Chapter 28

2.2K 58 1
                                    

Sh*t. Sa lahat ba naman ng magiging kasama sa kwarto, sila pa? Sa labas na lang siguro ko matutulog kapag ganito. Hindi ko kayang makasama yung dalawang 'to sa iisang kwarto!

"So, ka-Roommate ka siguro namin?" tanong ni Boa. Oo, hindi kayo nagkakamali ng nababasa. Si Boa ang kasama ko sa kwarto at si Creed na kalandian niya. "Don't worry, may makakausap ka naman eh." sabi pa niya at itinuro yung nasa kabilang side. Sh*tness na talaga 'to! Sinadya ba talaga 'to? Kaming APAT sa iisang kwarto? Ako, si Boa, si Creed, at si Brent?! Pwede bang makipagpalit ng room? Hindi yata ako makakahinga nito!

"Ayaw mo pa bang pumasok? O baka nagkamali ka lang ng binuksan na pinto?" tanong sakin ni Boa. "Mukha nga. Mukha ngang mali ako ng nabuksang pinto." sabi ko ng medyo natatawa pero nabubwisit. Room 124 ba talaga yung nabunot ko? Rrrgh. Damn it. Pero pwede naman siguro akong pumunta sa room ni Kyrie diba?

Naglakad na ko papunta sa Room niya at pagbukas ko, puro sila babae. Pero mga b*tch. Mukhang ayoko din dito kahit nandito si Kyrie. Okay lang naman si Kyrie sa mga b*tch na ganyan eh. Maysa-b*tch din naman kasi yung babaeng yun. Hindi lang nilalabas. Ewan ko ba kung bakit? Kanino pa ba ko pwedeng maki-Room? Kila Jin kaya? Kaya lang mga lalaki din yung mga nandun eh. Hindi lang basta lalaki. Manyak kamo. Pero wag niyong isama si Jin don. May pagka lang naman yung lalaki na yun pero hindi todo. Kumbaga hindi pa niya napupush. Haha!

Kay Maureen kaya? Aysh. Hindi ko pala alam kung anong anong room siya. Iiwan ko na nga muna yung gamit ko dun sa kwarto. Mukhang wala naman na kong magagawa eh. Pero hahanapin ko yung Principal namin kung pwede ba kong magsolo na lang ng kwarto.

"Oh? Bumalik ka ata?" tanong sakin ni Boa pagbukas ko ng pinto. Pero hindi ko siya pinansin at naglakad lang papunta sa gilid na kama at inayos yung gamit ko sa may maliit na cabinet na semi-table na din. Bale ang pwesto namin ay,

Ako - Brent
Boa - Creed

Tapos sa gilid ni Creed may lamesa niya tapos pinto na.

Nang matapos kong ayusin yung gamit ko, lumabas na ko ng impyernong kwarto na yun at pumunta sa tabing dagat. Palubog na din kasi yung araw kaya magandang panoorin. Naglakad-lakad ako don at mayamaya ay umupo. Ang sarap ng hangin. Wala kang polusyon na maaamoy. Maliban na lang dun sa niluluto ng kusinero dito na barbecue. Ang bango. Nagugutom na tuloy ako -__-

"Hungry?" tanong ng isang lalaki sakin. Mukhang kabatch ko din siya. Pero mukhang hindi naman siya sa PJH nag-aaral dahil hindi ko naman siya nakikita doon. Bakit kaya siya nandito?

"Sino ka ba? At anong kailangan mo sakin?" deretsa kong tanong. "I'm Grenzale David JIN Montereal. GD for short." pagpapakilala niya. Inemphasize pa niya yung Jin. "Teka? Ikaw ba yung nag-iisang anak ng Principal ng PJH?" tanong ko. "Tama." nakangiti niyang sagot.

"Ah, okay. Anong kailangan mo sakin?" tanong ko ulit. "Nothing. I just want to know you. Ang sabi kasi nila, leader ka daw ng isang Gang Group. Tama?"

"Ano naman sayo kung isa akong leader ng Gang Group?"

"Ang astig lang kasi. At isa pa, may kilala din akong babae na leader ng isang gang."

"Hindi naman imposible sa mundong 'to na magkaroon ng gang leader na babae. Kahit saang sulok siguro ng mundo, merong katulad ko."

"Kung yung katulad mo na gang leader, pwede. Pero yung katulad mo mismo? nope. Wala kang katulad. Lahat ng tao may kanya-kanyang pagkatao. Merong gang leader na masama lang talaga at walang awa kahit may natatapakan na silang inosenteng tao. Meron din namang katulad mo na nakikipagbasag-ulo nga pero mabait naman pala. Yung iba ngang hindi naman gang leader, o kahit anong masamang tawag pa dyan na mukha namang anghel eh, napakasama naman sa loob. Yung mga taong nakakasama mo na ng matagal pero hindi mo pa pala lubusang kilala. Meron din yung kakakilala mo palang, pero sa tingin mo, matagal mo ng nakilala at nakakasama."

"Anong gusto mong palabasin?"

"Ang malaman mo yung totoong nangyayari sa buhay mo. At kung sino yung mga taong totoo talaga sayo." sabi niya at nginitian ako tapos umalis na. Ang weird naman ng anak ni Ms. Jin -___-

Pero may pinaparating talaga siya sakin eh. Meron ba talagang ahas sa grupo ko gaya na lang ng sinabi ni Boa? Dapat na ba kong maniwala sa mga babala niya sakin?

To be Continued. . .

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon