Chapter 7

5.7K 150 4
                                    

"Kaano-ano mo ba yun Risney? Bakit yun nandito?" tanong ulit ni Jin sakin.

"Ah.. Eh.." ano bang sasabihin kong dahilan?

"Whaaaaaaa!!!" sigaw ni Kyrie.

"Ay, P*cha! Brown out!!" sabi ko.

"Bakit nagbrown out? Anyare?" - Kyrie

"Bitawan mo nga ako Kyrie!" reklamo ko.

Bigla namang umulan ng sobrang lakas. At biglang..

*Dugudugdugsh*

(Sorry sa effects ng kulog. Ganyan yung pagkakarinig ko eh. XD)

"Whaaaa!!" napatakbo na ko kay Jin. "Takte!! Baka may multo na naman akong makita ah!! Oh baka Zombie ulit!!"

"Owemgee!! I don't like that!! Wag naman sana!!" - Kyrie

"Chill lang Bestfriend at Rie. Wag kayong matakot! Magkakailaw ulit-Oh? Sabi sa inyo eh. Tingnan niyo, may ilaw na ulit."

"Ang yabang.." sabi ni Maureen na nasa hagdan.

"Sabi na't mag-aalala ka sakin eh!" sabi ni Jin kay Maureen.

"Ang kapal mo!!" sabi ni Maureen sabay akyat ulit papunta sa kwarto niya.

"Mau! Sandali lang!" sabi ni Jin sabay takbo papunta kay Maureen.

"May bagyo kaya?" tanong sakin ni Kyrie.

"Siguro. Di kasi tayo mahilig manood ng balita eh. Wala tuloy tayong kaalam-alam kung may bagyo ba o wala."

"Starting tomorrow, I will watch balita na. Para I know ba kung anong nangyayari sa weather."

Ang arte niya po talagang magsalita kahit kailan. =_____=

"Risney?" tawag sakin ni Kyrie.

"Bakit?"

"Nasan na nga pala si Creed? Magkausap kayo nun sa kitchen kanina diba?"

"Oo. Bakit?"

"Ano yung pinag-usapan niyo?"

Sasabihin ko ba sa kanya?

"Ah.. Wala yun. Wag mo na yung intindihin."

"You're so malihim talaga.." sabay pout niya.

"Wag kang mag-alala, sasabihin ko yun sa inyo ni Maureen kapag sigurado na ko."

Bigla namang kumunot ang noo niya. "What do you mean?" tanong niya.

Nginitian ko lang siya. "Di ko pa masasagot eh." sabay punta ko sa garden.

Creed's POV

"Ngayon.. Sabihin mo sakin, si Dad ba yung kausap mo? Tyaka, bakit mo nabanggit yung pangalan ko sa kausap mo? Sino ka ba talaga!?" singhal sakin ni Risney. Pero tumahimik lang ako.

"Ano? Pwede bang sumagot ka naman?" sabi niya ulit.

"Ano.." pano ko ba 'to ieexplain?

"Ano!?" medyo naiinis niyang tanong.

"Ano!? Sino ka ba talaga!?" sigaw niya ulit sakin.

"Okay, Fine. Sasabihin ko na. Totoo talaga na ako si Creed Villafuente." sagot ko.

"Oh, Tapos?"

"Totoo rin na nanakawan ako. Totoo rin naman na nasaksak ako- Aray!!" batukan ba naman ako?

"G*go ka ba!? Halata naman na hindi palabas yang saksak mo eh! Bilisan mo na! Magsalita ka na ulit." napahinga naman ako ng malalim.

"Hindi talaga ako sa Tita ko pupunta. Kundi, dito talaga." tiningnan niya ko ng masama pero umiwas ako ng tingin.

"Kaya ako nandito dahil kay Tito Jeric."

"Kay Dad!?"

"Oo. Dahil.."

"Ano?"

"Dahil.." kailangan ko na talaga 'tong sabihin.

"Risney!!" sigaw ni Maureen.

"Bakit!?" sigaw ni Risney. Pero nakatingin pa rin siya sakin ng masama.

"Bestfriend!!" nagulat na lang ako ng biglang may sumulpot na unggoy at inakbayan si Risney at ganun din siya.

*tsup*

O____O --> Risney

>_____< --> Risney

"Ano ba-" naputol na lang ang pagsasalita ni Risney ng makita niya kung sino yung humalik sa pisngi niya.

Katahimikan..

"JIN!!" sigaw ni Risney sabay yakap sa unggoy na katabi niya. =_____= "Namiss kita!!" at lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya dun sa unggoy na si Jin daw.

"Bestfriend! Nasasakal ako!" reklamo ni Monkey Jin.

"Hehe.. Sorry! Namiss lang talaga kita eh! ^___^" - Risney

"HAHA! Alam ko naman yun eh! Halika, may dala ko para sayo." - Monkey Jin

"Talaga? May pasalubong ako?" masaya tanong ni Risney.

"Meron, syempre! ^_____^" sagot ni Monkey Jin.

"HAHAHA! Tara na nga!" sabay hila ni Risney kay Monkey Jin papuntang sala. At ako naman, naiwan dito sa kusina mag-isa =_____=

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at humiga.

'Pano ko ba sa kanya ipapaliwanag kung bakit ako nandito?' sabi ko sa isip ko.

'Isip Creeed! Isip!'

[Makalipas ang ilang oras]

Haaaysh!! Makapunta na nga lang sa garden. Magpapahangin muna ko.

-----

Pagpunta ko dun sa garden, nakita ko si Risney na nakikipag usap kay Monkey Jin.

"Bestfriend! Sino ba yung kasama niyong lalaki dito?" - Monkey Jin

"Yun ba? Si Creed yun. Creed Villafuente." walang ganang sagot ni Risney.

"Kaano-ano mo?" - Monkey Jin

"Ah.. Eh.. Pano ko ba sasabihin? Uhm.." - Risney

Mukhang hindi niya alam ang isasagot ah?

Tss. Ito na ba? Kailangan ko na bang sabihin sa kanya?

"Ah.. Ano.. Ano ko siya.." - Risney

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Fiancee ko siya."

To be Continue. . .

***

Follow.Vote.Comment.

Mbaby029

The Boyish ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon