--
Wala ngayon si Seb hindi ko alam kung saan sya pumunta, wala rin naman kasi syang sinabi sa akin o sa amin. Basta ang sinabi lang nya 'aalis ako, baka mamayang gabi na ako makauwi' ayun tas sinulyapan lang ako. Tss saan naman kaya sya pupunta? Baka naman may bibilin lang sya? Malay natin hindi ba?
Nitong mga nakaraan araw napapadalas na ang pag alis ni Seb, gusto kong malaman kung saan sya pumupunta, nahihiya naman akong mag tanong sa kanya, baka kung ano pa isipin nun. Pero madalas gabi na sya umuuwi, ang sabi sa akin ni Jin baka sa Bar daw ito pumupunta. Hindi ko naman alam kung ano yung Bar na iyon, magulo raw duon at maraming tao.
Nung wala daw ako, madalas na talaga si Seb sa Bar, pero nung dumating na raw ako, hindi na nila ito nakikita pang pumupunta doon. Ngayon na lang daw uli ito umulit. Ano ba kasing meron sa Bar na iyon? Ano ang mga ginagawa doon o ano ang mga makikita ko doon pag pumunta ako?
Anong ginagawa ni Seb doon bakit madalas sya sa Bar? Marami bang babae doon? Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko, pero ni isa wala akong masagot. Hindi talaga ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman ang sagot sa mga tanong ko. Gusto kong pumunta sa Bar para makita ko kung ano meron sa lugar na iyon, gusto kong makita kung ano ginagawa ni Seb.
"Napapadalas na ata ang pag iisip mo ah?" Tumabi sa akin si Jin, sya lang ang kasama ko ngayon. May sariling ginagawa yung iba kaya hindi sila nakapunta dito.
"Ah! Marami lang talagang gumugulo sa utak ko"
"Tulad ng?" Kinuha nya yung tubig sa harapan nya at ininom ito.
"Ahm... pwede ba tayong pumunta ng Bar?" Nagulat sya sa sinabi ko, tinitigan nya ako na parang sinasabing -Seryoso -ka? "Jin.. sige na, kung nasaan si Seb" Binaba nya yung baso na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Nako! Baka mapano kapa, pagalitan pa ako ni Seb"
"Hindi yan, basta wag tayong mag pakita sa kanya" Hinawakan ko sya sa balikat at niyuyog. "Sige na Jin!"
"Pano pag nakita nya tayo? Siguradong patay ako sa kanya" Inalis nya yung kamay ko.
"Hindi nya tayo makikita.." Paninigurado ko sa kanya.
"At pano mo naman na sabi?" Ngumiti ako ng nakakaloko, sa tagal ko ba naman nakasama si Ted imposibleng hindi ko makuha ang mga kalokohan nya.
"Mukhang kalokohan yang nasa isip mo? Babayagan ko talaga si Ted" Pagkalokohan talaga si Ted ang unang pumapasok sa utak namin.
-
"Pano pumasok sa utak mo ang bagay na ito?" Manghang manghang tanong sakin ni Jin.
"Napanood ko sa Tv nung isang araw hahaha"
"Kaylangan na pala naming mag ingat sa mga sasabihin o gagawin namin, baka gayahin mo lang" Inayos nya yung dress sa katawan nya.
"Ganda mo hahaha" Tawang tawa ako sa itsura nya.
"Pasalamat ka gusto kitang tulungan. Ikaw lang ang nakapag suot sakin ng Dress.. pero ilayo mo sa akin ang Heels na iyan" Sabay turo nya sa gilid kung nasan ang mga Heels.
"Sayang naman kung hindi natin gagamitin, bigay sa akin lahat ni Ice at Lander yan"
"Mga manyak kasi yung mag iyon. kaya sila bumibili ng mga Damit at heels na ganyan gusto nilang makuta yang katawa mo" Umupo sya at nag suot ng Sandal na walang heels.
"Please lang paki layo yang Make up, nanginginig ako sa kanya" Inilayo ko agad sa kanya yung Make up na binigay sakin ni Lander, baka kasi ibato nya sayang.
Nakasuot sya ng Black dress na hapit na hapit sa katawan nya, kaya kitang kita ang hubog nito. Unang beses ko lang syang makita ganito kaylangan ko ng alaala, Pasimple kong nilabas yung Cellphone na binigay sakin ni Seb at agad na kinuhanan ng litrato si Jin. Kinagat ko ang aking labi para pigilan sa pagtawa.
Inayos ko naman ang kulay pulang dress ko na hapit din sa katawan ko. Sinuot ko ang Sandal na hindi namna kataasan ang takong nito.
"Wow! pwedeng manligaw?" Pagbibiro ni Jin.
"Baliw"
"Wait! Lagyan kita ng Lips tick.." Hinila nya ako at may nilagay sa labi ko. "..Yan perfect, ang ganda mo para kang Dyosa" Namula ako sa sinabi nya.
Sumakay kami sa Kotse na dala nya, kinakabahan ako sa aming pupuntahana. Sana naman hindi kami mapahamak doon.
"Kalma.."
Kinalma ko ang aking sarili. Makikita ko si Seb pero hindi nya ako makikita. Napanood ko naman sa Tv kung pano sila mag tago, magiging madali nalang ito sakin, kasama ko naman si Jin at mag tutulunga kaming dalawa.
"Nandito na tayo"
Parang bomba na sumabog ang puso ko, tumanaw ako sa labas, iba't iabg kulay ang nakikita ko. Maraming babae akong nakita na kaparehas din naming naka Dress, marami ring lalaki ang nandito. Bumaba na kami ni Jin pagtapos nyang pumarada.
"Huminga ka Petunia.." Hinawakan ni Jin ang kamay ko at sabay kaming nag lakad.
Hindi pa kami nakaka dami ng lakad, may mga lalaki na napapatingin sa amin. Kumapit ako kay Jin dahil sa takot, bakit ba sila ganya makatingin?
"Wag kang matakot, maganda ka lang talaga kaya napapatingin sila sayo hahaha" Kinurot ko sya sa kamay.
"Hi miss" Napatalon ako sa gulat ng may lumapit sa aming Tatlong lalaki. Hindi naman maipagkakaila na Gwapo ang mga ito, pero si Seb parin ang nangunguna.
"He-hello" Nanginginig ang kamay ko kaya humigpit pag kakahawak sakin ni Jin.
"Ano pangalan nyo?" Nakangiting sbai nung isa. Mukha naman silang hindi gagawa ng masama.
"Jin at sya si Petunia" Si Jin ang sumagot.
"Nice Name.. by the way ako si Zieke" Pakilala nya. Nakipag kamay ito sa amin.
"Charlie here"
"Daniaall" Sinamahan nila kaming pumasok sa loob ng Bar.
Mas lalo akong napakapit kay Jin ng makita ko ang dami ng tao dito sa loob. Malakas ng tugtug ang mausok pa dito. Ito pala ang Bar na pinupuntahan ni Seb, pano sya nakakatagal sa lugar na ito?
"Sino ba hinahanap nyo?" Tanong ni Charlie.
"Dapat tinext o tawagan nyo nalang sya, baka mapano pa kayo dito" Zieke.
"Marami pa namang gago sa mga ganitong lugar" Dugtong ni Daniaall.
Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi nila, si Jin ang ang kausap nila at mukhang nagkakatuwaan pa. Nilibot ko ang mata ko sa lugar, sa dami ng tao mahihirapan akong mahanap si Seb dito. Basta naka White vneck shirt sya, ayun lang ang natatandaan ko.

BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...