Chapter 24

2.4K 66 0
                                    

Chapter 24

Pagdating namin, "Ooowkaaay?" awkward na sabi ni Kyrie. "Tara Ris? Mukhang hindi maganda yung nakikita ko eh?" sabi niya ulit. Lumapit naman ako sa dalawa at malakas na ibinagsak yung kamay ko sa lamesa nila. "Excuse me? Anong problema mo?" sabi ni Boa sakin. "Problema ko? KAYO." saad ko.

"Kami? Kami ang problema mo?" tanong niya sakin. Bingi ba 'to? "Uulitin ko pa ba?" tanong ko.

"No need. Ano ba kasing problema mo samin?"

"Problema ko sa inyo? Yung paglalampungan niyong dalawa!"

"Bakit? Pakialam mo ba?"

"Pakialam ko? Ang pangit kasing tingnan! Tyaka eskwelahan po ito hindi apartelle o hotel. Okay?" tinaasan lang ako ni Boa ng kilay at ngumiti. "Creed, balik na ko sa pwesto ko ha? Bye." paalam ni Boa kay Creed atsaka ito hinalikan ulit. MALANDI.

----xxx

Nang matapos ang klase, dumiretso kami ni Kyrie sa grocery atsaka bumili ng mga kakainin bukas habang nasa byahe at mga babaunin na din.

"Ris? Ano pa kayang masarap na baunin?" tanong sakin ni Kyrie. Pero hindi ko siya pinansin atsaka ako kumuha ng mga chitchirya at diniretsong lagay sa cart namin. Nang matapos na kaming magbayad, pumunta kami sa department store at namili ng mga dadalhing damit para sa outing.

"Saan pala kaya tayo mag-a-outing? Hindi man lang sinabi ni Karla kung saan." sabi niya ng nakanguso. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pamimili ng mga damit ko. "Tsk. Kanina mo pa hindi sinasagot yung mga tanong ko." inis na sabi ni Kyrie sakin.

----xxx

"GOOD MORNING MASTER!" masayang bati nila sakin. Dito kasi kami natulog sa hideout para sabay-sabay na kaming pumunta sa school. 4:30 am na nang matapos kami atsaka kami nagkanya-kanyang sakay sa mga kotse. Ako, hindi ko na ginamit yung big bike ko dahil maiiwan lang yun doon sa school. Hindi ko pa naman yun pinapagamit kahit kanino.

"Mukhang tayo na lang ang hinihintay dito ah?" sabi ni Jin. At totoo nga, kami na lang. Dahil sakto lang ang pagdating namin at aalis na kami. Sumakay kami sa bus at syempre, kaming grupo e hindi naghiwa-hiwalay. Palag-palag na 'to kapag may nagsabi samin na hiwa-hiwalay kami. Pumasok na yung mga lalake. Si Prince kasama ang girlfriend niya na si Sheya. At itong si Justine? Haha! Pinilit niyang ipasok ang third year na si Janna na HINDI niya daw type. Nang makapasok na kaming lahat, napansin ni Jin sila Justine. "Justine! Akala ko ba hindi mo siya type?" sabi ni Jin. Napatingin naman si Justine kay Janna atsaka nag-ibahan ng direksyon yung dalawa. "H-Hindi ko yan type noh! Hindi manlang nga sexy eh!" sagot ni Justine. Nanlaki naman yung mata ni Janna atsaka sinipa yung paa ni Justine. "Aray ko! Bakit ka ba naninipa dyan ha?" reklamo ni Justine. "Ang kapal kasi ng pagmumukha mo!" sigaw ni Janna. "Hoy, pandak! Hindi porket hinalikan kita dyan kagabi, ganyan ka ng aasta sakin ha! Hindi naman ata pwede -- ARAY!!" Oow? Ang sakit naman ata nung sampal na yun ni Janna? "Ginusto ko ba na halikan mo ko!? HA!? Hindi naman diba? Ninakaw mo lang kasi 'yon! Magnanakaw ka! Magnanakaw ka ng first kiss --"

*whistles*

-

-

-

3

-

-

-

-

2

-

-

-

-

1

-

-

-

-

-

-

-

-

*SLAP!*

"Yan ang masakit kapag nagnakaw ng halik." sabat ni Jin. Napailing na lang yung mga lalake dahil sa nangyari.

"Kumpleto na ba dito lahat -- Oh? Meron pa pala eh. Pumasok na nga kayong dalawa dito at nang makaalis na tayo." sabi ni Karla atsaka umakyat yung -- t*ngna! Bakit nasa bus namin sila?

To be Continued. . .

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon