Chapter 35
LHIRICA ROSE SUARREZ’s POV
“Arrrggh! Ang boring naman dito! Hindi ba tayo pwedeng umalis dito?” tanong k okay Xyler. Well, kilala ko na siya. Ang bilis ‘no? Wala naman kasi akong ginawa ditto kundi, kain nood tapos kapag wala na, kakausapin ko siya. Pero bored na bored na talaga ko dito! “Bakit parang hindi ka mapakali diyan?” tanong sakin ni Xyler. “Ikaw kaya yung makulong dito. Diba? Tingnan natin kung hindi ka maboring.”
“Kung hindi ka kasi sumulpot dito bigla, edi sana nandun pa ko sa pinag-a-outingan naming.” Iritang sabi niya sakin. Outing? Edi nandun si ate? “Wait! Alam ko na! Pumunta na lang tayo don!”
XYLER ELIZALDE’s POV
“Wait! Alam ko na! Pumunta na lang tayo don!” sabi ni Airi (Lhirica). Papayag ba ko? Sabagay, “Si Papa naman yung may-ari ng PJH eh. So, okay lang na nandun ako. Kaya tara na! Pumayag ka na please?” pagpupumilit ni Airi. Sabagay, “Kukunin ko lang yung gamit ko ha? Hintayin mo ko!” sabi niya habang may malapad na ngiti at umakyat na sa kwarto ni Master. Hindi niya man lang ako pinasalita sa utak ko ng tuloy-tuloy.
“Oh ano? Tara na!” masaya niyang sabi at hinila ako. “Teka! Yung gamit ko pa nga eh.” Sabi ko at tinitigan niya lang ako. “Kunin mo na.” sabi niya sakin. “Pano ko kukunin kung nakahawak ka pa din sa kamay ko?” napatingin naman siya sa kamay niya at bigla na lang bumitaw. “Ku-Kunin mo na dun.” Sabi niya at umiwas ng tingin sakin. Napangisi na lang ako sa naging reaksyon niya. HAHA! Nang makuha ko na yung gamit ko, bumyahe na kami papunta sa pinag-outingan ng mga estudyante ng PJH.
“Oh, sino ‘yang kasama mo? Ang bata pa niyan ah?” sabi ni Justine sakin. Lalapit sana siya pero tinisod siya ni Janna. HAHA! Ayan kasi. Babaero talaga! Tsk.Tsk. "Ano? Pati mas bata sakin, patulan mo na din?" mataray na sabi ni Janna.
Eto na naman sila, magbabangayan, tapos mauuwi sa paglalambing si Justine. Kahit ngayon lang namin nakilala si Janna, lagi silang ganyan ni Justine kaya alam na namin na laging ganun yung mangyayari.
"Sorry na, ikaw lang naman eh." paglalambing ni Justine kay Janna. Sabi na eh, mauuwi din sa lambing -_- "Oo nga pala, si Airi. Kapatid ni Master.Natigilan naman sila dahil sa sinabi ko. "Bakit siya nandito?" tanong ni Justine.
"Lumayas kasi ako sa bahay namin dahil naiinis na ko witch kong Mommy. Tapos pumunta ko sa hideout niyo. Kaya nga bumalik 'to si Xyler dun eh. Tapos nadisappoint pa siya na ako yung nakita niya. Pero alam niyo ba? Sabi niya, cute daw ako." napangiti naman sila dahil binulong ni Airi sa kanila. Kaya lang hindi ko malaman kung ano ba yun. Haysss.
"Sige na, Xyler. Hanapin niyo na si Master. Para masolo mo na din yan si Airi." nakangiting sabi ni Justine sakin. "Gago." yun na lang ang nasabi ko at umalis na kami ni Airi para hanapin si Master.
-----xxx
"Asan ba talaga si ate? Bakit kanina pa tayo naglalakad pero hindi ko siya nakikita?" tanong niya sakin. "Hindi ko din naman kasi alam kung nasaan siya eh. Pero tingnan natin kung nandun siya sa kwarto niya." sabi ko sa kanya at naglakad na.
Nang makarating kami sa kwarto ni Master, wala siya dun kaya pumunta ko sa kwarto nila Maureen. Nagbabakasakaling nandun siya at kasama niya. Pero wala pa din. "Sino 'yang kasama mo?" tanong sakin ni Maureen.
"Ako nga po pala si Lhirica Rose Suarrez. Airi for short." nakangiti niyang sagot. "Suarrez?" sabi ni Maureen. "Kapatid po ako ni Ate Risney. At kaya po ako nandito ay dahil hinahanap ko po siya."
"Bakit? At bakit ka nandito?"
"Lumayas po kasi ako samin eh. Hehe. Ayoko na po kasing makulong sa mga rules ng witch naming Mommy." napatango na lang si Maureen at bumalik na sa pagbabasa ng librong hawak niya. Pansin ko lang, bakit hindi niya kaya kasama ngayon si Jin?
Sunod naman naming pinuntahan yung kwarto ni Kyrie. Pero malapit palang kami sa kwarto niya, eh nakasalubong na namin siya. "Anong ginagawa mo dito Xyler?" tanong niya sakin. "Hinahanap kasi namin si Master. Kapatid niya, si Airi."
"Kilala ko siy--"
*Bang! Bang!*
"Ano 'yon?" gulat na sabi ni Airi.
"Gunshot."
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?