Chapter 42
CREED VILLAFUENTE's POV
"Bro, sigurado ka ba na hindi mo pa sasabihin kay Risney 'yang sakit mo? Pano kapag nakalimutan mo na siya? Masasaktan mo lang siya ng sobra." sabi sakin ni Brent. Nasa ospital ako dahil kailangan ko ng bayadan ang bill. "Mas mabuti na 'tong hindi niya alam. Alam kong matapang si Risney-"
"Oo, matapang si Risney. Pero Creed, mali yung gagawin mong pagtatago sa kanya ng sakit mo. Hindi tama 'yon." sabi sakin ni Crisha. Oo, kasama namin siya ng kapatid ko at alam niya ang tungkol sa sakit ko. Sa ngayon, silang dalawa palang ang nakakaalam. "Kung ako siya, sobra akong masasaktan dahil sa ginagawa mo. Hayaan mong samahan ka niyang harapin yung pagsubok mo na 'yan sa buhay. Creed, wala akong karapatang sabihin sayo 'to. Pero ang gago mo para itago sa kanya 'yan." napatingin ako sa may bintana. "Paano kung bigla na lang mawala 'yang alaala mo ng hindi mo inaasahan? Sa tingin mo ba, hindi siya sayo magtataka? Iba na yung kinikilos mo eh. Paiba na ng paiba. Ikaw na din ang nagsabi na tinanong ka na niya ung anong nangyayari sayo pero hindi mo pa sinabi. Creed, maawa ka kay Risney. Matapang siya, masayahin, at isa pa.. Mahal na mahal ka niya. If I were you, sabihin mo na ang dapat mong sabihin."
"Hindi niyo kasi naiintindihan eh!" sigaw ko sa kanila at agad na umalis. Sumakay ako sa sasakyan ko at pumunta kung saanman ako mapadpad ngayon. Hindi ko alam kung tama yung ginagawa ko, pero sa tingin ko, yung ginagawa ko yung tama..
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?