RISNEY's POV
Bakit ba ko nahihirapan? Bakit? Ang alam ko, si Brent ang mahal ko. Pero bakit ako nasasaktan sa sinabi ni Creed na aalis na siya? ANO BA TALAGA ANG NARARAMDAMAN KO SA KANIYA?
"Risney!" tawag sakin ni Maureen kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.
"Bakit?"
"Si Creed, umalis na."
O____O
Napatayo agad ako sa pagkakaupo ko sa sahig at tumakbo palabas ng bahay. Nakita kong sumakay si Creed sa taxi kaya mas binilisan ko yung takbo ko.
"CREEEEEED!!!" sigaw ko habang hinahabol yung taxi. Pero dahil sa mabilis iyon, hindi ko na siya naabutan. Hindi ko naabutan si Creed. .
*beep beep*
Agad akong napalingon sa bumusina sakin. Teka? Sasakyan 'to ni Jin ah?
"Sakay na!" sabi ni Maureen sakin. Agad naman akong sumakay sa likod at pinaandar na ni Jin.
"Teka? Alam niyo ba kung saan yung bahay nila Creed?" tanong ko sa kanila.
"Oo naman! Kakatawag ko lang kay Tito." sabi ni Maureen.
"Kay Dad?"
"Yep." Napangiti naman ako dahil sa makikita ko pa si Creed. Pero may side sakin na wag ng tumuloy. Dahil sa gusto ko namang mapawala yung kasal namin.
"Risney, okay ka lang?" tanong sakin ni Maureen.
"O-Oo. ."
"May bumabagabag ba sayo?"
"M-Meron. ." nahihiya kong sabi.
"Ano ba yun? Baka sakaling makatulong kame."
"Wag na. Di ko na lang muna iintindihin. Teka. . Asan si Kyrie?" pag-iiba ko ng usapan.
"Umalis nung nalaman niyang hinabol mo si Creed eh."
Umalis? Saan naman siya pupunta?
"Nitong mga nakaraang araw, parang hindi kaniya masyadong kinakausap." sabi ni Jin.
"Oo nga. May problema ba kayo?" - Maureen
"Wala naman. Hindi ko nga alam kung bakit hindi na siya palasalita ngayon eh. Bihira na lang."
"Ang weird na niya." - Maureen
BRENT's POV
"Umalis si Risney. ." sabi sakin ni Kyrie.
"Ano naman ngayon kung umalis siya?"
"Umalis kasi si Creed sa bahay. At ayun! Sinundan ni Risney."
Napakuyom naman ang mga kamay ko. Gusto kong manapak! Ang sabi niya, ako lang yung mahal niya. Pero bakit niya hinabol si Kuya?
"Mukhang mas mahal na niya yung brother mo." sabay ngisi niya.
"Manahimik ka!" sabay bato ko ng bote ng beer sa gilid niya na ikinagulat niya.
"P-Paano mo nagawang batuhin ako!?"
"Umalis ka na lang. ."
"No. Hindi ako aalis. Hindi ka naman ganiyan sakin dati ah? Nung hindi mo nakilala si Risney, okay naman tayo ah!"
"Hindi kita mahal, Kyrie! Kaya pwede ba? Umalis ka na!"
"Ayoko! Hindi kita magagawang iwanan ng ganyan ka!"
"Umalis ka na! Ayokong makita yung naging dahilan nang pagkasira ng relasyon namin ni Risney!!"
"Wala na kayo!"
"Cool off lang yun! Kailangan lang niya ng space!"
"Cool off? Two months na cool off?" ngumisi siya. "Tama na Brent. Tumigil ka na. Dahil hindi ka na mahal ni Risney."
Susugurin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Justine.
"Umalis si Risney para habulin yung taong mahal na niya. Pinagpalit ka na niya Brent. Kaya kung ako sayo, MOVE ON." umalis na siya pagkasabi niya nun.
Hindi ako papayag. Hindi mo siya maaagaw sakin Kuya. Sakin lang siya Creed. Sakin lang si Risney.
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?