Tama ba ang naging desisyon ko? Tama ba na pumayag ako sa tinitibok ng puso ko? Pinag isipan ko ito ng mabuti, sana naman tama ang pinili kong desisyon. Kinakabahan ako sa mga nangyayari nagyon, bakit sunod sunod lahat ng ito?
Masaya naman ako dahil parehas kami ng nararamdaman ni Seb, pero ang kinakatakot ko lang, pano pag nalaman na ito ng aking Ama? Baka tutulan nya ang pagmamahalan naming dalawa. Baka paghiwalayin kami.
Kung sakali man na umayos na ang lahat at bumalik na ako sa aming mundo, Pano na si Seb? Maiiwan ko sya dito, at panigurado na hindi narin ako pababalikin ni Ama sa mundo nila, tuluyan na kaming hindi magkikita.
Ang daming pumapasok sa isip ko na "Pano", kung ano nang mangyayari sa amin.
Naalala ko nanaman ang naging usapan namin ni Seb, kahapon matapos naming mag Ensayo.
"Ano bang kinakatakot mo? Sabihin mo sakin Petunia." Namumula na ang mukha ni Seb, kanina pa nya ako tinatanong sa bagay na ito, ngunit wala akong masagot sa kanya.
Marami akong kinakatakutan, maraming marami. Sa dami nila hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Ang daming tumatakbo sa utak ko, naguguluhan na ako.
"Petunia! You like me right?" Tumingin ako sa kanyang mata. "Answer me" Dahan dahan akong tumango sa kanya.
"Follow your heart, sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo.." Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at nilapit nya ang mukha nya sa akin.
Anong gagawin nya?
Naramdaman ko ang mainit na labi nya saking noo. Natulala ako sa kanyang ginawa, napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagbayo nito. Tumayo sya at umalis saking harap.
Jusko, binabaliw mo na talaga ang puso ko Seb.
"Ano naman kung magkaiba kayo? Ano naman kung tao sya at sirena ka?" Tanong ni Jin sakin. Nasabi ko kasi sa kanya kung ano ang mga tumatakbo sa isip ko.
"Ayun na nga e, Tao sya Sirena naman ako" Hindi naman ata nya nakukuha ang sinabi ko.
"Oh ano problema doon?" Napahilamos ako saking mukha, hindi nya talaga ko na i-intindihan.
"Hindi mo ako naiintindihan Jin kasi Tao ka, Bawal kaming makipag relasyon sa hindi namin kauri. Mahipig na ipinag babawal iyun sa mundo namin. Ngayon alam mo na?"
Napahawak sya sa kanyang baba "Petunia ipapaalala ko lang, sa kalagayan mo ngayon ay isa kang Tao.. tignan mo ngayang sarili mo, may paa ka wala kang buntot, nasa lupa ka wala ka sa tubig. Ano pa ang pino-problema mo?..." Umayos sya ng upo at tinitigan ako. "....Sa mundo nyo lang ipinag babawal iyon, pero hindi sa mundo namin. Hindi naman malalaman ng Ama mo kung hindi mo sasabihin" Nginisian nya ako at kumagat sa tinapay na hawak nya.
Napaisip din ako sa sinabi nya.
May point naman sya hindi ba?
"Wag mong pigilan yang nararamdaman mo kay Seb, ikaw lang mahihirapan."
Tinamaan talaga ako sa sinabi nya sakin, may point naman talaga sya e. Bakit ko ba kasi pinapahirapan ang sarili ko? Nasa mundo nila ako wala ako sa mundo namin. Staka bakit ko ba kinokontra yung nararamdaman ko kay Seb? Dapat nga maging masaya ako diba?
Minsan ko lang maramdaman ang ganitong pakiramdam, hindi ko dapat binabaliwala ito, hindi ko dapat sinasayang ito.
Kinagabihan din non, bago ako mag tungo saking silid, Niyaya ako ni Seb na lumabas. Nung una naguguluhan pa ako, pero inulit nya uli "Mag date tayo", Pumayag din ako sa gusto nya.
Ano ba ang ginagawa sa Date?
Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama, hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko ang ginagawa sa Date na iyan. Unang beses ko palang ito na mararanasan kaya wala akong kaalam alam sa mga ginagawa nila.
Mag uusap lang naman siguro kami diba? O baka naman may iba pang ginagawa? Pati ba naman itong Date na ito guguluhin pa utak ko?
Hays. Siguro mag tanong kaya ako? Kanino naman ako magtatanong ng ganitong kaaga? 5am palang, sino na ang gising nito?
Staka wala rin pala akong Load.
Bumangon na ako sa aking kama at pumasok sa Banyo para maligo, wala namang sinabi si Seb kung anong oras kami aalis, kaya mas maganda na maaga akong maliligo para mamaya aalis nalang kami. Anong oras ba kasi nag uumpisa ang Date? Baka mamaya ako ligo na tapos si Seb may muta pa, nakakahiya naman iyon, baka isipin nun masyado akong Excited sa Date namin.
Hindi naman ako excited, masama nabang magising nang maaga at maligo ng maaga? Ahm.. ano lang.. nagagalak lang ako. Natutuwa, yun din.
Ano ba pwede kong isuot? Ano ba dapat suotin pag nakikipag Date?
Hays! Dapat talaga nag tatanong ako kay Jin ee. Jeans kaya? o Palda? Base sa napapanood ko, ang suot nila ay Dress. Kung tanungin ko kaya si Seb?
Sa tanan ng buhay ko, hindi ko naisip na pro-problemahin ko din ito. Hindi naman kasi problema ang kasuotan sa mundo namin, dito lang ata talaga.
Nakapalumbaba ako habang tinititigan yung mga damit ko sa kama, Dress na talaga ang susuotin ko, para mas sure na ako. Tinignan ko ang oras 6:53am na. Kanina pa pala ako nakatulala dito, may matatapos ako dito sa kakatulala ko.
Kinuha ko yung kulay puting Dress, Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, okey na siguro ito. Maglalakad lang naman kami..ata!
Nang matapos kong suotin ito ay umupo ako agad para mag ayos naman ng mukha.
"Red lipstick or Pink lisptick..?" Napanguso ako, sa huli pinili ako ang Lipgloss. Nagpahid din ako ng kanunting powder, maputi na ang muka ko kaya hindi ko na ito kinapalan.
Nang matapos akong mag ayos at napangiti ako sa itusra ko, ibang iba na talaga ako, sa dating ako. Feeling ko wala na ang dating Petunia na nakilala ko, yung wala pang alam sa mundo nila, pero ito ako ngayon, parang isa na ako sa kanila.
Sinuot ko ang Flat sandals ko at lumabas na ako ng Kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Seb sa sala na nakaupo at umiinom ng kape. Nanigas ako sa aking kinakatayuan.
Bakit nakapang bahay pa sya? 7:45am na, ako handang handa na tas sya naka upo pa, na parang wala kaming pupuntahan?
Baka niloloko lang ako nitong si Seb. Baka naman hindi talaga kami mag de-date. O baka naman mamaya pa talaga.
Jusko nakakahiya ang aga ko masyado.
Dahan dahan akong umatras, sinugurado ko na hindi nya ako mapapansin. Pero hindi sumasangayon sa akin ang tadhana, napatingin sya sa akin at naibuga nya yung iniinom nyang kape.

BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasiSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...