Chapter 20
"Whaaaaaaaaaaaaa!!!! MULTOOO!" sigaw ko. May nakita kasi ako sa labas ng malaki naming bintana na pintuan naman. Nakaputing lalaki na may dugo sa bandang tagiliran. Tapos umuulan pa with matching kulog at kidlat! >____<
Lumapit ako ng dahan-dahan sa may pintuan at binuksan nang biglang kumidlat at kumulog kaya nakita ko na naman yung Multo! "Aaaaaa! P*TANG INANG MULTO KA!!! UMALIS KA DITO!! PAPATAYIN KITA!!" napatayo naman ako bigla ng diretso at napaisip.
"Teka? Multo na nga eh.. Ibig sabihin patay na? Tapos papatayin ko pa? Ano ng tawag dun?" bigla namang kumidlat ulit at kumulog kaya nakita ko na naman yung multo at ito na siya..
O____O PAPALAPIT NA SIYA SAKIN!! AY HINDI!! NAKAPASOK NA SIYA DITO SA BAHAY KO!!
"P*TANG AMA MO TALAGANG MULTO KA!! WAG KANG LALAPIT SAKIN!! IDO-DOUBLE DEAD KITA DIYAN!!"
~REALITY~
Tama nga ko! Nangyari na talaga 'to! Ang pinagkaiba nga lang, ay nasa labas ako at basang-basa na ng ulan! Bigla na namang gumalaw yung tao na nasa gilid ko! Omyghad! S-si. . S-si. . CREED!?
"C-creed? B-bakit ka nandito?" bumangon naman siya at tumingin sakin.
"Teka? Ikaw yung babae sa hospital na yumakap sakin ah?" naaalala niya pa ko? "Bakit mo ba ko kilala? Tyaka pano mo nalaman yung pangalan ko?"
"I-Ikaw kasi yung fiancee ko di ba? Si Creed Villafuente. Ikaw yung kapatid ni Brent Villafuente -- " Ay shit! M-Magkapatid ba talaga sila?
"Paano mo din nakilala yung kapatid ko?" takang tanong niya sakin.
Magkapatid nga sila! Tapos hindi man lang sakin sinabi ni Brent!? Tangina! Ginagago talaga ko nung gago na 'yon eh!
"Hindi mo ba talaga ko kilala?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sakin. "Sigurado ka?"
"Oo naman! Bat ko naman tatandaan ang isang katulad mo? Mukha ka ngang tibo oh! Hindi man lang marunong mag-ayos! At isa pa, gusto ko yung sexy at maappeal! Hindi yung katulad mo na diretso yung katawan at walang appeal!"
"Aba! Ayos ka ah! Ang kapal naman ng pagmumukha mo kung ganon?"
"Gwapo eh!" ang lakas talaga ng bilib nito sa sarili niya! Bwisit lang!
"Diyan ka na nga! Panira ka ng moment ko eh!" napatawa naman siya pero saglit lang at umalis na din. Nag-commute lang ako at basa talaga yung buong damit ko dahil sa ulan!
"Oh Risney? Bat basang-basa ka?" tanong sakin ni Maureen.
"Basta! Bwisit talaga! Nakita ko pa si Creed! Napakayabang talaga niya kahit kailan!" sabay akyat ko papunta sa kwarto ko.
THIRD PERSON's POV
Nagkatinginan naman yung tatlo dahil sa sinabi ni Risney na nakita niya si Creed. "Nagkita na naman sila?" sabi ni Maureen.
"Akala ko ba, gusto niyang palabasin na hindi siya totoo kay Risney? Eh bakit ganon?" sabi naman ni Kyrie.
"Paano kung sinabi na pala niya yung totoo kay Risney?" sabi naman ni Jin. Agad naman silang napailing.
"Hindi 'yon!" sabay-sabay nilang sabi.
"Tanungin kaya natin si Risney?" tanong ni Kyrie.
"Oo nga!" sagot naman ni Jin.
"Eh paano kung makahalata siya?" tanong naman ni Maureen.
"Oo nga!" sagot ulit ni Jin.
"Hindi 'yan!" sabat ni Kyrie. "Think positive tayo!"
"Think positive? Bakit? Anong meron?" napalingon naman silang lahat sa may hagdan at doon ay nakita nilang nakatayo si Risney.
"Risney? Kanina ka pa nandyan?" tanong ni Jin.
Umiling naman siya. "Ngayon-ngayon lang. Anong meron? Ano yung pinag-uusapan niyo?" tanong ulit ni Risney.
"Ah-Eh. Wala naman?" sagot ni Maureen.
"Sino yung Creed? Gwapo ba?" tanong ni Kyrie. Lumaki naman bigla yung mga mata ni Jin at Maureen.
"Oo. Kaya lang, walang pinagbago! Ang yabang pa din!" sagot ni Risney.
"Pano kayo nagkakilala?" tanong ulit ni Kyrie.
"Nung umuulan. Tapos ang akala ko nun multo o zombie siya. Pero hindi niya ko kilala! Sinabihan niya pa kong tibo, hindi sexy at walang appeal!" inis na kwento ni Risney.
"Wait, ang akala ko ba, magkasama kayo ni Brent?" tanong ni Jin. Napakunot naman yung noo ni Risney. "Break na nga pala kami nung gagong 'yon."
"What? Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Maureen.
"Nakita ko siyang may kahalikang ibang babae. Tapos, nandun na ko sa harapan nila't lahat-lahat, hindi pa din sila tumitigil! Parang gago talaga! Hindi man lang nakaramdam na pinapanood ko na sila!"
"Sino yung babae?" tanong ni Kyrie.
"Pamilyar nga yung mukha nung babae sakin eh. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita." natahimik naman si Kyrie dahil sa kutob-kutob niya, alam niyang si Boa yung kahalikan ni Brent. "Alam mo, medyo hawig mo yung babae. Para ngang magkapatid kayo eh. Ang akala ko ikaw yon. Pero iba manamit. Tyaka ang landi ng itsura. At isa pa, mas mahaba yung buhok mo kesa sa kanya." dugtong ni Risney.
"Teka, Ky. Matanong ko lang, may kapatid ka ba?" tanong ni Maureen.
"W-Wala akong kapatid." medyo kabadong sagot ni Kyrie.
"Eh parents? Di pa namin sila nami-meet." sabat naman ni Jin.
"P-Patay na sila." pagsisinungaling ni Kyrie.
"Ah, sorry."
"O-Okay lang. Uhm. Balik tayo sa topic. Ano nang nangyari nung nakipagbreak ka kay Brent?"
"Wala. Iniwanan ko siya tapos tyaka ko nakita si Creed. Ang malala pa dun, magkapatid sila! Tapos wala man lang binabanggit sakin si Brent! Gagong 'yon! Ang dami na saking kasalanan! Palagi na lang! Kaya simula ngayon, hindi ko na siya kakausapin!" agad naman siyang tumayo at bumalik na ulit sa kwarto niya.
Napakunot na naman yung noo ni Kyrie. 'Nagtagumpay ka na naman sa plano mo, Boa. Ahas ka talaga kahit kailan. Napaghiwalay mo na naman sila. Pero sana hindi mo na guluhin si Risney. Dahil ako na mismo ang makakaharap mo. .'
To be Continued. . .
BINABASA MO ANG
The Boyish Chick
Teen FictionPaano kung ang isang boyish na mayamang babae na palamura at basagulera ay makakilala ng isang mayamang lalaki na playboy na mayabang at pala asar?