Madilim, tanging mga liliit na ilaw sa gilid ng mga dingding ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan ni Hadsin. Mabilis syang tumakbo para maabutan at mahanap nya si Siana, alam nyang malalagot nanaman sya sa babae dahil sa tagal nyang dumating. Hindi naman nya inakalang malakas pala kahit papano ang lalaking sireno na nakalaban nya.
Tinitignan din nya ang bawat kulungan, nagbabasakaling may nakaligtaan si Siana na naka kulong. Tanging mga Kawal ng Sersunia ang nakikita nya. Napahinto si Hadsin sa pagtakbo, Hinabol nya ang hininga nya, napagod na nga sya sa laban ay napagod pa sya lalo sa pagtakbo.
Nilakad na lang nya ito para makapang pahinga din sya kahit papano. Kaylangan nilang iligtas ang Hari ng Sersunia, nangako sila kay Petunia at hindi nila hahayaang mapako ang pangako nila sa prinsesa ng Sersunia. Hindi nga lang nila mapapangako na hindi ito malalaman ng mga nasasakupan nila.
"Nagmamakaawa ako gawin nyo ang lahat upang mailigtas ang aking mahal na Ama" Kita nya ang pag hihinagpis sa mata ng Prinsesa habang sinasabi ang mg salita na ito.
"Ililigtas namin sya, ngunit kaylangan mo ring maging ligtas, kaya sumama ka samin para masigurado namin ang kaligtasan mo" Sabi ni Siana.
"P-pero, ayos lang naman ako dito, hindi ako mapapahamak"
"Hindi natin masasabi yan..." huminto sa pagsasalita si Siana at huminga ng malalim. " Sabihin na nating ligtas ka sa ngayon, pero pano bukas o sa susunod ng bukas?" Napatango si Hadsin.
Iniisip lang nila ang kaligtasan ng babaeng sirena sa mundo ng mga tao, hindi nila kontrolado ang panahon, hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan nya sa mga kamay ng mga tao.
"Mabait sila sakin at hindi nila ako sasaktan, magiging maayos ako dito" Nagkatinginan si Hadsin at Siana.
"Oh sya, pag kaylangan mo ng tulong nandito lang kami okey?" Nakahinga ng maayos si Petunia, tumango sya at ngumiti sa dalawa.
Kaya kahit anong mangyari ay kaylangan nilang maligtas ang Ama nito, dahil ito din ang pinag uutos nang nakakataas sa Atamiran. Hindi sila maaring mabigo dito.
"Asan ka nabang babae ka!" Napakamot si Hadsin sa kanyang ulo.
"Hoy lalaki!" Nakita nya si Siana na hindi kalayuan sa kanya, nakapay mewang ito at nakataas ang isang kilay. "Bakit ngayon ka lang? tagal kong naghintay dito"
"Sorry na, naligaw lang ako he.he.he" Nagsinungaling sya dito, ayaw nyang sabihin na natagalan syang makipag laban sa Sireno na iyun, dahil paniguradong aasarin lang sya nito at sasabihin pa sa iba nilang kaybigan.
"Naligaw ka? isang daan lang ito, walang kang lilikuan tas sasabihin mo naligaw ka!" Kinagat nya ang kanyang labi para pigilan ang pagtawa.
"Joke lang..ahm ano ba ginagawa mo dyan? Nahanap mo naba yung Hari nila?" Pag iiba ng usapan ni Hadsin.
"Hindi pa, pero nakita ko tong tatlo nato." Turo nya sa isang kulungan.
Nakakunot noo ni Hadsin na lumapit sa kulungan na tinuro ni Siana. Nakita nya ang tatlong lalaking Sireno, nakangiti itong tatlo at kumaway pa sa kanya.
"Oh bat nandyan kayo? Anong kaso nyo?" Maangas na tanong ni Hadsin.
"Kaso?" Naguguluhang tanong naman ni Jerre.
"I mea- ang ibig kong sabihin, anong ginawa nyo bat nandyan kayong tatlo?" Pag uulit ni Hadsin.
"Ahh, wala naman, napadaan lang kami sa palasyo tas hinuli na nila kami ha.ha." Melo.
"Talaga?" Siningkitan ng mata ni Hadsin ang tatlo.
"Nagtaka lang po kasi kami, dahil hindi nanamin nakikita ang Hari, naging matahimik din po ang palasyo. Gusto lang namin malaman kung ano ang meron kaya pumasok po kami, hindi naman po namin alam na mga kawal na po pala ni Pavon ang nasaloob nito. Kaya hinuli at ikinulong po kami" Mabilis na pag papaliwanag ni Adlis.

BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...