Nakakainip din pala dito sa condo ni Seb, wala akong magawa. Hindi kasi makakapunta ngayon sila Jin dito, wala tuloy 'yong mga magugulo at maiingay na tao, sila lang naman kasi ang nakak-usap ko dito, sila lang din ang nakakalaro ko. Wala namang sinabi sa akin si Seb kung bakit hindi sila makakabisita sa akin. Basta ang sabi lang sa akin nito,'Hoy isda, hindi sila makakapunta ngayon'. Kainis! Sinong tinatawag niyang isda! Kalahating isda lang ako, at mukha ba akong isda sa paningin niya? Hindi ba niya nakikita, may paa ako at walang buntot, parehas kami ng uri ngayon. Buti pa si Ted ay Petun ang tawag sakin-ay tinatawag din pala ako ng Lansa no'n.
Hindi ko alam sa mga ito, may pangalan naman ako na ibinigay sa kanila. Bakit kung ano-ano ang tinatawag nila sa akin. Ang ganda kaya ng pangalan ko, ang Ina ko pa mismo ang nag-isip nito, ni wala akong kaparehas na pangalan sa mundo namin, iginagalang nila ito. Tapos pag dating dito tatawagin lang nila akong Isda at lansa. Napaka bastos!
Dahil wala naman akong gagawin ngayon ay nanatili na lang ako sa loob ng silid. Wala din naman akong alam na gagawin, kung nasa Sersunia ako ngayon at na sa aking silid ay pwede akong mag basa ng mga libro. Dito, wala, ni wala nga akong makitang libro sa silid na ito. Buong buhay ko na pananatili sa aking silid ay nag-babasa lang ako ng iba't ibang kwento, ang mga paborito kong basahin ay ang mga kwento mula sa mga manglalakbay. Marami akong natututunan dito, katulad ng mga tradisyon sa iba't-ibang mundo, sa mundo ng mga may mahika. Gusto ko din magbasa ng libro mula dito sa mundo ng mga tao.
Nakahiga ako ngayon sa malambot na kama, minsan ko lang ito gamitin, mas madalas kasi ako sa bathtah na tutulog-bathtab pala ang tawag doon, ang buong akala ko ay maliit na dagat, sa bathtab mas komportable ako at mas sanay. Maayos din naman matulog dito dahil napaka lambot nito, pero hinahanap hanap ng katawan ko ang tubig. Sa mundo namin ang aking hinihigaan ay malambot din, nakahiga ako sa malambot na bula at sa loob ng bula ay bulak, nag mula pa ito sa mundo ng Atarus, ibinili sa akin ni Ama ng pumunta siya doon para sa isang pagtitipon ng mga Maharlika.
Gusto ko ngang sabihin kay Seb na ibili niya ako ng mas malaki pang ganito, para hindi nananakit ang katawan ko. O kaya ay ipasok ang kalahati nito sa loob ng bathtub para lumambot naman ang inihigaan ko, sayang naman kasi kung hindi masyadong magagamit. Meron kaya silang malaking lagayan ng tubig? Sana meron para pwede akong lumangoy.
Nakakamiss din pala na lumangoy, minsan ay nananaginip ako na lumalangoy ako sa karagatan, parang totoo, kasama kong lumangoy sila Jin at masaya kaming naglalaro sa dagat. Pero pag mulat ng mata ko ay nasa bathtab lang ako. Kailan ko kaya uli masisilayan ang dagat?
Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok dito, bumangob ako sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama.
Baka si Seb iyon, kami lang naman ang tao dito. Anong meron ay kumakatok siya sa silid ko? Nag bago ba ang isip nila Jin at pupunta na sila dito?
"Isda! Lumabas ka dyan," sigaw nito mula sa pinto. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto.
Sa lubong ang dalawang kilay nito."Bakit? Ano ang iyong kailangan?" Hindi ba siya napapagod na laging ganyan ang tingin sa akin? Ngumuso ako dito dahil naiinis ako sa kanya.
"Wag mo akong ngusuan dyan, nag mukha kang suso," pagsusungit nito.
Inayos ko agad ang aking mukha. Mapanglait din ang isang ito, pero mas malala siya manglait kaysa kay Ted. Ngumuso lang suso agad. Tuwing ginagawa ko iyon sa harap ni Ama ay natutuwa siya dahil ang kyut ko daw.
"Ano bang kailangan mo? Nanlalait ka lang ata."
"Lalabas tayo, ipapasyal kita para naman maarawan ka," agad din niya akong tinalikuran at dumiretyo sa sala ito. Lumabas ako ng kwarto para sundan siya.
"Bakit kailangan pa akong maarawan?"
"Gagawin kitang daing, bilisan mo", sigaw nito.
Mabilis naman akong lumapit sa kanya at pumwesto sa likod nito.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasiaSi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...