KYRIE FALQUEZA's POV
"Talaga? Magkapatid kayo ni Cross?" di makapaniwalang tanong ni Marco. "Yes." Sabi ko at huminga ng malalim. "Pati si Boa." Dugtong ko pa. "HUH?" gulat na sabi nilang lahat except Maureen. "Pero paano kayo nagging magkakapatid kung magkaiba yung last name niyo? Anak ka sa ibang pamilya?" tanong ni Shone. "Nope. Nagpabago ako ng last name nung umalis ako sa bahay namin. But si cross, hindi niya ginawa. Gusto lang niya na umalis sa bahay dahil nga sa umalis ako don." Paliwanag ko. "Nakakagulat naman 'yang mga sinabi mo. Ni hindi manlang kasi namin naisip na magkapatid kayo. Ang tagal na nating magkakasama pero hindi niyo manlang binanggit." Sabi ni Lance. "Look, alam kong matagal kaming nagtago ng sikreto sa inyo. Pero yun lang yung may kinalaman si Cross. May iba pa kong nagawa na hindi ko naman ginusto." Sabi ko. Kwinento ko naman sa kanila yung nagawa k okay Brent. Matagl na kong pinatawad ni Brent noon at okay na kami. Alam niyang hindi ko naman ginusto na mangyari yung ganun. At kahit ang mga kagrupo ko ay naintindihan din yung sinabi ko. "Pero dapat, mapatawad ka nan i master sa nagawa mo." Sabi ni Marco. "Yan ang mas pinoproblema ko ngayon. Pero meron pa pala kayong dapat malaman. Kilala niyo din naman si Creed diba? He's Brent's brother. At once na siyang nagging fiancé ni Risney. But Risney didn't know it. Ang alam niya lang ay nakilala na niya si Creed pero hindi naming inamin na kilala naming si Creed. Ang akala niya ay sa panaginip lang nun nag-exist si Creed. Hiniling din ni Creed na wag naming sabihin kay Risney 'yon dahil ayaw niyang masaktan si Risney sa kanya." Kwento ko pa. "Pero pano mo na maaayos 'yan?" tanong ulit ni Shone. "Now na nasabi ko na sa inyo ang lahat ng tinatago ko, alam ko na kung paano ko maaayos 'to. Pero ako lang dapat mag-isa ang mag-ayos nito dahil problema ko 'to." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Sorry, my little snake sister. I think kailangan ko ng ilabas ang pagiging b*tch ko nang dahil sayo. It's been a long time simula nung tinago ko 'to. So be ready. Dahil ikaw mismo ang aamin kay Risney ng mga kaahasan mong ginawa.
----xxx
LHIRICA ROSE SUARREZ's POV
"Hanapin niyo siya. . Basta gumawa kayo nang paraan para mahanap niyo siya! . . Hindi! Kailangan niyo siyang mahanap! Hindi pwedeng mapahiya ako sa business partners ko! . . Do everything. Kailangan makuha niyo siya sa lalong madaling panahon." At binaba na ni Mom yung phone. "MOM! Tigilan mo na si Ate! Palagi mo na lang siyang pinapahanap! Palagi mo na lang siyang pinapa-arrang marriage sa iba dahil sa trabaho mo na 'yan! Dahil sa business na 'yan! At dahil sa business mo na 'yan, umalis si Ate dito sa bahay!"
"Stop saying na mali ang ginagawa ko! Para sa kanya 'tong ginagawa ko! Gusto ko maging masaya siya!"
"No, Mom. Sarili mo langang pinapasaya mo! Sarili mo lang ang iniisip mo! At higit sa lahat, wala kang pakialam samin!"
*slap!* Ngumisi ako at tumingin ulit sa kanya. "See? Kayang-kaya mo kong sampalin!"
"Dahil tinataasan mo ko nang boses! Dapat lang 'yan sayo!" sabi niya at umalis na sa bahay. Kaya kayo nagkahiwlay ni Dad ay dahil din sayo. Tumakbo ako sa kwarto at nag-impake ng mga damit ko. Aalis ako ditto sa bahay na 'to sa ayaw at sa gusto ni Mom. Hindi ko na kaya yung pagiging mahigpit niya sakin. Gusto ko ng maging malaya. My mom is like a witch. Wala siyang ibang aatupagin kundi ang gusto niya.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" tanong ng isa sa mga maids namin. "Lalayas ako." Walang gana kong sagot sa kanya. "Po? Bakit po? Hahanapin po kayo ni Ma'am samin." Sabi niya. "Sabihin mong hindi ko na kaya yung pagiging mahigpit niya sakin."
"T-Teka po ma'am."
"Wag ka ngang maingay." Iritado kong sabi sa kanya. "O-Okay po." Sagot niya at nagpatuloy na lang sa paglilinis niya. Nagsimula na kong maglakad at lumabas ng gate. May guards pero tumakas ako. Binato ko yung aso naming. "Sorry, dreamy. Iiwan muna kita."
"Arf! Arf!"
"Sinong nandyan?" sabi nung guard at pinuntahan si Dreamy at ako naman, kumaripas ng takbo. And I did it! Nakalabas ako. Pumara ako ng taxi at pumunta sa bahay nila ate Risney. Binigay ko lang yung address kay manong at mukhang alam niya naman 'yon.
By the way, I'm Lhirica Rose Suarrez. Ate Risney's little sister. I'm not actually little. Sakto lang naman. 15 years of age. May pagka-spoiled dahil kay Daddy. Minsan, sinusundo niya ko ditto at namamasyal kami. Pero hindi na ngayon dahil baka hindi ko na ulit siya makita.
Nang makarating ako sa bahay nila ate, walang tao. Pero kaya ko naming makapasok ditto dahil napulot ko yung susi ni ate nung nakikipag-away siya sa mga bodyguards ni Mom. Pinasok ko bawat kwarto don hanggang sa nakita ko yung mga damit ni ate. Tapos humiga muna ko nun at natulog.
KYRIE FALQUEZA's POV
"Creed, let's talk."
To be Continued. . .
*Lhirica Rose Suarrez sa multimedia.
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?