Chapter 22
Ahas? Sa grupo namin? Sino namang tinutukoy niya? Nahihibang na ata 'tong Boa na 'to eh. "Pakiramdaman mo yung mga nakapaligid sayo ha? Dahil baka mamaya, mamalayan mo na lang, tinuklaw ka na pala." sabi niya sakin ng nakangisi atsaka umayos ng upo.
P*ta lang! Anong sinasabi nito? Eh lahat nga ng mga kagrupo ko, kilalang-kilala ko eh. Tapos ngayon, may sasabihin siyang ganon? Mauupakan ko talaga 'to ng wala sa oras eh.
----xxx
"Ano? Tara na?" tanong ni Kyriesamin. Breaktime na kasi namin pero di pa kami gumagalaw sa kanya-kanya naming pwesto.
"Master? Una na ko ha? Hahanap lang ako ng chiks." paalam sakin ni Justine. "G*go ka talaga. Bago-bago din pag may time, pre." sabat ni Jin. "Wag mo kong igaya sayo. Ikaw kasi, masyado kang Loyal diyan kay Maureen." sagot ni Justine. "Hoy! Nagawa niyo pa kong idamay diyan sa pagtatalo niyo ah!" sabat ni Maureen.
"Priiince!" tawag ni Sheya sa boyfriend niya. Si Sheya ay mas bata kay Prince. Second year highschool palang siya at kapatid siya ni Shone. Naalala niyo pa ba siya? Siya yung babaeng tinakas ni Prince. (Chapter 17) Tapos pagbalik nila, ayan na. Magsyota na yung dalawa. Hahaha. Pero sa totoo lang, palabas lang pala 'yon nila Prince. Nakwento na samin 'yon nila Shone.
"Tara na, Risney. Baka langgamin pa tayo dito." yaya sakin ni Kyrie atsaka ako hinila palabas ng room at dumiretso sa canteen.
"Alam mo Kyrie, hindi ko maintindihan yung bago nating kaklase. Yung late kanina." sabi ko kay Kyrie. "Bakit?" tanong niya sakin. "Kasi naman, nung umupo siya sa harap ko, may sinabi siya sakin."
"A-Ano naman 'yon?" bakit nauutal 'tong si Kyrie? "Sabi niya kasi, pakiramdaman ko daw yung mga kagrupo ko. Dahil baka mamalayan ko na lang, tinuklaw na daw ako ng ahas na 'yon." sabi ko kay Kyrie pero nakatulala siya. Ano bang nangyayari sa kanya? "Pero mukhang wala namang traydor satin eh. Tyaka matagal ko na kayong kasama. Matagal na yung grupo natin. Kaya paanong magkakaroon ng ahas?"
"What if kung may ahas nga sa mga kagrupo mo? Anong gagawin mo?"
"Gagawin ko?" Oo nga naman, wala akong alam kung anong gagawin ko sa mga traydor. AH! "Syempre aalisin ko siya sa grupo! At hindi na ko magbabalak pang kausapin siya. Dahil ang ayoko sa lahat, ay yung taong traydor."
"Dapat pala silang mag-ingat sayo kung ganon." sabi ni Kyrie nang nakangiti ng onti.
"Oh ano? Hindi pa ba tayo -- "
"Ano ba!!?" sigaw nung babae. Ay, teka? Siya yung babae na nakabangga ni Justine ah? "Yung Janna yun di ba?" tanong ni Kyrie. Tumango naman ako.
"Ano ba miss? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Tingnan mo yung ginawa mo sakin? Basa na ng softdrinks yung uniform ko!" bulyaw ni Rico dun sa babae.
"Ako pa ba ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko? Hindi ba't ikaw? Dahil ikaw yung nakikipagdaldalan dyan sa mga kaibigan mo kaya hindi mo ko nakita." inis na sabi nung babae.
Ngumisi naman si Rico at inilapit yung mukha dun sa babae. "Alam mo ba kung anong kapalit ng nagawa mong 'to sakin?" tumaas naman yung kilay nung Janna. At si Rico, unti-unting inilapit yung mukha niya dun kay Janna pero may pumigil. Si Justine. "Pasensya na Rico, akin 'to eh. Girlfriend ko kaya 'tong binabalak mong halikan." sabi ni Justine. "Teka lang ha? May kasalanan kasi yang girlfriend mo sakin eh."
"Pagpasensyahan mo na kung anuman yung nagawa ng girlfriend ko. At isa pa, tumabi ka na dyan sa daanan dahil may date pa kami nito eh." sabi ulit ni Justine at inakbayan si Janna. Atsaka dumaan sa gitna ng daan at nilagpasan sila Rico.
"Si Justine talaga." sabi ko habang napapailing. "Yun pala ang hindi type.Hahaha." dagdag ko pa.
"Tara na nga at umorder." tatayo na sana ko kaya lang pinigilan ako ni Kyrie. "Ako na lang ang bibili." sabi niya atsaka naglakad papunta sa cashier.
Iginala ko naman ang paningin ko kung saan-saan at may nakahuli na naman ng paningin ko. Sino pa ba? Eh di si Creed. Mayamaya ay bigla siyang tumingin sakin atsaka kumindat na ikinainis ko. Kaya binato ko siya ng lata ng softdrinks na walang laman at natamaan naman siya. Tumingin ulit siya sakin pero naiinis yung itsura niya ngayon.
Lumapit siya at inilapit yung mukha sakin. Hindi pa rin talaga nagbabago 'tong bakulaw na 'to. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" kalmado niyang sabi sakin. Pansin ko namang nasa amin na yung buong atensyon ng mga estudyante sa canteen.
"Eh ikaw? Alam mo ba kung anong ginagawa mo?" ngumisi siya atsaka sumagot nang "Oo."
Pagkasagot niya sa tanong ko ay ilalapit pa sana niya yung labi niya sa mga labi ko pero agad ko siyang sinuntok sa tyan na ikina-aray niya. Pero may nakita akong ngisi sa mga labi niya kaya sinapak ko siya sa mukha na dahilan para mapaupo siya sa sahig. "Babe! OhmyG. Anong nangyari sayo? Bakit ka may sugat sa bibig? Sinong may gawa sayo nito?" sabi nung babaeng lumapit kay Creed pagkatapos ay tumingin sakin. Teka? S-Si Boa? Babe? Anong meron sa kanilang dalawa ni Creed? Don't tell me. .
To be Continued. . .
*Janna Mariz Jimenez sa multimedia.
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?