Chapter 26

2.3K 61 1
                                    

Napatayo ang mga grupo ni Risney dahil sa nangyari. Pero bago pa siya mawalan ng malay, nakita niya na pati si Creed Villafuente ay tumayo din. Hindi niya alam kung ano ba ang iisipin niya dahil sa pagtayo lang na 'yon ni Creed. Pero naisip niya na baka totoo talaga na minahal niya si Creed. Pero naisip niya din na baka panaginip nga lang talaga yung nangyaring 'yon sa kanilang dalawa. Pero mukhang imposible naman talagang mangyari 'yon diba? Kase pano ba naman niya makikilala si Creed sa isang panaginip lang?

-

-

-

-

-

"Ano nang gagawin natin? Dinukot si Master ng mga nakaitim na 'yon! Hindi na magiging masaya yung isang linggong outing natin neto! Kailangan nating gumawa ng paraan!" sabi ni Marco.

"Sige nga, anong naisip mong paraan?" tanong sa kanya ni Ethan.

"Tsk. Tigilan mo nga ko Ethan! Hindi 'to yung tamang panahon para magtalo tayong dalawa!" bulyaw ni Marco sa kanya.

"Oh, Eh di mag-isip ka na ng paraan diyan!" - Ethan

"Eh paano nga tayo gagawa ng paraan kung hindi naman natin kilala kung sino yung nagpadukot kay Master?" - Marco

"Bobo niyo talaga. Sinusundan na nga ng driver nitong bus yung sasakyan eh." - Prince

"Shone? Ano? Wala ka pa bang naiisip na paraan diyan?" - Marco

"Sandali." sabi ni Jin kaya napatingin sila dito. "Mukhang kilala ko kung sino yung kumuha kay Risney."

"Sino?" sabay-sabay nilang tanong.

"Si Tita Clarissa. Ang Mama ni Risney." sagot ni Jin.

----xxx

Nagising ako sa isang kwarto. Hindi lang siya kwarto. Sobrang pamilyar sa akin na kwarto. Hindi ko lang matandaan kung napuntahan ko na ba 'to dati eh? Pero -- "Gising ka na pala." agad akong napatingin sa may pintuan. "Mama?"

"Kamusta ka na anak?"

"Ma? Bakit ako nandito? May outing pa kami -- teka! Bakit mo ko kinuha!? Mag-aalala yung mga kagrupo ko don!"

"Yan ba ang itinuro sayo ng Papa mo?"

"Hindi, Ma. Mali lang 'to! Maling-mali! Hindi dapat ako nandito ngayon! Dapat nasa bus pa ko at bumabyahe kasama nila!" hinagis niya naman sakin ang isang bagay. "Cellphone ko 'to ah? Bakit nasa inyo?"

"Nalaglag mo yan dahil sa pagiging malikot mo kanina sabi ng mga inutusan kong kunin ka."

"Ano na naman bang kailangqn niyo? Ipapakilala niyo na naman ako sa lalaking ayoko?"

"Tama ka."

"Tch. Tigilan mo na 'to, Ma. Hindi ako magpapakasal sa lalaking ayoko. Kaya tumigil ka na sa kakapakilala mo sakin ng mayayamang lalaki."

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon