Kasalukuyan akong nandito sa loob ng tahanan ni Seb, hindi ako makagalaw sa kinakaupuan ko. Bakit ganito ang kanilang tirahan? Napaka ganda, ang aliwalas ng kapaligiran. Ang dami rin mga gamit. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng magandang bagay.
Sa karagatan puro lamang dagat ang iyong makikita. Ang mga kagamitan namin ay mula sa mga kabibe, at ang iba naman ay gawang mahika. Pero samantalang dito sa dalawang paa ang dami mong makikitang iba't-ibang uri na bagay. May pahaba, pabilog at kung ano-ano pa. Nakakatawa nga rin ang itsura nong iba.
"Bibisitahin ka na lang namin dito okey lang ba iyon, Petunia?" Tumango ako kay Ice.
Natutuwa parin ako dito sa mundo nila. Napaka lambot pa ng inuupuan ko. Ano kayang laman nito?
"Ayos lang sa akin, maraming salamat sa pagtulong n'yo."
"Sige, mauna na kami, Seb, ikaw na bahala sa kanya. Bye Petunia!" Kumaway muna sila sa akin bago tuluyang umalis. Nakangiti parin akong nakatangin sa paligid, ng mapadaan ang aking mata sa gawi ni Seb, na pasimangot ako, seryoso parin siyang nakatingin sa akin.
Sa totoo lang akala ko lahat ng may Dalawang paa ay masasama, hindi naman pala lahat. O baka mabait lang sila sakin dahil akala nila na ako'y kauri nila? Pano kung malaman nila ng mag kaiba kami? Papatayin ba nila ako? Magbabago ba ang pagtingin nila sakin?
Mabait sila sa akin puwera lang ata itong si Seb na hanggang ngayon ay magkasalubong parin ang kilay. Ano bang problema niya? Para niya akong sinusuri, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, ang hirap n'yang basahin.
"Bakit?" nag-aalangan kong tanong sa kanya.
"I know you're not telling the truth, I'll give you 5 minutes to explain." Napanganga ako sa sinabi niya.
Ano iyon?
"Ah?" Mas lalong sumama 'yong mukha niya.
Mula sa pagkakaupo ko lumapit siya sa akin at tinignan ako ng seryoso. Hindi niya inalis ang pagkakatitig niya sa mata ko, napalunok ako sa takot.
"Hindi ako tanga para mauto mo dyan sa pag aarte mo.Now tell me the truth!" Napatalon ako nang sumigaw siya.
Anong pag arte ba ang ginagawa ko? Hindi ko siya maintindihan, magulo pala kausap ang mga taga lupa.
"Hi-hindi kita maintindihan."
Natatakot na ako sa ginagawa niya. Sana pala hindi na lang ako pumayag na sa kanya sumama. Parang mas maayos pa na nasa labas ako at pagala-gala, kaysa makasama itong si Seb.
"Mag sabi ka sakin ng totoo. Sino ka? Saan ka nakatira? Bakit nag-sisinungaling ka sa amin?" Nanigas ako sa kinakaupuan ko.
Pano niya na laman na nag-sisinungaling ako? Masyado ba akong halata sa mga kinikilos ko? Sinigurado ko naman ang bawat galaw ko dito at sasabihin ko para hindi nila ako mahalata. Mapanganib to.
"Hi-hindi ako nag sisinungaling." Hindi ako makatingin sa mga mata niya, natatakot ako na baka mabasa niya ang iniisip ko. Pero wala naman si lang mahika kaya hindi nya mababasa ang aking iniisip.
Pero kung wala talaga si lang mahika pano na laman ni Seb na nag sisinungaling ako sa kanya? May kakayahan rin ba ang mga may dalawang paa na basahin ang isang tao o ibang nilalang katulad namin?
"Nag-sisinungaling ka! Hindi mo ako maloloko. Now sabihin mo sakin ang totoo bago kita ihagis palabas nang Condo ko!" Bumilis ang tibok ng aking puso kasabay ng bilis ng aking paghinga.
Napaka sama niya talaga, bakit niya ako ihahagis palabas, ano yung Condo? Basta, bakit niya ako ihahagis? Dahil ba hindi ako nag-sasabi ng totoo? Grabe naman atang parusa ito. Hindi ba nya alam na isa akong Prinsesa, malaking parusa ang matatanggap n'ya pag sinaktan niya ako. Pero hindi nga siya mapaparusahan dahil isa siyang tao, at nasa mundo nila ako.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...