Chapter 41
RISNEY LEE SUARREZ's POV
"HIIIIIII!" masayang bati samin ni Crisha. Crisha na ang tawag namin sa kanya dahil yun yung gusto niya. Ayaw niya na daw ng Boa kasi ahas daw. Natawa kami nung sinabi niya yun kasi gusto niya na talagang magbago. "Guys, tulungan niyo naman akoooo." sabi niya sa amin at saka umupo. "Gusto kong i-"Welcome back party" si Brent." nagtawanan naman yung mga lalaki at lumapit kay Crisha. "Oh? Bakit kayo tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Mga baliw." sabi niya at inirapan yung mga lalaki. Tumigil naman sa pagtawa si Shone at sinagot si Crisha. "Wala naman. Pero kasi, yun lang naman yung sasabihin mo-"
"Anong yun lang? Importante-"
"Oo. Alam naming importante sayo si Brent. Ang sinasabi ko lang kasi, patapusin mo muna yung sinasabi ko." inirapan siya ni Crisha at sinabing, "Okay." sabay nag-cross arms. "Kung gusto mong magpatulong, madali lang naman kaming kausap eh. Pwedeng-pwede ka naming tulungan kasi para naman kay Brent yun eh. Gusto mo siyang mapasaya, eh di syempre, kami din. Kaya hindi mo kailangan maging malungkot dyan kasi andito kami para tulungan ka. Nandito kaming mga kaibigan mo."
"Hayup! Kuya Shone!" sigaw ni Justine at nagtawanan naman kami. "Ang daming sinabi, pwede namang 'Sige, tutulungan ka namin.'" sabi ni Crisha ng naka-cross arms pa din. "O siya, pupuntahan ko muna si Brent. Aasikasuhin ko yung mga babayaran tapos babalik agad ako dito para pag-usapan yung magiging plano. BYEEE!" sabi niya at umalis na. Nakakatuwa lang at ilang araw palang, nagbago na agad si Crisha. Masungit siya pero napapakita na niya yung tunay na siya. Hindi tulad nang dati.
----xxx
"Creed?" tawag ko sa kanya dahil nakaupo siya sa bench at nakatukod yung kamay niya sa ulo niya. "Masama ba yung pakiramdam mo? Bakit ka nakaganyan?" tumingin siya sakin at umayos ng upo tapos ngumiti. "Wala 'to. Inaantok lang ako." tumango na lang ako kahit hindi ako naniniwala. Ilang araw na siyang ganyan. Nag-aalala na nga ko sa taong 'to eh. Pero ayaw niya namang sabihin kung ano talaga ng nangyayari sa kanya, kung bakit siya nagkakaganyan. "Creed, magpacheck up ka kaya?" ngumisi naman siya. "Bakit naman?"
"Matagal ko ng napapansin na laging masakit yung ulo mo. At saka napapansin ko din na mukhang lagi kang nahihilo. Ano ba kasi talagang nangyayari sayo?"
"Wala 'to. Masama lang talaga yung pakiramdam ko."
"Masama yung pakiramdam mo, umiinom ka naman siguro ng gamot diba?" napaisip pa siya bago sumagot ng "Oo naman."
"Wag mo kong niloloko, Creed. Kapag hindi ka nagpacheck up, wag kang pupunta dito ha." sabi ko sa kanya at tumayo na ko at naglakad. "Nagpacheck up na ko. Pero hindi ko pa kayang sabihin sa inyo kung ano yung sakit ko." agad akong kinabahan sa sinabi niyang 'yon. Hindi naman siguro malala yung sakit niya hindi ba? Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako papasok sa bahay.
To be Continued. . .
*Pasensya kung maikli :( Pero advanced Merry Christmas poooo :D Godbless :)
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?