Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang nanirahan ako dito sa mundo ng may dalawang paa. Noong simula naninibago pa ako at nangangapa. Habang tumatagal, may nalalaman na rin naman ako tungkol sa mundo nila. Marami akong natutunan na mga bagay-bagay, hindi lang sa loob pati narin sa labas.
Si Jin at Ice ang nag turo sa akin. Lahat ng gamit dito sa bahay o condo ang tawag nila dito, ay itninuro nila kung ano ito at paano ito gamitin. No'ng una natatakot akong hawakan baka kasi nananakit rin ito katulad na lang no'ng shampoo nila. Laking pasasalamat ko kalahati sa mga itinuro ni lang bagay ay hindi nananakit.
Pero ang pinaka nagustuhan ko iyong cellphone na ginagamit nila—ginagamit daw ito pang komunikasyon sa isa't isa. O kung malayo iyong isang tao sayo, pwede mo raw ito gamitin para makapag usap o mag palitan ng mensahe. Samin kasi walang gano'n. Ang tanging ginagamit namin pang komunikasyon ay liham, ipinapadala namin ito gamit ang mga kawal, kung importante ang nilalaman ng liham. Kung hindi naman ito gano'n ka importante ay puwede namin itong iutos na lang sa mga isda.
"Bilis Ted, punta kang kusina tas tatawagan kita," sabi ni Jin kay Ted.
Napanguso si Ted dito.
"Bakit ako? Gusto ko ngang makita reaction ni Petun." Napasimangot ako ng tawagin na naman niya akong Petun. Ang ikli na nga lang ng pangalan ko hindi pa nya mabuo.
"Bilis na, ang dami mo pang arte!" Tinulak siya ni Jin at Lander papasok ng kusina. Labag man sa loob ni Ted ay sumunod na lang din siya.
May inilabas si Jin mula sa bulsa nito na manipis na may pagka matabang bagay, ganoon din ang ginawa ni Ice. Malaki ang ngiti sa labi nila habang may kung ano si lang ginagawa dito. Nag-tataka ako kung ano ang bagay na iyon. Na kikita ko din ito minsan kay Seb, madalas itong nakadikit sa tenga niya at nagsasalita ito mag-isa, akala ko nga ay ako ang kinakausap niya, pero hindi naman. Itinapat ni Ice sa harapan ko ang bagay na iyon. Kinuha ko ito sa kamay ni Ice at tinignan ito ng mabuti. Kulay puti ito at makinis, matigas din ito at madulas. Tinignan ko naman ang hawak ni Jin, itim naman ang sa kanya.
Kinuha uli ni Ice sa kamay ko ang iniabot niya.
"Naka on naba 'yong video?" tanong ni Jin kay Ice.
"Yes!" nagagalak na sagot niya.
Hindi ko maintindihan ang ginagawa ni lang dalawa. Naguguluhan ako sa kinikilos at tawanan ni lang dalawa.
Lumapit sa akin si Jin, habang nasa harap ko si Ice , hawak nito ang piting bagay at nakatapat ito sa akin.
"Okey tatawagan ko na si Ted, hahaha!" Ani ni Jin.
May pinindot ito doon, humarap si Jin sa akin at idinikit niya ito sa aking tenga, nagulat ako at medyo na paatras. Na takot din ako baka saktan ako nito.
"Hindi nananakit ito." Hinawakan ako ni Jin sa braso para lumapit sa kanya ng kaunti. Inilapit niya muli ang itim na bagay sa aking tenga.
'Hello Petun!" sigaw ng bagay.
Agad ko itong inilayo sa akin, nag tawanan naman ang dalawa kong kasama. Bakit nag salita ito? Bakit niya ako kilala. Pero pamilyar ang boses nito sa akin, at tinawag ako nitong Petun, iisa lang ang mahilig tumawag sa akin nang ganoon. Si Ted!
"Si Ted ba iyon?" tanong ko kay Jin, sabay turo sa bagay na hawak niya. Tumango ito sa akin.
"Kausapin mo siya, bilis!" utos ni Lander sa akin.
Inilapit ko agad ito sa akinh tenga.
"Hello? Hello?"
"P-paano ka nakapasok dito?" natatakot kong tanong.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...