Chapter 39
"Liligawan mo ba yung ate ko?" tanong ni Airi kay Creed. "Oo." sagot niya. "Weh? Seryoso 'yan?" tanong ulit ni Airi na may halong pang-aasar. "Hay nako Airi. Huwag ng maraming tanong kay Creed. Magiging future kuya mo naman 'yan eh." sabi ni Kyrie. "Ay nako ate Kyrie, hindi ako papayag na maging future kuya ko 'yan kung hindi niya papatunayan na mahal niya talaga si ate Risney." seryosong sabi ni Airi at saka lumabas. Sinundan naman siya ni xyler. Tumingin naman silang lahat sakin. "Ano na? Papayag ka ba na ligawan ka ni Creed?" tanong ni Maureen. Yung mga mukha nila, nakakatawa lang. Paano ba naman kasi yung mga mukha nila, hintay na hintay sa magiging sagot ko. "Ano?" tanong ni Creed. "Oo na." nakangiti kong sagot ko kaya naghiyawan naman sila. "Pano ba 'yan? Eh di araw-araw na si Creed na nandito?" sabi ni Ethan at lahat sila? Ayun, ngumiti -_-
-x-x-x-x-x-
LHIRICA ROSE SUARREZ's POV
"Airi! Tawag sakin ni Xyler. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Bakit?" tanong ko. Ngumiti naman siya at bigla akong hinila papunta sa motor niya. "Hoy, saan tayo pupunta?" tanong ko ulit. Bigla ba naman kasi akong hilahin eh -_- Sinuot niya yung helmet niya at saka pinaandar yung motor at pinaharurot. "HOY! DAHAN-DAHANIN MO NAMAN YUNG PAGTAKBO MO!! PAPATAYIN MO ATA AKO EH!" bigla naman niyang prineno at nasubsob ako sa likuran niya. Kaya hinampas ko siya. "Aray!" reklamo niya. "Aray aray ka dyan! Ang bilis mo kasi kayang magpatakbo ng motor! Papatayin mo ata ako eh."
"Sorry na." sabi niya at inakbayan ako. "Tanggalin mo 'yan." inis kong sabi sa kanya kaya tinanggal niya naman kaagad. "Para kang ate mo. Ang sungit din." sabi niya at pinaandar ulit yung motor.
After thirty minutes, huminto siya sa isang ano 'to? Bakit ganito yung itsura nang lugar? "Gusto mo?" tanong niya sakin. "Nang alin?" tanong ko din sa kanya tapos tinuro niya yung pagkain na nakatusok sa stick. Alam niyo ba yun? Kulay orange siya eh. "Kumuha siya ng dalawanag stick tapos binigay niya sakin yung isa. "Masarap 'yan. Hindi ka mamamatay diyan." sabi niya sakin. Sinawsaw niya naman yung kanya sa suka tapos kinain na. "Oh? Bakit nakatitig ka lang sakin? Kainin mo na 'yang iyo." sabi niya kaya sinawsaw ko din yung akin sa sinawsawan niya tapos kumain. "Ano? Masarap?" tanong niya sakin. Inirapan ko siya pero ngumiti din agad. "Oo, masarap! Lilibre mo ba ko? Pwede pa ba kong kumuha kahit ilan yung gusto ko?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango. "Sige lang. Madami pa diyan oh. Hanggang dun sa dulo kung gusto mo eh."
"Weh? Masarap ba lahat?"
"Oo. Pero ewan ko lang kung parehas tayo ng panglasa?"
"Tara! Tikman natin yung iba!" tumawa naman siya tapos naglakad na. "Oy, Xyler? Ano yung kinain natin na 'yon?"
"Kwek kwek yung tawag dun."
"Ah.. Bakit kwek kwek yung pangalan nun?"
"Grabe ka naman? Pati ba naman 'yan tatanong mo sakin?"
"Syempre. HAHAHA!"
"Tara na nga." hinila niya ulit ako tapos dinala niya ko sa tindahan na may mga kulay black na square? Masarap din kaya 'to kahit ganun yung kulay nun? "Eto, tikman mo." alok niya sakin sa may black na pagkain. "Masarap ba 'to? Anong tawag dito?" tanong ko sa kanya. "Betamax. Masarap 'yan." sabi niya sakin kaya tinikman ko. "Ang sarap nga!" sabi ko kay Xyler. "Alam mo ba kung ano pa yung isang tawag dyan?" tanong niya sakin. "Ano?"
"Dugo."
O___O
"Ito? Dugo?" taumango naman siya. "Eh bakit mo sakin pinakain 'to kung dugo 'to?"
"Wala lang. Masarap kasi."
"Masarap nga! Pero Xyler, dugo 'to oh?"
"Hahaha. Hindi ka naman magiging bampira kung kakain ka niyan eh."
"Tse!" sigaw ko sa kanya at inubos ko na kaagad yung betamax or what. Masarap eh. HAHAHA. "Tara na sa next destination?" aya niya sakin.
"Saan naman?"
"Dun oh." sabay turo niya dun sa. . Teka? May malaking itlog na orange. Yung kwek kwek. Tapos meron din yung betamax, tapos meron pang iba. Yung parang ahas na nasa stick tapos yung pagkain din na may parang mahahaba na galamay. Calamares ata yung tawag dun eh. Lahat ng yun, tinikman ko. Ang sarap! Kaya ayun, busog na busog tuloy ako. Pero first time kong kumain ng mga ganun. Hindi naman kasi ako madalas lumabas dahil mahigpit sakin si Mommy. Kaya ayan, ang ignorante ko tuloy sa mga ganito. Si ate kaya? Siguro hindi naman? Pero ang sasarap talaga! Gusto ko pa tuloy. "Oy, Xyler?"
"Oh?"
"Pwede bang bumili tayo ng maraming ganun? Dalhan natin sila."
"Sinong sila?"
"Yung mga Gangmates mo." sagot ko. "Ahhh. ."
"Sige na. Ha?" pagpipilit ko sa kanya. "Oo na." at dahil nag-oo siya, ayan, dinumog ko lahat ng tindahan tapos pinabalot ko sa plastic. Isang plastic na pang isang kilo nga yung bitbit ko eh. HAHAHA!
-x-x-x-x-x-
"Andito na kamiii!!" bungad ko sa kanila. "Whoa? Ano 'yang dala mo?" tanong sakin ni kuya Lance. "Kwek kwek, isaw, betamax, calamares, fishball, kikiam, at saka squid ball!"
"Kumakain ka niyang mga 'yan?" tanong ni kuya Marco. Tumango naman ako. "Kelan ka natutong kumain niyan? Eh hindi ka nga nakakalabas ng bahay ni Mommy eh." sabi ni ate Risney. "Ngayon lang. Nilibre ako ni Xyler."
"Teka nga, Xyler. Magkalinawan nga tayo."
"Bakit, Master?" tanong ni Xyler kay ate. "May gusto ka sa kapatid ko 'no?"
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?