Chapter 5

6K 166 2
                                    

"Hoy Creed! Parang nakakahalata na talaga ko ah! May gusto ka ba kay Risney?" tanong sa kanya ni Maureen.

A-Ano daw? Imposible naman ata yun!?

"Ah.. Ano kasi.."

"Ano?" - Maureen

"Pinagtitripan ko lang yan si Risney! Wala kasi akong magawa dito eh."

"Really?" - Kyrie

"Oo. Gusto mo, pagtripan din kita?" - Creed

"No way!" - Kyrie

"Yes way! ^____^" Lumapit naman si Creed kay Kyrie at inilapit ang mukha niya kay Kyrie.

"A-anong gagawin mo!?" kabadong sabi ni Kyrie.

"Hoooy!!" sabi ni Maureen sabay tulak niya sa mukha ni Creed palayo kay Kyrie. "Wag mo na ngang pagtitripan!! Sila Kyrie."

*Phone rings*

"Kanino yun?" tanong ni Kyrie.

"Mukhang akin ata." tiningnan ko naman yung phone ko.

"Si Dad." sabi ko. Tiningnan naman ako nila Maureen. Pero pagtingin ko kay Creed, parang kinakabahan yung itsura?

"Sagutin mo na yan." sabi ni Maureen sakin. Tumango naman ako at sinagot ko na.

"Hello Dad?"

[Kamusta ka na anak?]

"Okay lang po ako. Kayo po ni Mom?"

[Okay lang rin kami.]

"Mabuti naman po. Bakit nga po pala kayo napatawag?"

[Andyan na ba siya sa bahay niyo?]

"Sino po?"

[Si-]

"Hello Dad?" tiningnan ko naman yung phone ko.

"Ay Tae!! Deadbat pa!!"

"Oh? Anong sabi sayo ni Tito?" tanong ni Maureen sakin.

"Yun na nga eh!!"

"Bakit?" - Kyrie

"Deadbat eh!!" sabay pakita ko nung phone ko. "Asan na nga pala yung walang hiyang Creed Villafuente na yun!?" tanong ko sa kanila.

Tumingin naman sila sa kaninang kinatatayuan ni Creed.

"Asan na siya? Andyan lang siya kanina ah?" - Maureen

"Oo nga. Where na kaya siya?" - Kyrie

"Hayaan niyo na nga yun." - Maureen. Sabay labas niya sa kwarto ko.

"Risney!" tawag sakin ni Kyrie.

"Oh, bakit?"

"Nakita mo ba yung mukha ni Creed kanina nung sinabi mong Dad mo yung tumawag?"

"Oo. Mukhang kabado. Bakit?"

"Ang weird di ba? Di kaya.. May tinatago siya satin? O baka nagsisinungaling lang siya sa kwinento niya satin."

"Pwede din. Pero pano mo mapapaliwanag yung may saksak siya?"

"Ewan ko. -.-"

"Sandali lang ha? Bababa na muna ko. Iinom lang." sabi ko. At bumaba na.

Pagkababa ko, nakita ko si Creed. May kausap sa phone niya.

"Andito na po ako sa kanila. Kaya lang po, di ko pa nasasabi yung totoong dahilan eh.." sabi ni Creed sa kausap niya.

Totoong dahilan? Anong ibig niyang sabihin?

"Naghahanap pa po ako ng tyempo kung pano ko sa kaniya sasabihin.."

Tyempo?

"Sige po, Tito. Ako na pong bahalang magsabi kay Risney."

Sakin? Di kaya, si Dad ang kausap ni Creed?

"Sige po. Bye." sabi ni Creed at hinang-up na niya yung phone niya.

"Risney!" sigaw sakin ni Kyrie.

Nakooo!! Wrong timing kang maarte ka!! Mahuhuli ako nito eh. >___<

Tatakbo na sana ko nang..

"Kanina ka pa nandyan?" boses ni Creed.

"H-Hindi." sagot ko.

"Antagal mo naman! Kanina ka pa bumaba ah?" sabi ni Kyrie sakin ng makalapit siya sakin.

WRONG TIMING TALAGA SIYAAAA!! -.-#

"Narinig mo ba lahat ng mga sinabi ko?" tanong ulit sakin ni Creed.

Hingang malalim Risney.

*sigh*

"Hindi." walang gana kong sagot.

"Ano yun? Ano yung sinasabi mo na kung narinig ba ni Risney yung lahat ng sinabi mo? What's happening?" - Kyrie

"Wala yun." sabay naming sagot ni Creed. Kaya tinitigan kami ni Kyrie ng masama.

"May tinatago ba kayo?" - Kyrie

"Wala nga." sabay ulit.

"Rrrrgh!! Makaalis na nga dito!" sabay walk out ni Kyrie. Aalis na rin sana ko ng kausapin ulit ako ni Creed.

"Sigurado ka bang hindi mo talaga narinig?"

Hingang malalim ulit. Sasabihin ko ba yung totoo?

"Ano? Narinig mo ba?"

*sigh*

"Ano na?"

*silence*

Aalis na sana si Creed.

*sigh*

"Oo, narinig ko.." napatigil naman siya bigla at tiningnan ako.

"Narinig ko lahat." sabi ko ulit. Napalunok naman siya bigla.

"Ngayon.. Sabihin mo sakin, si Dad ba yung kausap mo? Tyaka, bakit mo nabanggit yung pangalan ko sa kausap mo? Sino ka ba talaga!?"

To be Continue. . .

***

Follow.Vote.Comment.

Mbaby029♥

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon