"Risney? San ka galing?" tanong sakin ni Kyrie. "Diyan lang." sabi ko at dumiretso na sa Room na ayokong pasukan.
"Buti na lang walang tao." sabi ko sa sarili ko at humiga sa kama.
KYRIE FALQUEZA's POV
Bakit kaya ganun si Risney? May nangyari kaya? Okay naman siya nung dumating kami dito tapos ngayon, parang marami siyang iniisip?
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Risney. Room ano nga ba yun? Ah! Room 124. Tama naman diba? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may makabangga akong babae. "Oh? MY DAMN EVIL SISTER. Ikaw pala yan? Kamusta? Kamusta ang pagiging artista mo sa harap ng mga kaibigan mo? Oops! Erase the kaibigan. Hindi mo nga pala sila mga kaibigan, right? Yan yung sabi mo sakin nung nagkita tayo eh." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Boa sakin. "Ano bang pinagsasasabi mo?"
"What? Na pinaplastic mo lang silang lahat! Lalo na yung Leader niyo na si Risney? Paano kaya kapag nalaman niya na yung matagal na niyang kasama ay isang traydor? Na naging dahilan kung bakit nasira yung relasyon nila ni Brent? Tsk. Tsk. Tsk. At paano kaya kapag nalaman din niya na may kapatid ka sa grupo na yon? Paano din kaya kapag nalaman niya na I'm your dearest little sister? And WHAT IF! Malaman niya na niloloko niyo lang siya? Ano kayang magiging reaksyon ng Leader niyong si RISNEY LEE SUARREZ? Mapatawad niya pa kaya kayo? Or masisira na ang pinakaiingatan niyong grupo? Ha-ha-ha. Poor Risney. Hindi niya alam kung sino at ano ba talaga yung mga nakapaligid sa kanya. I feel sorry for her. BUT NOT. HAHAHA! Oh! I gotta go na, SISTER." sabi niya at nag-smirk pa sakin.
"Damn you, Boa." bulong ko at pumasok na room nila Risney. But. . No. Hindi pwede 'to. .
----xxx
#Justine-Janna
"Justine naman! Ayoko na! Busog na kaya ako oh! -___-" sabi ni Janna kay Justine. Kumakain kasi sila ngayon ng barbecue. At ito namang si Justine ay pinapakain ng pinapakain si Janna.
"Okay lang yan. Para tumaba-taba naman yung girlfriend ko."
"Manahimik ka nga diyang sa kaka-girlfriend-girlfriend mo sakin! Kakairita kaya!"
"Eh ikaw eh, bumigay ka kasi sa halik ko." napapout naman si Janna. "Kasalanan mo din kasi!" singhal niya. "Bakit?"
"Kung hindi mo ko hinalikan ng ganun ka-passionate, hindi sana ko bibigay sayo!"
"Ako talaga sinisisi mo ha? Siguro, gus --"
"Shut the hell up, Justine! Diyan ka na nga! Kainin mo yang barbecue na pinagkukukuha mo!" sabi ni Janna atsaka umalis sa upuan.
"Nako, kuya Justine. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Mali talaga na naging kayo ni Janna eh. Badboy ka kasi. Playboy pa." sabi ni Sheya kay Justine.
"Manahimik ka nga diyan! Yung boyfriend mo nga diyan, badboy din eh."
"Atleast hindi playboy like you. :P"
"Diyan ka na nga. Ang epal mo." sabi ni Justine at umalis. Si Prince naman ay napangisi na lang dahil sa mga nakikita niyang nangyayari. Tahimik as always.
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?