--
Bakit kaya nagkakaganun si Seb? May dinaramdam ba syang problema ngayon? Parang wala naman, kasi panay na ang ngiti nya sa akin, Kinikilabutan nga ako sa mga kinikilos nya parang may gagawing hindi maganda, o hindi lang talaga ako sanay sa ganung Seb? Mas sanay kasi ako sa laging galit, mag kasalubong ang kilay at masungit.
Ano kaya ang dahilan bakit minsan e kinakausap na nya ako at nginingitian? Pag kasama naman namin sila Jin ay nagbabago yung ugali nya, babalik sya sa Seb nung una kong nakilala. Pero minsan lang naman iyong pag ngiti nya, madalas parin yung kasungitan nya. Simula ata ng isinilang sya sa mundong ito ay ganun na ang ugali nya.
Bilib din ako kila Ted dahil natatagalan nila yung ganung ugali ni Seb, ako nga nung una palang gusto ko ng mag palamon sa lupa ma wala lang sa harap nya dahil sa sama ng tingin nya. Kaya dinadaan ko na lang sa pagyuko yuko ko, maiwas sa sa mata nya. Pero sino ba naman ako? Babae din ako, natutulala rin sa makisig at gwapong lalaki, kakaiba talaga kasi ng mata ni Seb pag tititigan mo, parang hinihigop ka nito. Buti na lang hindi ako nahigop ng tuluyan.
"Tulala tayo?" Tumabi sakin si Ted.
Diba nga kasi nilayasan ako ni Seb, nagalit ata dahil hindi ko na intindihan yung sinabi nya. Kasalanan ko ba iyon kung hindi pa natuturo ng tuluyan ni Ted yung salitang English na iyon. Mas marami pa kasi ang asaran naming dalawa kaysa sa natututunan ko sa kanya.
"May iniisip lang ako" Tumingin ako sa aking paa.
"Luh! wag mo akong isipn ah" Sinamaan ko sya ng tingin kaya ngumiti ito sa akin. "Biro lang.. o ano o sino ba ang iniisip mo?"
"Ahm.... yung buntot ko" Ayaw ko naman sabihin sa kanya na 'Iniisip ko si Seb.' baka kung ano nalang ang isipin nito, may pagka malikot din kasi ang utak ni Ted.
"Yung buntot mo, buntot parin naman"
"Namimiss ko kasing magkaroon ng buntot" Totoo naman ito. Gustong gusto ko na talaga syang bumalik sa akin.
"Ano bang itsura mo pag may buntot ka?" Nakahawak sya sa kanyang baba at nagiisip.
Ginanahan ako sa kanyang tanong, sa totoo lang ang laki ng pinag bago ko simula ng pamunta ako dito sa mundo nila, Siguro ganun talaga, dahil sa ininom ko kaya din sila nawala, buti na lang ang paghinga ko sa ilalim ng tubig ay hindi, staka yung mahika ko..pero minsan hindi ko na sya maramdaman parang unti - unti rin itong kinakain.
Nung nasa bathtab kasi ako nung nakaraan, ayun nga hindi ako nakatulog dahil nga sa masamang panaginip, nilalaro ko yung tubig, pinapalutang ko sya, nagtataka nga ako ng bigla bigla nalang ito babagsak kahit tama naman ang ginagawa ko, ilang beses kong sinubukan ganun parin ang nangyayari. Itinigil ko na rin sya dahil humihina ang katawan ko kahit nasa tubig naman ako. Kaya ang tanging naiisip ko lang na dahilan e baka unti unti rin itong nawawala sa akin, nung unang gamit ko kasi nun ay unang araw ko sa mundo nila.
"Hi.." Tumabi naman sa kabila ko si Jin, Napatalon naman ako sa gulat ng may tumalon sa tubig, si Lander at Ice. Pinunasan ko ang mukha ko ganun din si Ted at Jin dahil nabasa kami.
"Dun nga kayo!" Inis na sigaw ni Jin sa kanila.
"Hindi naman namin sinasadya" Sabi sa kanya ni Lander.
"Ano na nga yung Itsura mo nung may Buntot ka pa?" Tanong uli ni Ted, ngumiti ako at tumingin sa magandang paligid.
"Mahaba ang aking buhok na umaabot sa aking hita..." Napanganga naman silang dalawa, lumangoy si Ice at Lander palapit sa amin.
"Talaga? Ganung kahaba yung buhok ko?" Gulat na gulat na sabi ni Ted.
"Ano yun?" Singit ni Ice.
"Yung buhok daw nya nung may buntot pa sya hanggang hita" Nagulat din yung dalawa.
"Hindi ba uso sa inyo yung gunting?" Natawa ako sa tanong ni Ice.
"Panggupit na buhok? Meron kaming ganung bagay, iba nga lang ang itsura" Sabay sabay silang tumango.
"Ano pa?" Ted.
"Ang mahaba kong buhok ay kulay ginto katulad ng kulay ng aking buntot. Ang aking balat ay kumikinang, ang kulay naman ng aking mga mata ay kulay langit katulad sa aking Ina..."
Parang isang kristal ang pagkislap ng mga mata nila, parang namamangha sila sa kanilag narinig. Ibang iba kasi ako ngayon. Aking buhok ay naging kulay itim na hanggang ilalim ng aking balikat, ang mata ko naman ay naging kayumangi at ang makinang kong balat ay nawala.
"Siguro mas maganda ka pag ganun ang itsura mo?" Isip isip ni Lander, tumango naman ang tatlo kaya ngumiti ako.
"Maganda ka na nga ngayon, pag na kita ka naming ganun ang itsura mo, baka pagkamalan ka naming Diyosa" Nagapir si Jin at Ice.
"Nakakita na ba kayo ng Diyosa? Mas mamamangha kayo sa taglay nilang kagandahan." Nagulat sila sa akin.
Nakakita na kasi ang ng Diyosa. Diyosa ng karagatan ang aking na kita, ganun naman tagala dahil ako ng Prinsesa ng karagatan kaya nag papakita sya sa akin, kaso madalang lang naman iyon kadalasan sa panaginip nya ako kinakausap.
"Ma-may dyosa sa totoong buhay?" Mas dumoble ang gulat sa mukha nila. Tumango ako kaya napanganga sila.
"Diyosa ng karagatan ang nakikita ko palang"
"May Dyosa ang karagatan?" Tanong agad ni Lander. Tumango ako "Saan sya nakatira? para madalaw ko sya"
"Hindi ko alam..." Lumukot ang kanyag mukha. Wala naman talagang nakakaalam kung saan naninirahan ang mga Diyosa, basta basta nalang silang lalabas sa harap mo.
"Pangarap ko talagang makakita ng dyosa" Nakapikit si Ted at nakatingala.
"Pangit mo Ted, baka matakot lang sila sayo" Panira ni Jin sa kanya, kaya sinimangutan sya ni Ted.
"Lansa, marami pa ba kaming hindi alam na nalalaman mo sa mundo nato?" Makahulugang tanong ni Ice.
"May mga iba pa bang naninirahan sa mundo na ito bukod sa amin at sa inyong mga Sirena?" Dugtong ni Jin.
Nginitian ko silang Apat, marami pa nga silang hindi alam sa mundong ginagalawan nila, ang akala nila ay sila lang ang naninirahan sa mundong ito. Nagkakamali sila, lahat ng hindi nila inaasahan ang nakakasama nila sa mundong to.

BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...