/Lander/
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mabalitaan namin na nandito na sa mundo namin yung hinayupak na Pavon chu chu na iyon. Hanggang ngayon ay kinakabahan parin si Petunia, pero patuloy parin namin syang tinuturuan na lumaban, buti nalang may alam kami sa pakikipag laban. May alam naman talaga kami sa mga ganung bagay, hindi rin naman kasi namin maiiwasan ang mapa away, lalo na ang gwa-gwapo naming lalaki, kaya maraming na iingit sa amin.
Simula ng dumating si Petunia Kaliskis e madalang nalang talaga kami mapaaway, paano ba naman kami pakikipag away e nandito lang naman kami palagi sa Condo ni Seb, sino naman susuntukin ko dito? Yung dingding? Salamin? Sofa? Ay pwede din si Ice o Ted.
Buti nga may natututunan samin si Petunia, Determindo talaga syang lumakas para mapagtanggol nya ang sarili nya at ang kanyang Ama. Handa naman talaga kaming tulunga sya, mas lalong handa si Seb sa amin, sandali nga lang namin natuturuan si Petunia, madalas talaga si Seb. Kaya ayun, laging namumula mukha ni Petunia.
Nakakatuwa nga na nagiging malapit na talaga sila sa isat isa, parang dati ang init ng dugo ni Seb sa kanya pero ngayon tignan mo nga naman, nainlove sya kay Petunia Hahahaha. Sarap nilang hampasin ng Buntot ng pagi, kainggit.
"Oy Pahinga muna kayo, naghihingalo na yang si Lansa" Tawag sa kanila ni Ted na may bitbit na pagkain.
Nandito kasi kami ngayon sa Rooftop ng building, mas maluwag dito at makakakilos kami ng maayos, kaysa sa loob ng condo ni Seb. Mabasag pa namin yung mga gamit nya.
"Hi-hindi pa ako pagod" Sabay punas ni Petunia ng pawis.
"Hindi halata" Jin.
"Kumain ka muna at pag pahinga" Tugon ni Seb sa kanya, nako dina tatanggi yan.
"Ahm.. sige, ikaw ba?" Diba sabi ko sa inyo e.
"Sabay na tayo" Nakatingin kami sa kanila. Kilig naman itong si Kaliskis.
"Sige" Hindi nya mapagilan ang pag ngiti nya, napatingin sa kanya si Seb kaya namula nanaman ang mukha nito. Napangiti si Seb sa nakita nya.
"WALANG FOREVER!" Sigaw ni Ted.
"Inggit ka nanaman" Panunukso ni Gello.
Nagpahinga ng isang oras sila Petunia at Seb, kanina pa kasi sila nag sasanay. Hindi naman ganun kahirap turuan si Kaliskis sa pakikipag laban, Mabilis syang matuto. Nalaman din namin na matagal na pala na wala ang Magic nya, kinain din pala ito nung mahiwagang tubig na sinasabi nya maiibabalik lang daw ito pag bumalik na yung Tail nya.
Sayang malaking tulong na sana yung Magic nya para makipag basagan ng bungo kay - este tinik kay Pavon chu chu na iyon. Paano kaya pag ininom ko yung mahiwagang tubig na iyon, magkakaron din kaya ako ng buntot? kasi paa na yung na sa akin. Ang hot ko siguro pag may Mermaid Tail ako.
Asa.
"Mas madali pala talaga yung pakikipag laban sa mundo namin." Kumento ni Petunia habang umiinom ng tubig.
"May Magic kasi kayo" Sabi ni Jin.
"Sabagay, pero mas nakakapagod yung sa inyo, kami madalang lang namin gamitin ang kamay sa pakikipag laban. Madalas naming gamitin ang Mahika at Buntot namin"
"Wala naman kasi kaming Mahika eklabu na iyan at mas lalong wala kaming Buntot. Sige next time pag may kaaway kami hihiramin namin buntot mo at ihahampas namin sa pag mumuka nila" Ice.
"Try nyo sabay nyong ipang hampas yung Paa nyo Hahahha" Saad ni Ted.
"Alam mo Petunia, aanhin mo yang Magic na iyan kung kulang parin yung lakas mo. May mahika ka nga pero yung lakas mo sa pakikipag laban gamit lang yung sarili mong katawan e walang wala, wala rin silbi yung Mahika na iyan. Kaylangan pantay silang dalawa" Pangangaral ni Sir Gello.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasíaSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...