabi ni Maureen na napadaan. =____=

"A-Ako!?"

"Bingi ka?" pambabara sakin ni Maureen.

"Pambihira!!" sabi ko sabay face palm.

"Oh, tara na." sabi ni Creed.

"Pupuntahan na lang kita dun pagkatapos kong maligo."

"Osige." at umalis na siya.

Jusko! Ako ba talaga ang taga-alaga kay Creed? Tch. Kainis!! Makaligo na nga lang muna! Para mabawas-bawasan yung init ng ulo ko.

-----

Ang sarap maligo!! \(^.^)/ Presko na ko!!

Ay? Gagamutin ko pa pala yung sugat nung mokong na si Creed. =____=

[Creed's Room]

Di pa siya tapos? Ang tagal naman niya? Tinalo pa ko.

Palabas na ko ng kwarto niya ng bigla kong narinig yung bukas ng pinto sa cr.

"Andyan ka na pala.." sabi ng HOT na si Cre-- Eh!!??? Ano ba Risney!! Ano ba yang iniisip mo?

"Tama na ang titig sakin! Baka malusaw yung gwapo kong mukha!"

Napakurap naman ako bigla. "Ang kapal talaga ng mukha mo!!"

"Syempre, gwapo!"

"Magbihis ka na nga muna diyan! Tawagin mo ko kapag tapos ka na." agad naman akong lumabas ng pinto at umupo sa sofa.

Ilang saglit lang.. "Risney!! Tapos na ko!" sigaw ni Creed.

Naglakad naman na ko papunta sa kwarto niya at pumasok na. Dumiretso naman ako sa cr dun at kinuha yung panggamot sa medicine cabinet.

Pagbalik ko, nakaupo lang siya sa kama niya. Umupo narin ako dun at binuksan yung medicine box. Nilabas ko yung mga panggamot at ginamot na si Creed.

"Salamat." sabi ni Creed sakin.

"Para saan?"

"Sa panggagamot sakin tyaka sa pag-aalaga mo sakin."

"Bat ganyan boses mo? Teka, wag mo sabihing.."

"W-Wala akong gusto sayo noh!!"

"Hindi naman yun yung sasabihi-- Eh!!??? Sino naman nagsabi sa utak mo na yan yung itatanong ko?"

"Ewan ko." tumayo naman siya at lumapit sakin. "B-Bakit?" tanong ko. Di siya sumagot, pero titig na titig siya sa mata ko. As in STRAIGHT!

O////O

"Pft. HAHAHAHA!!!" mapanletseng tawa ni Creed.

Tiningnan ko naman siya ng masama. "Bakit ka tumatawa diyan?"

"Kasi- HAHAHA!!"

"Ano ba kasi yon!?"

"Nagblush ka kasi eh! HAHAHA!!"

"Anong nakakatawa sa pagblus- Nagblush ba ko!!?"

"HAHAHA!! Oo. Akala mo naman kung anong gagawin ko sayo?"

"Ikaw lang naman nag-iisip nun noh!!"

Sumeryoso naman yung mukha niya at nilapit niya ulit yung mukha niya sakin. "Anong akala mo? Hahalikan kita?" sabi niya.

"L-Lumayo ka nga sakin."

Utang ng ama nga naman oh!! Lalo pa niyang nilapit!! 1 inch na lang.. Kapag may gumalaw samin dito, MALAKING MULTO!! (Kung na gets niyo yung sinabi ko.)

Bigla namang bumukas yung pinto. Kaya...

*Nabasag na basong effect here*

"Ow.Em.Gee!!!"

To be Continue . . .

***

Follow.Vote.Comment.

Mbaby029

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon