Chapter 40

2.3K 45 0
                                    

Chapter 40

RISNEY LEE SUARREZ's POV

"May gusto ka sa kapatid ko 'no?" tanong ko kay Xyler. "W-Wala po!"

"Weh?" sagot ni Kyrie. "Kung ayaw niyong maniwala, eh di wag." sagot niya at lumabas. Napailing na lang si Airi at inalok ulit yung dala niyang pagkain samin. HAHAHAHA! Nakakatawa si Xyler, biglang nagagalit dahil sa pinapaamin siya na may gusto kay Airi. Ito namang kapatid ko, parang walang pake. Bata pa nga talaga. Palibhasa, laging nakakulong sa mansion ng witch naming nanay."Oy, kainin niyo na 'to oh!" utos samin ni Airi. "Kung makapag-utos ka naman diyan? Parang mas matanda ka pa kesa samin ah?" sagot ni Maureen. "Bahala na nga lang din kayo dyan." sabi niya atsaka lumabas din. "Nako, Risney. Magkaugali. Baka mamaya niyan.." napangisi naman ako sa sinabi ni Jin sakin. "Okay lang naman sakin. Alam ko naman na mabait si Xyler. Atsaka alam kong maalaga yung batang 'yon." nakangiti kong sabi sa kanila. "Eh di okay na pala? Wala ng hadlang?" sabi ulit ni Jin. "Eh pano naman yung Mommy niyo, Risney kung malaman na nandito yung kapatid mo?" sabat ni Kyrie. "Ewan ko? Pero kung mahal naman kasi nila yung isa't isa, tutulungan ko sila." nakangiti kong sabi at lumabas para pumunta sa ospital. Dadalawin ko si Brent. Mabait naman kasi yun si Brent eh. Si Boa lang talaga. Pero wala namang nangyaring demandahan sa nangyari. Ayaw ni Brent. Hindi din alam ng mga magulang nila.Tanging kami-kami lang at yung ibang tao na nakakita dun sa outing. Pero sinigurado namin na hindi makakalabas yung balita sa school.

"Saan ka pupunta?" tanong sakin ni Creed ng makita niya kong lumabas ng hideout. "Kay Brent."

"Samahan na kita." tumango naman ako at umalis na kami. Bago kami pumunta sa ospital, dumaan muna kami sa mall para bumili ng prutas para kay Brent. Pangalawang araw niya palang naman 'to kaya hindi pa siya pinapalabas sa ospital. Pero kahit pangalawang araw niya palang 'to, parang ang tagal na. Sa dami siguro ng nangyayari. Pero kahit maraming nangyayari, hindi ko naman magawang kalimutan si Brent. Kagrupo namin siya at minahal ko din siya noon. hanggang ngayon naman eh. Pero bilang kaibigan at kagrupo na nga lang.

Nang makarating kami sa mall, bumili na kaagad kami ng prutas para sa kanya tapos naggrocery na rin ng kaunti at para sa uulamin namin para mamaya sa hideout. "Ano? Tara na?" tanong sakin ni Creed pagkatapos namin magbayad at dumiretso na sa ospital.

----xxx

"Ano, Brent? Medyo okay ka na ba?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot at tumingin sa dala naming prutas. "Para sakin ba yan?" tanong siya at ako naman ang tumango. "Magpagaling ka kaagad ha?" sabi ni Creed. "Bakit?" tanong ni Brent. "Para makaattend ka sa kasal namin ni Risney." nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Creed at natawa naman si Boa. Oo, nandito si Boa. Siya yung nagbabantay kay Brent. Syempre, mahal na mahal niya eh. Alangan namang hindi niya bantayan? "Magtigil ka nga dyan Creed. Tadyakan kita dyan eh." sagot ko sa kanya. "Bakit? Hindi ka naman kabayo para tadyakan ako ah?"

"Ewan ko sayo. Ikaw Boa? Kamusta ka na?" tanong ko dito. "I'm okay. At okay na din kami ni Brent. Sorry ulit sa lahat." sabi niya sakin at ngumiti kaya ginantihan ko din siya ng pagngiti. "Kumain na ba kayo?" tanong sakin ni Boa. Ilang araw palang pero iba na agad si Boa. Haha. Nakakapanibago.

*knock knock* napatingin kami sa may pinto at pumasok yung nurse na dala na yung pagkain ni Brent. "Thank you." sagot niya at umalis na. Kasama na dun yung gamot ni Brent na kailangan niyang inumin pagkatapos niyang kumain."Hindi ka kaya magsawa sa mga pagkain dito? Gusto mo bilhan kita ng iba?" tanong niya kay Brent. "Wag na. Okay na ko dito." sagot ni Brent. "Sure ka?"

"Oo nga. Wag ka ng makulit dyan. Ikaw na lang yung bumili ng pagkain mo dun para makakain ka na." utos niya kay Boa at tumango naman ito. "Pakibantayan si Brent ha? Wag mong aagawin sakin yung taong mahal ko." pagbabanta niya sakin kaya napangisi naman ako. "Wag kang mag-alala, hindi ko gagawin yun."

"Oo nga, ako kasi yung mahal ni Risney eh." napairap naman si Boa kay Creed at saka umalis. "Kamusta na kayo ni Boa?" tanong ko kay Brent at umupo sa upuan sa tabi ng kama niya. "Okay lang kami. Ayoko mang aminin pero ang bait niya. Sobra. Nadala lang talaga siya ng selos nun kaya siya nagrebelde. Maalalahanin siya. Masyado niya nga ata akong mahal eh. Haha!" binatukan ko naman siya bigla. "Oh, bakit?" tanong niya sakin. "Obvious naman na grabe yung tama nun sayo eh. Aata-ata ka pa dyan? Yan tuloy nangyari sayo. Ikaw yung natamaan."

"Nagjojoke ka ba?"

"Alam mo, nakakaleche ka."

"Hahahaha. Ikaw nga yun eh. Kung ano-ano kasing sinasabi mo. Siguro nga, matututunan ko ding mahalin siya. Kaya lang mukhang matatagalan." sagot niya at tumingin sakin tapos kay Creed. "Wag kang mag-alala, aalagaan ko 'tong mahal ko." sagot ni Creed. "Ewan ko sayo, Creed. Isa ka pa eh. Magkapatid nga talaga kayo." sagot ko at parehas nila kong tinawanan.

"Hey! Wag niyo nga munang kausapin si Brent. Nakita niyo namang kailangan niya ng kumain diba?" pagsusungit samin ni Boa ng makabalik. "O'siya. Uuwi na muna kami ha? Babalik kami bukas." paalam ko kila Brent. "Ito na nga pala yung prutas na binili namin sayo. Kainin mo 'tong mga 'to ha? Kukutusan ulit kita dyan kapag hindi mo kinain 'tong mga 'to." banta ko sa kanya. "Oo na. Alis na kayo." sagot niya. "Bye!" sabi samin ni Boa at umalis na kami.

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Creed habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Tumango naman siya at nagpatuloy sa paglalakad. Talaga bang okay lang siya? Mukha kasi siyang hindi okay eh.

To be Continued. . .

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon