Mermaid - 19

18.3K 646 9
                                        


Hindi sila makapaniwala sa kanilang mga narinig mula sa akin, kinikilabutan daw sila at tumataas ang balahibo tuwing iniisip nila ang aking mga sinabi. Hindi ko naman sila pinilit na k-ikwe-kwento ko sa kania, sila ang pumilit na sabihin ko kaya iyan kung ano ano na ang pumapasok sa kanilang isipan.

Natatawa ako sa kanilang mga mukha, natatawa rin ako sa kanilang mga iniisip, kung ano ano kasing mga masasamang lumalabas sa bibig nila. Dahil mabait naman akong Isda e niloloko ko rin sila, nakakapaghiganti narin ako sa mga panloloko nila sa akin Wahahahaha.

Sa totoo lang, simula nang mapunta ako dito hindi lang ang anyo ko ang nagbago. Papunti unti narin nagbabago ang ugali ko, kung dati ay mahinhin at mahiyain pa ako, pero ng dahil sa kanila nakukuha ko ng tumawa ng malakas at makipag sabayan sa mga kalokohan nila.

"Pano pag pumunta dila dito?" Isip isip ni Ted.

"Baka naman pumupunta na talaga sila dito kaso hindi lang natin nalalaman" Sabi ni Ice kay Ted, magkakaharap silang mag kakaybigan.

"Oo nga..." Seb.

"Pa-pano yung mga nawawalang tao na hindi nakikita e Bampira pala yung kumukuha? Omygod!" Niyakap ni Jin ang kanyang sarili.

"Staka baka kinikidnap nila ang mga tao para gawing Slave?" Lander.

"Ay tapos papatayin sila..wahhhh" Yumakap si Ted sakin, tinignan ko sya. "Lansa mo" Sabay layo nito. Aba sya na nga lang yayakap, hampasin ko sya ng buntot ko e- wala pala yung buntot ko.

"Oy anong meron?" Lumabas si Gello, nagtataka syang nakatingin sa amin. Oo nga pala kanina ko pa sya hindi napansin na wala. Kaya pala parang may kulang sa amin.

"Sayang wala ka, ang dami naming nalaman kay Lansa" Kumunot noo ni Gello at umupo din isang pang kulay puting parang higaan.

"Ano?"

"Mahaba e, kaya sorry ka nalang wala kaming panahon na ikwento pa sayo" Sabay tawa ni Lander.

"Ay ganon? Nagluto ako ng ulam natin kaso wala akong panahon para ipakain sa inyo yun" Tumayo si Gello kaso bago pa sya makalakad e hinawakan na agad sya ni Lander sa kamay.

"Kwento namin sayo habang kumakain" Nagsitayuan na ang lahat at sumunod na kami papasok kila Gello. Katabi ko si Seb, hindi ko na lang sya pinansin dahil wala rin naman akong sasabihin sa kanya.

Nang makapasok na kami sa loob ay nag siupuan na kami sa malaking lamesa, maraming nakahain na iba't ibang uri ng pagkain. Kahit papano nasa-sanay na ako sa pagkain nila dito, ang kinakatuwa ko pa ay tinupad nila ang pangako nila na hindi pagkain sa mga kauri ko.

"So ano na nga?" Tanong ni Gello.

Nagsimula naman mag kwento silang apat maliban kay Seb na tahimik lang kumakain sa tabi ko, ako nakikisali lang pag may itinatanong sila o may nakalimutan na pangalan ng Mundo doon, itinatama ko naman yung mga mali nil. Ngaing ganun din ang reaksyon ni Gello katulad ng sa kanila.

"Petunia may bampira bang gumagala dito sa mundo namin?" Alinlangang tanong ni Gello.

"Oo nga Lansa meron ba?"

Tumahimik ako at yumuko, tiningala ko rin ang aking ulo at isa isa silang tinignan na seryoso. Napalunok si Ice at Ted, halata sa muka nila ang kaba sa aking sasabihin.

"Me.......wala! Hhaahahahha" Napatawa ako ng malakas, sila naman ay naubusan ng dugo sa mukha.

--

Narrator


Sa ilalim naman nang karagatan kung saan matatagpuan ang palasyon ng Hari, akala'y mo ay payapa ito at walang problema na kinahihinatnan, hindi alam ng mga iba't ibang uri ng mga Isda at mga Sireno't Sirena na ang loob ng palasyo ay nagkakagulo na.

"Ibigay mo sakin ang ibinigay mo sa Prinsesa para bigyan ito ng Dalawang Paa!" Sigaw ni Pavon kay Majesta na nakahiga na sa lapag at duguan.

Pinarusahan ito ni Pavon upang ibigay ang Mahiwagang tubig sa kanya, ngunit nag matigas si Majesta dahil iniisip din nya ang kalagayan ng Prinsesa kung sakaling makatungtong si Pavon sa mundo ng may dalawang paa.

"Hi-hindi ko sya i-ibibigay sayo.." Pagmamatigas nito. Ginamitan nya uli ito ng itim na kapangyarihan, nanginig nag buong katawan ni Majesta.

"Baka gusto mong matulad sa pinakamamahal mong kapatid na si Cales.. oh kapatid pa nga ba? Itinakwil kana ng namayapa mong Ina't Ama dahil sa kasalanan mo...." Umigting ang panga ni Majesta sa kanyang narinig. ".....Isinumpa ka ng Karagatan dahil sa kasalanan mo, tinanggal ang maharlika mong dugo, ang iyong buntot ay naging kulay itim..... bakit mo pa tinutulungan ang iyong kapatid kung gayo'y hindi ka naman nito nagawang tulungan ng mga panahong kinaylangan mo sya" Bumagsak ang luha ni Majesta, ayaw na nya itong maalala pang muli, binaon na nya ito sa lupa.

"Wala kang alam..." Bulong nito, sakto na para marinig ni Pavon.

"Hahahahahaha" Tumawa ng malakas si Pavon, tumayo ito sa trono ni Haring Cales at nlumangoy palapit kay Majesta, hinila nito ang mahabang buhok ni Majesta at iniharap sa kanya.

"Ibigay mo sakin ang Mahiwagang tubig... kung hindi mo ito ibibigay papatayin ko ang iyong mahal na kapatid"

Nakakulong sa ilalim ng palasyo ni Haring Cales matapos ang labanan nila ni Pavon, naging mahirap ang kanilang paglalaban, parehas silang sugatan at naubusan ng lakas ngunit tumatanda na si Cales kaya hindi na kinaya pa ng kanyang katawan, kaya natalo ito sa kanilang sagupaan.

Nagisip pa ng ilang minuto si Majesta bago mag disisyon, kahit ganuon ang nangyari sa kanya ay hindi sya nag tanim ng sama ng loob sa kanyang kapatid, panganay sya at pangalawa naman si Haring Cales kaya gagawin ni Majesta ang lahat wag lang mapahamak si Haring Cales, ngunit iniisip din nya ang kinalalagyan ni Petunia.. pero sinunod nya ang sinasabi ng Puso nya.

"Ibibigay ko sya saiyo...wag mo lang sakta ang kapatid ko" Sumilay ang ngiti sa mukha ni Pavon.

"Magaling" Binitawan nito si Majesta, sinenyasan ni Pavon ang kanyang mga alagad. "Ikulong si Majesta kasama ni Cales"

Hinihiling ni Majesta na sana ay hindi mahanap ni Pavon si Petunia sa mundo ng may dalawang paa, kung sakali mang matagpuan nya ito ay sana maligtas sya sa mga kapahamak na gagawin ni Pavon sa kanya.


My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon