(A/N:) Hi guys pasensya na kung ngayon lang ako nakapag update, na sira kasi yung charger ng laptop kaya ayun, lam na. Hahha. Short update muna ngayon papalawakin ko lang yung utak ko.
Salamat sa mga naghintay nito. All the love mga pre.
Jusko wala na akong takas nito, bakit ba kasi ang aga aga kong bumangon? Ang ibig kong sabihin, bakit ba kasi ang aga kong gumayak? Nag mumukha tuloy akong excited sa Date na ito. Nako pano na ito? ano sasabihin ko sa kanya? Anong magandang palusot? o Dahilan?
Hindi pa naman ako masyadong naturuan gumawa ng dahilan, dapat kasi nung bata palang ako tinuruan na ako ng Ama na magsinungaling.
Minsan talaga ang pagsisinungaling ay kakaylanganin mo rin sa oras nato.
Ano kayang magandang dahilan?
'Oy seb, ang aga mo atang magising? pupunta kasi akong kusina balak kong magluto he.he.he'
Mukhang pangit, magtataka yun, hindi naman kasi ako marunong magluto ng pang tao. Ano nalang sasabihin nya.
'Wow! magluluto ka nalang naka dress kapa. Nice nice, at ano naman iluluto mo? Sarili mo?'
Ay! nakakatakot, parang si Ted lang yung kausap ko. Hindi ko pwedeng gamitin yung palusot na yun. Madali nya akong mabubuking.
"What the pinipig! San punta mo?" Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Seb.
Hala jusko po!
"Ahm..e..i..o..u, hehe b-bagong bili ni Jin sakin, sinukat ko lang k-kung bagay! ayos lang ba?" Tinitigan ako ni Seb mula ulo hanggang paa, nakakunot ang noo nya na mukhang hini naniniwala sa sinabi ko.
"Nang ganto kaaga?" Ngumisi sya sakin. Mukhang nakakahalata na sya ah. Sana hindi naman.
"Ahm oo ganto kaaga, nakakatamad na kasi pa-pag mamaya pa." Umiwas ako ng tingin sa kanya, tumingin ako sa taas at pumito.
"Hahahah okey sabi mo..." Tatalikod na sana ako ng tawagin nya ako uli. "Oh upo ka muna dito, kumain muna tayo bago ka magpalit hahaha"
Bakit bato tawa ng tawa, May nakakatawa ba sa itsura ko ngayon? Ay oo nakakatawa pala talaga ako ngayon. Hays.
Pero ang gwapo nya talaga pag bagong gising. hihihi.
Dahan dahan akong lumapit sa upuan kung saan sya naroroon. Ngiting ngiti parin sya sa akin.
Sa totoo lang kinikilabutan ako sa ngiti nya, alam naman natin na hindi pala ngiti itong si Seb. Diba nga buhat nya ang mundo, dilang ang mundo pati ang Buwan at Araw, oo pati araw buhat nya, kaya nga pinag papawisan na ako dahil ang Hot nya sa suot nyang boxer at sandong puti na hapit na hapit sa katawan nya.
Jusko maraming salamat sa masarap na almusal. Amen.
"Kala ko kaya ka na ka ganyan dahil excited ka sa date natin haha"
Nahulog ako sa upuan dahil sa sinabi nya.
"Luh! Assuming mo naman hahahahahaha" Tumawa ako ng malakas kahit pilit lang.
Oy Petunia wag kang mag pahalata sa kanya. Wag kang lumandi, ayt! ang dami ko ng natututunan kay Ted at Lander.
"Wow! Spell Assuming?"
"Ha-ha-ha..." Napahinto ako sa pagtawa.
Ay hindi pala naturo sakin yung spell nun. Luh paktay ako nito.
"Luh Pilingero nalang para mas madali hehe." Nag peace sign ako sa kanya.
"Tama na nga yan, oh kumain ka nalang muna. Maliligo lang ako mukhang excited a excited ka na talaga sa Date nating dalawa" Tumayo sya. Kakaupo ko palang aalis ka agad?
"Gago!" Napahinto sya sa paglalakad.
"Anong sabi mo?" Gulat na gulat nyang tanong. Bakit may mali ba sa sinabi ko?
"Gago?"
"Sino nagturo nyan sayo?"
"Si Ted"
"Tatanggalan ko talaga ng itlog yung gago nayun.." bulong nya. "Wag mo na ulit sasabiin yan"
"Bakit?"
Napakamot sya sa ulo nya "Masama kasi"
Nabiktima nanaman ako ni Ted Gang. Dapat talaga hindi na ako naniniwala sa kanya. Kala ko nagbago na sya kahit papano.
Sabi nya kasi ang ibig sabihin nun. 'Good luck' sa tagalog 'gago'.
"Sige po"
Sinundan ko sya ng tingin hanggang na kapasok na sya sa kwarto nya.
Napayuko ako at huminga ng malalim. Nakatakas din sa kaba, parang bibitayin ako kanina. Kung pwede lang magpalamon sa lupa nag palamon na ako agad agad.
Buti nalang ang Hot nya sa suot nya.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...