Mermaid - 3

28.9K 1.1K 143
                                    


Naninibago parin ako dito sa mundo ng may dalawang paa. Ang dami kong nakikitang mga bagay na hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Kaya nakakatakot na bawat galaw o salita na lalabas sa aking bibig ay malaman nila kung ano ako.

Nahihiya na rin ako sa kanila, kasi kanina pa sila naguguluhan sa akin. Kahit naman ako naguguluhan sa kanila.

"Wala kaming mahika o magic in english na ginamit dito," paliwanag ni Jin sakin. 

Tumango naman si Gello na pasan-pasan ako sa kanyang likuran.

Hindi ko pa nga kasi maigalaw ang aking dalawang paa, hindi ko alam kung paano ko ito gagamitin. Kanina ay ipinasubok nila sa akin na maglakad ngunit hindi ko kayang paghiwalayin sila dahil nag-sasabay si lang dalawa sa paglakad. Pinagtawanan ako ni Ted dahil doon, ano daw pa ako palaka.

"Paano naman iyan umaandar?" tanong ko uli kay Jin. Napakamot siya sa kanyang ulo kaya napayuko ako. Naiinis na ata siya sa kakatanong ko.

"Makina ang ginagamit dyan para umandar, sa tulong na rin iyang apat na gulong." Sabay turo niya sa ilalim, yung apat na itim na bilog.

Makina? Baka mahika ang ibig niyang sabihin. Kaso kakasabi lang niya kanina na hindi ito gawa ng isang mahika. 

"Saang mundo ka ba galing at may mahika-mahika ka pang sinasabi? Hindi totoo ang mahika okey?" Singit ni Seb na nakataas ang isang kilay sa akin. Sungit talaga nito.

Hays.

Hindi ko talaga mapigilan ang pagbuka nang bibig ko. Wala silang mahika na ginagamit, dapat ay tandaan ko iyon. Ang akala ko ay may mahika sila dahil kaya ni lang manghuli nang mga katulad namin at patayin. Hindi ko inakala na ordinaryong tao lang sila. 

Paano kung malaman nila na hindi lang sila ang namumuhay sa mundong ito? Paano pag nalaman nila na ang katulad namin ay nakakasama nila? Na may mundo na gumagamit ng mahika. Ano ang dadawin ng mga may dalawang paa?

Hindi lang naman kami ang mga nag tatago sa tao, marami pang iba. Katulad na lang ng mga Atarus na nag-tataglay ng mga mahika. Ang kaibahan nga lang sa amin ay may dalawang paa sila, at payapa si lang nakakapag lakad sa mundo nang mga tao.

Samantalang kami ay hanggang karagatan lang. Pero nakakapunta parin naman kami sa lupa gamit ang isang mahika na kaya kaming palutangin. Ngunit hindi namin pwedeng gawin iyon sa mundo ng mga tao.

"Bakit ika'y galit? Ako'y nag-tatanong lamang." Sabay nguso ko sa kanya. 

Bakit ba kasi ganito ang ugaling ni Seb, matipuno naman siyang lalaki at may magandang mukha. Sa Itsura niya magpapagkamalan siyang isang Prinsipe. Sabagay may mga Prinsipe din naman na kaparehas ng kanyang ugali.

"Bakit ba ang lalim mong mag salita? Hindi kaba na inform na may english na?" ani ni Seb sa akin.

Inform? English? Sumasakit na naman ang ulo ko sa kanila.

"Wala akong pakielam sa inform at english na tinutukoy mo!" Inismidan lang niya ako at sumakay na sa loob nang hindi ko alam na bagay.

Baka naman mapanganib sa loob na iyan?

"Ano ba iyan?" bulong ko kay Gello.

"Van. Dyan tayo sasakay para makapunta tayo sa isa pang lugar," tugon nito sa akin. Ngumiti ito sa akin. 

Buti pa itong si Gello ay mabait. 

"Saan ba tayo pupunta?" pagaalinlangan kong tanong. 

Kung pupunta kami sa ibang lugar ibig sabihin lalayo ako sa dagat? Paano na ako nito? Paano kung biglang lumabas ang aking buntot at wala ako sa dagat. Baka pag nangyari iyon ay saktan nila ako. 

My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon