Mermaid - 37

13.5K 406 2
                                    


/PETUNIA/


Dalawang araw na ang nakalipas simula ng pumunta dito sa condo ni Seb ang tatlong studyante ng Atamiran, grabe ang kaba na namuo sa aking dibdib nang inaya nila akong sumama sa kanila, at duon manatili sa mundo nila. Akala ko mahihiwalay na ako sa aking mga kaybigan dito, buti nalang napakiusapan ko sila na hindi ako sasama sa kanila.


Hanggang ngayon ay hinihintay ko parin ang kanilang balita, naalala ko kahapon sila pumunta sa aming nasasakupan, sa Sersunia. Hindi ako mapakali kahapon, binalot nang takot ang buo kong katawan, hindi ko alam ang nangyayari o nagaganap doon, gusto ko sanang sabihin sa kanila na gusto kong sumama, kaso baka mas lalong lumala ang sitwasyon, kaya napag desisyonan ko nalang na wag sabihin ang nasaisip ko. At alam ko din naman na hindi sila papayag sa kailingan ko.


Nagaalala ako sa aking Ama at kay Majesta, nailigtas ba sila? ayos lang ba sila? hindi ba sila nasaktan? halos sumabog na ang utak ko kakaisip sa kanila. At hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakali kakaisip sa kanila, sana...sana nailigtas sila, sana ayos lang sila, sana hindi sila nasaktan.


Bakit ba kasi ng tagal nilang pumunta dito, hindi ba sila nagtagumpay na iligtas ang aking Ama at si Majesta? Hindi ba sila nagtagumpay na iligtas sa kapahamakan ang Sersunia? Gusto ko lang naman malaman kung ayos lang sila, marinig ko lang iyon ay makakahinga na ako ng maluwag.


Umupo ako sa aking kama at huminga ng malalim, humiga ako at tumingin sa kisame. Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok dito, panigurado si Seb ito.


"Bukas" Sabi ko, tumingin uli ako sa kisame.

"Hindi kapa ba nagugutom?" Hindi ko sya nilingon, ramdam ko sa boses nya ang pag aalala sakin.


Kahapon pa kasi akong hindi lumalabas ng Kwarto ko, dinadalan na lang nya ako ng pagkain dito. Baka kasi dumating sila Siana, kaya kaylangan nandito ako.


"Hindi pa naman"

"Are you sure? May problema ba?"

"Wala, ayos lang ako. Lalabas din ako maya maya" Nilingon ko sya at ngumiti. Tinitigan muna nya ako bago isara ang pintuan.

"Ang tagal naman" napahilamos ako sa aking mukha. Tumayo ako at pumunta sa bintana, binuksan ko ang kurtina at sumilip sa labas.


Papalubog na ang araw sa labas, marami rami parin ang tao sa kalsada. Siguro mga gabi uli sila pupunta dito? Kasi nung nakaraan, gabi din at wala masyadong katao tao nun sa labas.


Napag disesyunan ko na, lumabas muna ng kwarto para makakain. Naabutan ko si Seb na nanonood ng sa TV, napalingon sya sakin. Tumayo sya at lumapit sa kinaroroonan ko.


"Gutom kana?" Tanong nya agad. Tumango ako, sabay kaming pumunta sa kusina. kumuha sya ng pinggan at pinagsandukan ako ng pagkain, patago akong napangiti sa kanyang ginawa.

"Salamat" Sabi ko ng makaupo ako. Inilapag nya ito sa akig harap, nagsalin na din syang nang tubig. Napatitig ako sa kanyang mukha, habang inaasikaso nya ako.


Ang laki na talaga ng pinagbago ni Seb, masayang masaya ako sa mga pinapakita nya sakin. Para akong bata na kaylangang alagaan sa ginagawa nya.


"B-bakit? may dumi ba ako sa muka?" Nagulat ako kaya napaiwas na ako ng tingin sa kanya. Hinawakan ko na ang kutsara at tinidoro upang mag umpisa sa aking pagkain. Narinig ko pa syang tumawa bago lumayo.

"Sa-salamat uli" Bulong ko.

"Walang anuman, Prinsesa hahaha. Tawagin mo lang ako pag may kaylangan ka" Tumango ako. Umalis na sya at pumunta na sa Sala.

--


/Narrator/


Bumakat ang ugat sa ulo ni Pavon, napupuno ng galit ang kanyang dibdib, nagkalat ang mga bagay at mga basag na gamit sa paligid nya. Napasabunot sya sa kanyang ulo at hinarap sila Mil, Lite at Rog na kasalukuyan na nasa harap nya. Halata sa mga mukha ng tatlo ang takot.


"Pano nalaman nang mga Atarus na nasakop ko ang Sersunia?" tanong nito sa tatlo. Nagkatinginan sila Mil, Lite at Rog, nagpapakiramdaman kung sino sa kanila ang sasagot sa tanong ni pavon. "Sumagot kayo!" sigaw nya dito. Nagsitindig ang balahibo ng apat.


Nanginginig sa takot ang tatlong Sireno. "Sumagot kayo, kung ayaw nyong matulad sa isa nyong kasama na pinaslang ko." dugtong ni Pavon.

"A-ang sabi ho sakin ni O-o-za...ang nag sabi po sa mga Atarus ay s-si Tento po." hindi matignan ni Rog sa mga mata si Pavon, nakayuko lang silang tatlo.

"Punyeta! sino naman yang Tenton na iyan?" naglakad si Pavon palapit sa mga ito. At isa-isa silang tinignan.

"Si Tento p-po ang nakakita kay Prinsesa Petunia sa karagatan at na-nabanggit nya po ito kay Oza." paliwanag ni Rog.


Lumabas na naman sa bibig ni Pavon ang mga mura dahil sa sobrang inis sa mga nangyayari. Alam nya sa mga oras na iyon ay hinahanap na sya ng mga taga Atamiran para marusahan sa kanyang ginawa. Ngunit bago sya mahanap nito ay sisiguraduhin nyang nahanap na nya ang Prinsesa at papatayin nya ito.


"Hanapin nyo na ang Prinsesa, wag kayong babalik dito hanggat hindi nyo sya kasama. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"O-opo, Haring Pavon" sabay-sabay itong nagbigay galang kay Pavon bago mag si alalis.


Naglakad si Pavon papunta sa malaking bintana at tumingin sa labas, kinuha nya ang baso na may lamang alak at agad na nilagok ang laman nito. Dumiin ang pagkakahawak nya sa baso hanggang sa nabasag ito ng tuluyan.


"Ihanda mo na ang sarili mo Prinsesa, pag dumating ang oras na makita kita, sisiguraduhin kong hindi kana sisikatan pa ng araw"


Tinignan nya ang kanyang palad, dumagdag pa sa kanyang problema ang mahika nya. Nagulat na lang sya na hindi na nya ito nagagamit na tila bigla itong na wala. Hindi nya alam kung panong bigla na lang na wala ang kanyang Mahika, naguguluhan sya at sumasakit ang ulo nya sa mga problemang kinakaharap nya.


"Mga bwiset" bulong nito.

My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon