Mermaid - 6

21.3K 1K 101
                                    

--

Napakaginhawa sa pakiramdam na wala na akong tinatagong sikreto sa kanila, parang na wala ang bigat na aking nararamdaman. May konting takot para sa aking mga kalahi, mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang saktan nila kaysa ang mga nasasakupan namin.

Hindi naging madali sa akin ang ganitong sitwasyon, ang pag amin ng katotohanan na ako'y isang Sirena. Ang pag amin na may naninirahan paring ibang uri ng nilalang sa mundong ito. Matagal ng wala sa kanilang isipan ang mga uri namin para sa kanila, kami'y pawang mga katang isip lamang. Ngayong alam na nila ang totoo,  ano kayang mangyayari sa amin?

Papatayin kaya kami? 

Patawad ama dahil hindi ko na na pangalagaan ang katotohanan sa mga uri natin. Wala na akong takas sa kanila, wala na akong pwede pang idahilan alam ko't malalaman at malalaman nila kung sino talaga ako. Patawad kung sinabi ko ang totoo, patawad dahil sinabi ko na nabubuhay parin ang mga kalahating Isda sa mundong ito.

"Nagsasabi kana ba talaga ng totoo?" Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Lander.

Bakit sila ganto? Sinabi mo na ang totoo sa kanila pero hindi parin sila naniniwala, ganito na ba kahirap paniwalaan ang mga Sirena't Sireno sa mundo nila?

"Sinabi ko na sa inyo ang totoong pagkatao ko, nasasainyo na lang ito kung paniniwalaan n'yo." Siguro'y mas maganda na ito na hindi nila paniwalaan ang mga sinabi ko? Ay bahala na talaga sila.

"Diba dapat hindi 'Pagkatao ko', dapat 'Pagkaisda ko' ang tama." pamimilosop na sabi ni Ted. Hinampas nang malakas ni Jin sa ulo si Ted, kaya napanguso ito. Ang sakit nun panigurado.

"Manahimik ka nga kung wala kang sasabihing hindi maganda," pagsusungit ni Jin kay Ted.

Pansin ko lang itong dalawang to hindi magkasundo sa isa't isa. Ano kayang meron sa kanila? Mag kaybigan naman sila pero ang init ng dugo ni lang dalawa. Mabait naman si Ted, ayon nga lang ay hirap itong mag seryoso, madalas pa itong magbiro—kaya lagi si lang nag-tatalo ni Jin.

"Matanda na ba si Haring Pavon na sinasabi mo?" tanong ni Ice.

"Matanda ito ng Apat na taon sa akin" tugon ko sa kanya.

Ang sabi sa akin ni Ama ay na paslang ang Ama ni Pavon sa hindi malamang dahilan, kumalat na lang daw ang balita na pinatay ito. Hindi mahanap kung sino ang may gawa nang pag paslang sa matandang Hari. Nag-paabot nalg tulong ang aking Ama sa kaharian nila para mahanap ang may gawa nang pagpatay dito, ngunit tinanggihan ito ni Pavon, na ikinalungkot ng aking Ama, dahil mabait na Hari ang Ama ni Pavon at malaki din ang naitulong nito sa aming Kaharian.

Mga panahong iyon ang aming kaharian ang pinaka-makapangyarihan sa karagatan—ang aking Ama ang makapangyarihan. Payapa ang karagatan, dahil sa magandang pagpapatakbo ng aking Ama. Ngunit nag-bago ang lahat ng maupo si Pavon bilang isang Hari, kapalit ng kanyang Ama na namayapa.

"Seryoso ka Ice? Pinaniniwalaan mo ang sinabi n'ya?" ngumisi si Seb sa kanya. Tinarayan lang siya ni Ice at tumingin uli sa 'kin.

"Kung sirena ka asan yong buntot mo? Saan mo tinago gusto kong makita bilis!" ngiting-ngiti si Ted habang sinasabi ito. Para siyang isang bata.

Hindi ba siya nakikinig sa akin? Sinabi ko na ngang may ininom ako kaya na wala ang aking buntot. Ay, nakalimutan ko na pumipikit-pikit pala ito habang nag-kwekwento ako.

"Anong akala mo sa buntot n'ya di tanggal at di suot?" singhal ni Gello sa kanya.

"Nang ininom ko ang mahiwagang tubig ay bigla na lang ito na wala." Tumango silang apat sa akin pwera kay Seb na masama parin ang tingin.

My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon