I miss youuu! Sorry kung natagalan ang pag Update ko nito. By the way hindi ko kaya nabati kahapon kaya ngayon nalang Hihihihi 'Merry Christmas' I love you guys, salamat sa pag support ng Story ko.
Don't forget to VOTE and COMMENT about sa Chapter.
All the Love. T
--
Tama ba itong nararamdaman ko para kay Seb? Tama bang tumibok ng mabilis ang puso ko pag nandyan sya sa tabi ko? Tama bang magkagusto ako sa kanya? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko ng dahil kay Seb. Naguguluhan na ako sa aking nararamdaman sa kanya, hindi naman ako ganito, bakit!!
Para sa akin hindi tama itong nararamdaman ko sa kanya, Hindi tamang tumitibok ang puso ko sa kanya At mas lalong Mali na mag kagusto ako sa kanya. Mag kaiba kami, hindi ako tao katulad nya, Ako'y kalahating Isda. Magkalayong magkalayo ang itsura naming dalawa, magkaiba ang mundong ginagalawan namin At hindi maaaring magkagusto ako sa kanya dahil iba nga ang uri namin.
Mahirap man tanggapin ay bawal talaga itong nararamdaman ko sa kanya, ipapahamak ko lamang ang aking sarili, ipapahamak ko lang sya. Ang makipag relasyon sa hindi mo kauri ay malaking pinagbabawal sa aming kaharian.
"Hey!" Napatalon ako sa gulat ng tumabi s akin si Seb, umusog ako ng kaunti upang magbigay puwang sa aming tabi.
"He-hello" Yumuko ako at pinaglaruan ko ang aking daliri.
"Ayos ka lang?" Nilingon ko sya. Kunot noo syang nakatingin sa akin, Huminga ako ng malalim para bawiin ang malakas na kabog nang aking dibdib.
"Ayos lang ako"
"Sigurado ka ba? Bakit parang naiilang kana sa akin?" Nanlaki ang aking mata sa kanya. Halatang halata naba ako? Jusko po.
"Hindi kaya! Baka guni-guni mo lang iyon" Pagmamaangan ko agad.
Ano bang meron sa kanya? Ganun parin naman ang pag uugali nya, masungit parin sya at walang pake sa ginagalawan nya. Ano ang nagustuhan ko sa kanya? Nakakabaliw naman itong iniisip ko. Dapat ang mas pag utungan ko ng pansin ay ang aking Problema, hindi ang prolema sa pag ibig.
Natahimik sya kaya pa simple ko syang sinilip.. nagulat ako ng nakatitig pala sya sa akin kaya nakaramdam uli ako ng ilang. Kalma lang Petunia, ikalma mo ang sarili mo, tinitignan ka lang nya, wala syang ibang ginagawa! Agh pakiramdam ko parang unti unti nya akong tinutunaw sa titig nya.
"Are you sure you're okey?" Tanong nya uli, wag mo nalang syang pansinin Petunia, ipalabas mo na lang na hindi mo naiintindihan ang sinabi nya kahit naturo na sayo ni Ice yan. Ipinag bawal na kasi si Ted kung ano ano daw tinuturo sa akin.
"Lansa!!" Halos mag diwang ako ng dumating na sila, tumayo ako at lumapit kay Jin na naikipag usap kay Ice. Dinaanan ko lang si Ted na nakataas pa ang dalawang kamay. "Ay Yakapzoned na ako ahuhuhuhu"
"Jin!" Kumapit ako sa kanyang braso at sumabay sa paglalakad.
"Hi Petunia!" Umupo kaming dalawa, ramdam ko ang pagsunod ng mata ni Seb sa akin.
"Diba Ice? si Jin talaga yun Wahahahah" Nag apir pa si Ice at Ted.
"Luh! Mabaog ka sana" Sabay Pakyu ni Jin kay Ted. Araw araw na lang sila nagtatalong dalawa, hindi kaya sila napapagod sa pag aaway nila?
"Ay bad, bad Jin" Ted.
"Let's go guys!" Natahimik lang sila ng dumating na si Gello, nagyaya kasi si Lander na kumain sa labas, libre na daw nya ang lahat, kaya natuwa sila.
Sumakay uli kami sa Van, ang bago nga lang ay tumabi ako kay Jin, sobrang ilang na talaga ako kay Seb. Habang nasa byahe nga kami ay panay ang tingin nya sa akin. Kaya halos manlambot ako sa kinakaupuan ko.
"Pst!" Siniko ako ni Jin.
"Bakit?"
"May gusto kaba kay Seb?"
--
Narrator
Sa Kaharian ng Sersunia. Sa ilalim ng Palasyo kung saan matatagpuan ang madilim na parte nito ay makikita si Haring Cales sa isang selda, katapat nito si Majesta. Parehas silang nakaupo at tulala. Hindi nila inaasahan na aabot sa gantong sitawasyon ang mangyayari sa kanila, pati narin sa kanilang kaharian. Ganto na ba katindi ang galit ni Pavon sa kanyang Anak? Ganto naba kagusto ni Pavon na kitilan ng Buhay ang kanyang mahal na Anak?
Gustong maiyak ni Haring Cales, doble doble ang mag aalala nya kay Petunia, lalo na nasa mundo na ng dalawang Paa si Pavon. Gusto nyang sundan ang mga ito, ngunit paano nya naman magagawa iyon kung nanakulong sya? Paana nya maililigtas ang kanyang Anak? Ang tangin hinihiling nya ay sana hndi matunton ni Pavon si Petunia upang malaigtas ito. Sana ay nakalayo ito sa dagat, sana ay may tumulong dito.
"Patawad" Narinig uli ni Haring Cales ang paguumanhin ni Majesta. Ilang beses ng humingi ng tawad ito sa kanya.
"Walang may gusto na mangyari ito..Majesta" Yumuko si Haring Cales.
"Ngunit.. paano na ang Prinsesa?" Kanina pa umiiyak si Majesta, sa loob loob nya ay kasalanan nya kung mag masamang mangyayari kay Petunia. Ngunit ayaw lamang nyang masaktan ang kanyang kapatid.
"Maliligtas sya...." Kahit natatakot ay tinatagan nya ang kanyang loob para sa kanyang mahal na anak.
"Haring Cales..." Napatingin si Haring Cales kay Cecillia na kadarating lang, maybitbit itong pagkain.
"Cecillia.. paano ka nakapasok dito?" Tanong ni Cales.
"Nagmakaawa ako sa mga kawal sa labas Hari... Ito kumain kayo" Inilusot ni Cecilia ang pagkain ni Haring Cales at Majesta.
"A-ano na ang nagyayari sa labas ng palasyo?"
"Wag po kayong mag alala Haring Cales...mabuti po ang kalagayan ng mga nasa labas, hanggang ngayon ay wala parin silang alam" Nakahinga ng maluwag si Haring Cales kahit papano. Ayaw nyang madamay sa gulo ang mga nasasakupan nya.
"Salamat sa pagkain" Saad ni Majesta.
"Walang anuman" Cecillia.
"Hindi na ako pwedeng magtagal.. paalam na sa inyong dalawa, babalik na lang ako pag may nasagap akong balita" Nagbigay galang muna si Cecillia bago lumangoy paalis.
-
"Haring Pavon!" Lumapit kay Pavon ang dalawa nyang alagad. Yumuko muna ito para bigya galang sa kanya.
"Ang sabi ng isang tagalupa ay wala na daw dito si Prinsesa Petunia, umalis daw ito kasama ng Limang tagalupa" Nagikgik sa galit si Pavon.
"Saan daw ito pumunta?" Natakot ang Dalawa, kahit ang dalawang alagad nito a likod ay napaatras sa takot.
"Hi-hindi daw po nya alam... sa pagkakatanda po nya ay hindi taga rito ang Limang tagalupa." Napaupo si Pavon sa malaking bato. Tumingin sa sa ma along dagat upang makalmahin ang kanyang sarili.
"Taga saan ang mga tagalupang kumuha sa kanya?" Nagkatinginan muna ang dalawa bago sumagot kay Haring Pavon.
"Maynila"

BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantastikSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...