Mermaid - 1

59.2K 1.5K 149
                                    

Simula



Sa kailaliman ng karagatan matatagpuan ang kaharian ng Sersunia. Sa bayan na ito masaya at payapang naninirahan ang mga sirena at sireno. Makikita ang mga nag gagandahang mga koral, dito namamalagi ang mga iba't-ibang uri ng mga Isda.

Sa bawat paligid nito ay may mga nag-lalakihang bulaklak na pinatungan ng malaking bula kung saan naninirahan ang mga mamamayan nito.

Sa di kalayuan sa bayan ng Sersunia matatagpuan ang palasyo, kung saan nakatira ang namumuno sa kaharian ng Sersunia.

Sa mundo ng kalahating tao at kalahating isda ay malalaman mo kung may dugong bughaw ba ang isang sirena at sireno, kung ang kanilang buntot ay may kulay ginto. Nangyayari din dito ang pag-iibigan ng may dugong bughaw at sa isang normal na mamayan lang, dahil dito ang kulay ng buntot ng magiging anak nila ay nagkakahalo. 

Nakaupo sa gintong trono si Haring Cales, mag kasalubong ang dalawang kilay nito, huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili sa bagong balita na ibinigay sa kanya ng isang kawal.

"Mahal na Hari." Halata sa boses ng kawal ang kaba na namamayani sa kanyang dibdib.

"Wala na bang ibang paraan? Bakit hindi n'yo kayang pasukin ang kaharian ni Pavon?" umalingaw-ngaw ang malaking boses ni Haring Cales sa palasyo.

"Napupuno po ng mahika ang kaharian n'ya, kaya't hindi po namin ito magawang pasukin." nakayukong saad nito sa Hari. 

Napahilot nang sentido si Haring Cales.

"Mga inutil! Gumawa kayo ng paraan!" Ikinumpas nito ang isang kamay, senyalis na umalis ito sa harapan niya. Nag-bigay galang muna ang kawal bago umalis sa harap ng Hari.

Hindi ma wala sa mukha ng Hari ang galit at takot na namamayani sa kanyang kalooban. Matagal na niyang gustong mapuksa ang panganib sa anak, ngunit masyadong malakas ang mahika na ginamit ni Haring Pavon sa kahariaan nito upang hindi ito mapasok ng kahit na sino.

Naghuhumakos sa paglangoy si Cecilia papunta sa trono ng Hari, na pahawak ito sa dibdib dahil sa hirap sa paghinga. Ngunit hindi niya ito ininda dahil mas importante dito ang buhay ng Prinsesa.

"Mahal na Haring Cales!" sigaw ni Cecilia ang gumising kay Cales sa kanyang pag-iisip. Napatayo ito sa trono, at tinignan ng masama ang taga-pagsilbi ng anak.

"Ano ang 'yong ginagawa rito Cecilia! Ang sabi ko'y bantayan mo ang aking mahal na Anak!" galit na boses nito. 

Yumuko si Cecilia dahil sa kaba na dinadala nito sa dibdib.

"A-ang Prinsesa po." Nanginginig ang kamay at ang boses nito. 

"Anong ng yari sa Prinsesa Cecilia!" Lumangoy pababa nang trono si Cales at hinawakan sa dalawang balikat ang babae. 

Matagal ng naninilbihan ang babae sa kaharian ng Sersunia, siya ang itinalaga para alagaan ang Prinsesa simula't pagka silang nito hanggang sa pagkadalaga nito.

"Ang Prinsesa." Dahil sa takot na nararamdaman nito, hindi mahanap ni Cecilia ang dapat sabihin nito. "Ang Prinsesa Petunia, Haring Cales."

Nauubos ang pasensya ng Hari "Cecilia!"

Nanigas ang balikat nito ay napaatras nang kaunti dahil sa gulat. "Nasira na po ni Haring Pavon ang mga makakapal na bakal sa paligid ng silid ng Prinsesa." 

Parang binagsakan ng malaking bato ang dibdib ng Hari sa kanyang narinig mula dito. Napaatras ito at napa-upo sa gintong trono. 

Natulala ang Hari at tila na pakalalim ng iniisip. Kailangan niyang gumawa ng paraan dahil ano mang araw o oras ay mapapahamak na ang nag-iisa niyang anak sa kamay ni Pavon. Hindi niya makakayang makita na masaktan ito. Matanda na siya at may dinadamdam na din na mga karamdaman sa katawan, at tangin niya lang hiling bago mawala sa mundo ay malamang ligtas ang anak niya at masaya itong na mumuhay sa kanilang kaharian. 

My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon