Hi Salamat sa pag VOTE and COMMENTS. Love youuu gusy. Hello puppet211 .
Don't forget to VOTE and COMMENT.
All the Love. T
--
/Ice/
Halos atakihin ako sa puso dito ngayon, kahit wala naman talaga akong sakit sa puso, aatakihin parin ako. Nakakaawa si Petunia sa kalagayan nya, namumutla at halatang natatakot sa kahihinatnan nya. Nang mahimatay si Petunia sinugod sya agad ni Seb sa hospital pero pinauwi din sya agad ng Doctor dahil maayos naman daw yung lagay nya, kaylangan lang ng pahinga.
Bilib din ako sa Pavon ek-ek na iyon, ganun na ba talaga sya ka patay na patay kay Petunia? Hinabol nya pa talaga hanggang dito sa mundo namin, kapal naman talaga ng muka ng Isda na iyun, pag nakita ko talaga sya ipapakaliskis ko sya sa mga tindera sa palengke. Baka nakakalimutan nya dayo lang sya dito sa mundo namin, mas malakas parin kami kaysa sa kanila, marunong lang silang huminga sa tubig pero hindi sila marunong tumakbo sa lupa ng may buntot. Wahahaha.
Hindi naman rin kasi ako magtataka, ang ganda ganda kaya ni Petunia, walang halong biro, sya ang pinaka magandang babae na nakita ko. Totoo pala yung mga pinapalabas sa TV noh? na magaganda ang Prinsesa ng mga Sirena. Swerte ko nga naman talaga, akalain mo iyon nakita ko na ang prisesa nila, Inggit nanaman kayo.
"Wag kang matakot sa kanila, kasama mo kami. Hindi ka namin papabayaan" Hawak hawak ni Seb ang kamay ni Petunia, tumingin sa kanya sa Petunia. Malungkot ang Mata nito, hindi ako sanay na nakikita ko syang ganya.
"Ma-mapapahamak l-lamang kayo.." Pinunasan nya agad ang luha na tutulo sa mata nya. Naaawa na talaga ako sa kanya.
"Kayang kaya namin sila. Staka hindi namin hahayaan na mapahamak ka" Singit ni Jin. Yabang talaga nitong Tiboom na ito. Kala mo naman laki ng muscle. Pwera biro malakas naman talaga yang si Jin, kahit babae yan e ang galing galing makipag suntukan.
Mahilig syang mambayag nang lalaki, once na nabayagan na nya yung kalaban nya at napayuko yung lalaki, sasapakin nya agad ito sa mukha hanggang sa mapatumba nya ito.
Wait.. may bayag pa yung Pavon na iyon?
"Sino sino ba naman ang magtutulungan? Kundi tayong magkakaybigan." Kumento ni Gello.
Kinagat ni Petunia ang kanyang labi. Sobra sobra ang takot nya sa Pavon na iyon. Hindi man namin alam lahat ng pinag daanan ni Petunia, ramdam namin ang paghihirap nya ngayon. Mahiwalay ka palang sa magulang mo mahirap na e.
"Tutulungan ka namin okey? Wag kanang matakot, kaylangan mong maging malakas para sa sarili mo at para sa Papa mo.." Sabay sabay kaming napatingin kay Ted.
Wow saan nya nahugot iyon? Kala ko puro kalokohan lang naman ng utak nitong gugong nato. Kahit pala papano may mapapala parin naman pala kami sa kanya. Balak ko pa naman itapon sya.
Na buhayan ang mata ni Petunia, siguro nagpagtanto din nya ang meaning nung sinabi ni Ted. Tama naman si Ted kahit papano.
"Tanggalin mo ang takot dyan sa dibdib mo, hindi ka nyan matutulungang lagpasan tong problema mo. Lakasan mo yang loob mo para pag nagkaharap kayo ng Pavon na iyan, kaya mo nang protektahan ang sarili mo at ang Ama mo.. Tutulungan ka namin Petunia" Napapalakpak kami kay Ted.
"Wow" Lander.
"Saan mo nakuha yun?" Jin.
"Napanood ko lang hehehe" Sabay kamot nito sa Ulo.
"Last mo nayan Ted, kinikilabutan na kami sayo" Sabi ko sa kanyan. Hindi ako sanay na seryoso sya, nakakatakot, hindi bagay sa kanya.
"Salamat sa inyo..maraming salamat" Napatingin kami kay Petunia.
"Wala iyun, basta pag may kaylangan ka nandito kami... Baka nakakalimutan ng Pavon na iyan na nandito sya sa mundo namin, Lima lang sila..yakang yaka yan" At pinatunog ko ang mga daliri ko sa kamay hanggang sa paa.
Wag nya kaming mamaliitin, wala akong pakelam kung gaano sya kalakas o hanggang saan ang kaya nyang gawin sa aminng lahat. Pag nahuli ko sya hindi na talaga ako magdadalawa o magtatatlong isip na prituhin sya.
Ano kayang masarap na luto para sa kanya? Pritong isda? Ginataang Isda? Ay bahala na nga.
"Tuturuan kita kung pano manuntok" Ted.
"Tuturuan mo syang sumuntok!!? Ni hindi ka nga marunong nun" Asik ni Jin sa kanya.
"Anong hindi, expert kaya ako dun"
"Ewan ko sa inyong dalawa. Kung mag tatalo lang kayo please lumayas kayo dito sa harap namin" Kumento ni Seb.
"Ewan ko din sayo, tapos na pag dra-drama natin, bakit hawak mo padin yang kamay ni Lansa" Hinila ni Ted ang kamay nya sa pagkakahawak kay Petunia, Napaiwas sila ng tingin sa isa't isa.
Sus ayaw pa kasing umamin, halatang halata na sila.
"Luh! Torpe pala si Seb! Hahahahaha" Panunukso ni Gello. Nagkantyawan na kami dito. Pulang pula na ang mukha ni Petunia, tumayo si Seb.
"Magluluto lang ako" Sabay labas nito ng silid ni Petunia.
"Ohhh Group Hug!" Sigaw ko. Nagyakapan kaming lahat.
Kahit anong mangyari, ililigtas namin si Petunia sa kamay ng Pavon na iyon. Hindi namin hahayaang mapahamak sya. Kahit ni Dulo ng buhok ni Petunia hindi namin papahawak sa Pavon ng ina na iyon.
Kakaltukan ko sya makita nya.
/PETUNIA/
Hindi ko akalain na mahahanap ako ni Pavon dito sa mundo ng may Dalawang paa, akala ko tuluyan na akong nakatakas sa kapahamakan sa kanya, hindi papala. Nakalimutan ko kung gano ka sabik si Pavon na kitilan ako ng buhay, gagawin nya talaga ang lahat para sa ikakasiya nya.
Natatakot ako.
Anong gagawin ko pag nahanap na nya kung nasaan ako? Sawang sawa na akong tumakbo o lumayo. Pagod na pagod na ako.
Tama ang sinabi ni Ted sa akin, walang maitutulong sakin ang takot na nararamdaman ko, dapat maging malakas ako at palaban sa bawat oras. Balang araw tatayo rin ako sa sarili kong paa- ang ibig kong sabihin, buntot. Balang araw lalangoy rin ako sa sarili kong buntot, hindi araw araw nandyan sila para tulongan ako, dadating din yung panahon na iiwan ko narin sila. Kaya kaylangan maging malakas ako para sa sarili ko at para sa Mahal kong Ama.
Ama..
Ang Ama ko! kamusta na sya? Imposibleng makatuntong si Pavon dito na hindi dumadaan sa aking Ama, hindi hahayaan ng aking Ama na matunton ako nito. Ano nang nagyari sa Ama ko. Jusko po sana nasa maayos na kalagayan sya, sana hindi sya sinaktan ni Pavon.
Hindi ko hahayaang saktan nya ang aking Ama. Ang Ama ko nalang ang natitira sa akin, hindi ko kaya na pati sya ay mawawala.
Si Majesta? Maayos rin kaya sya? Hindi makakapunta dito sa Pavon kung hindi rin nya ito binigyan ng Mahiwagang tubig. Alam kong hindi kami ilalaglag ni Majesta, paniguradong pinilit at sinaktan nya si Majesta.
Sumusobra ka ng Pavon, hindi na kita hahayaan na may masaktan pang iba sa gagawin mo. Ako na mismo ang makakalaban mo.
BINABASA MO ANG
My Little Mermaid
FantasySi Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapangyarihang si Haring Pavon, tinanggihan ni Prinsesa Petunia ang pag ibig nito sa kanya, kaya na puno...