Gusto ko lang magpasalamat sa sumagot sa tanong ko kahapon, malaking tulong po sakin yung mga sinabi nyo. Kilala ko na kayo at hindi ko kayo kakalimutan. Ito na po ang Chapter na ginawa ko lang ngayon hahahaha. Sana magusuhan nyo.
Please Votes and Comments po. All the love.
/PETUNIA/
Sandali lang kami na natili sa Resort na iyun, bawal daw kasi kaming mag tagal ang sabi ni Seb, ayun daw kasi ang sabi sa kanya nila Gello, na kaylangan ay umuwi agad at wag ng magtagal pa ruon.
Gusto ko pa sanang manatili kaso alam ko naman na ako lang ang inaalala nila, na baka may mangyari saking hindi maganda. Ayoko naman silang pag alalahanin ng dahil sakin , kaya pumayag na din ako.
Kahit papano e naging masaya ako, kahit papano ay guminhawa ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko din lahat ng problemang dinadala ko.
"Matulog ka muna, gigisingin na lang kita pag malapit na tayo" Sabi sa akin ni Seb, na nakatuon ang mata sa daan.
Tumango ako sa kanya.
Tumingin muna ako sa bintana, napangiti ako sa ganda nang tanawin sa labas. Kitang kita ko ang papalubog na araw sa karagatan. Napakaganda nito, napaka payapang pag masdan.
Napaka sayang mamuhay dito sa mundo nang mga Tao, ang gaganda nang mga tanawin na hindi mo makikita sa ilalim ng karagatan. Ang mga kakaibang bagay na ngayon ko lamang nakita o nahawakan. Para syang isang paraiso- ay hindi, isa talaga syang paraiso para sa akin.
Masyadong na bulag ang mga kalahi ko sa mga kwento tungkol sa mga tao. Inaamin ko na natakot din ako sa kanila nang sobra, bata palang ako ay namulat na ako sa mga masasamang gawa nila saming mga Sirena't o mga Isda. Lagi nilang sinasabi samin na ang mundo nang mga tao ay isang Impyerno, kung saan makakadanas ka nang sakit, hinagpis, kutya na mag mumula sa kanila.
Hindi ko inakalang na ganto pala talaga sa mundo nila. Oo nag kamali ako-kami na husgahan sila agad. Tama naman sila, na hindi lahat ng tao ay masasama, may mga mabubuti parin naman na nagkalat sa paligid na handa kang tulungan sa oras ng pangangaylangan mo.
Ipapangako ko sa sarili ko, na sa panahong makabalik na ako sa mundo namin, sasabihin ko sa kanila kung gaano kaganda sa mundo nang mga tao, na hindi lahat ay sasaktan kami. Para maranasan nila lahat ng naranasan kong saya. Para mabura sa kanilang isipan ang mga pangit na tingin nila sa tao.
Gabing gabi na kami nakarating ni Seb sa kanyang Condo. Nakaramdam ako agad ng pagod, pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Dumiretyo na din ako sa aking kwrto para mag pahinga. Hindi na rin ako nakapag Good night kay Seb dahil antok na antok na talaga ako.
Naalimpungatan ako ng madaling araw, kinusot ko ang aking mata at tumingin sa paligid, may nararamdaman akong kakaiba sa kwarto ko ngayon, tila may nakatingin o nagmamasid sa aking pag tulog. Madilim, madilim ang buong kwarto ko kaya hindi ko maaninag kung may tao ba dito.
Mahihiga na sana ako uli nang may gumalaw sa gilid, kung na saan ang kabinet. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Sino iyun?
Napalingon naman ako sa kabila nang may gumalaw din doon. Napahawak ako nang mahigpit sa kumoy na nakabalot sa aking katawan.
"Naistorbo ba namin ang mahimbing mong tulog? Prinsesa?" Isang anino ang lumabas sa gilid ng aking kabinet.
"S-sino ka?" Nauutak kong tanong.
Biglang bumukas ang ilaw ng aking kwarto. Tatlong tao ang nakita ko, Dalawang babae at isang lalaki. Nanlaki ang aking mga mata, sino ang mga ito? At paano sila nakapasok dito?
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...