Mermaid - 31

15K 503 26
                                    


Hindi ako mapakali dito sa kinakaupuan ko, nandito na kasi kami sa kotse ni Seb at wala akong ideya kung saan kami pupunta, wala pa naman kasi syang sinasabi sa akin. Gusto ko ngang itanong sa kanya pero... seryoso syang nag dre-drive. Baka mamaya pag kinausap ko sya sungitan lang ako nito, katulad dati hahaha. 

Pero, part is part nga daw diba? Tama ba ako? o mali? 

Ay ewan, pati ba naman yan pro-problemahin ko pa? 

Sa totoo lang, nagagalak na ako sa mangyayari ngayon. Magiging masaya kaya itong Date na sinasabi nila? Sabi ni Jin masaya naman daw, pwera lang daw sa kasama. 

Tinignan ko si Seb, 'pwera sa kasama mo' , jusko mukhang hindi magiging masaya to ah. Kilala naman natin si Seb. Bilang na bilang mo yung ngipin nya pag ngumiti, oo bilang talaga, siguro mga nasa limang piraso lang ang lalabas hahaha. 

Pero biro lang haha, masaya naman talaga ako, kahit na hindi maging masaya yung date na ito, okey lang talaga sakin. Kasi ang importante naman diba yung makasama mo yung taong gusto mo?

Ay saan ko nahugot ang salita na iyun? Kaylan pa akong natutong gumanun? 

Ang dami ko talagang matuutunan sa mundong ito. Minsan nga napapaisip ako kung Sirena paba ako, para kasing nawala na yung ugaling nakuha ko sa mundo namin.

Hindi ko naman babaguhin ang sarili ko, nakikisabay lang ako sa kanila para hindi ako mapag hinalaan ng iba. Baka kasi sabihin nila kung saang bundok ako galing kahit sa dagat naman talaga.

"Ang tahimik mo ata?" Napatingin ako kay Seb, diretsyo parin ang mata nya sa daan.

Napalunok ako ng masilayan ko uli sya, walang oras, minuto o segundo ata syang pumapangit sa paningin ko, bawat kilos nya halos sambahin ko na. 

Bakit ba kasi ang kisig kisig nya? Yung labi nya ang nipis at kulay pula pa ito, wala naman siguro syang pinapahid sa labi nya nho? Yung mas makinis pa yung mukha nya kaysa sakin, ang saklap naman. Hapit na hapit pa yung Polo nya sa katawan nya, kaya pumuputok yung braso nya. Hays dapat ng tshirt nalang sya, para naman masilayan ko yung sinasabi nilang pandesal.

Masyado atang mamolesya yung sinasabi ko? Nako masama na ata to, wag na wag na talaga ako makikiig kay Ted.

"Wala lang, wala naman kasi akong sasabihin." Tumingin ako sa bintana.

Ayoko rin naman mag imbento ng kwento. 

Mga ilang oras din kaming nasa byahe, mukhang malayo layo ata ang pupuntahan naming dalawa. Saan naman kaya ako nito dadalhin? Baka naman sa Puso nya? HAHAHAH Biro lang. 

Naalala ko tuloy si Jin at Ted.

"Saan ba kasi tayo pupunta mamaya?" Sabi ni Jin, kila Lander.

"Sa Puso ko" Sagot naman ni Ted.

Diba diba? Baka nga talaga sa Puso nya. HAHAHAHA Pano naman nya ako dadalhin sa Puso nya? Diba nasa loob yun ng katawan? Ay baka may mahika si- ay oo wala pala. e paano nila ginagawa yun? Isusuksok nya ako? Paano nya ako isusoksok? 

Luh nakakatakot naman pala yun.

"Ahm... Seb?"

"Yes?"

"Pano pala, makakapasok sa Puso mo?" Mas maganda ng magtanong kung paano. Pinapasakit ko lang ulo ko. "Wahh!" Nagulat ako sa pag preno nya. Tinignan ko sya ttig na titig sya sakin na parang nagulat sa sinabi ko.

May mali ba sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako. 

"Paano makakapasok sa puso ko?" Naniniguradong tanong nya.

Dahan dahan akong tumango sa kanya.

"Na-naguguluhan lang kasi ako. Paano kasi makakapasok sa puso mo? Bubuksan bayan?" Turo ko sa dibdib nya. Tinignan naman nya yung dibdib nya.

"Edi namatay naman ako pag binuksan to?" Turo nya sa dibdib nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Nakakatakot naman pala talaga. Ikakamatay nya pala yun. Ibig sabihin gustong mamatay ni Ted? kasi pinapapasok nya si Jin sa Puso nya.

"Ah! Edi paao yun?"

"Hayaan mo lang ako na Mahalin ka, at hayaan mo lang ang sarili mo na Mahalin ako. Makakapasok kana sa Puso ko nakapasok pa ako sa Puso mo." Sabay kindat nya. Pinagana na nya yung sasakyan habang ako ay tulala sa sinabi nya.

Ano raw? Ganun bayun? 

Pa simple kong sinilip si Seb na gi-ngiti ngiti na. 

'Paano makakapasok sa puso mo?' Parang iba kasi ee. 'makakapasok...sa puso.. mo?' Luh! Iba ang pag kakaintindi nya sa tanong ko. O iba pag kakaintindi ko?

Nakakahiya.

"Malapit na tayo." Sinira ni Seb ang pagkahiya ko ng magsalita sya.

Tumingin ako sa labas, kakaunti nalang ang mga nadadaanan naming bahay at mga sasakyan. Marami akong Puno na nakikita sa daan, at mga iba't ibang uri ng hayop sa labas.

Asan kami?

"Wala akong alam sa Date date, kaya hindi ko alam kung saan kita dadalhin." Tumingin ako sa kanya. Nasa daan parin ang mga mata nya. "Ito lang ang unang pumasok sa utak ko na alam kong ikakasaya mo"

Naramdaman ko ang pag iinit ng aking mukha. 

"Sana magustuhan mo." Lumiko ang sasakyan at pumasok ito sa isang malawak ng lugar. "Wag kang mag alala tayo lang ang nandito, pinasara ko ang buong resort"

Hindi maalis ang mata ko sa Dagat. Malayo palang tanaw na tanaw ko ang ang aking Tirahan. Hindi ako makapag salita, ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Seb. Gulat nagulat parin ako sa nakikita ko. 

Nanginginig ang paa ko na bumaba ako ng sasakyan. Ang buhangin ay ramdam na ramdam ko, ang simoy ng hangin na yumayakap sa akin. Ang malakas na alon ng dagat na tila na tuwa sa aking pag dating.

Parang isang panaginip lang ang lahat ng ito. Sana wag na akong magising pa.

"Hindi ito ng Beach na pinuntahan namin dati, kung saan kanamin na kita. Sana nagustuhan mo" Tumingin ako kay Seb. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.

Hindi nya alam kung gaano ko nagustuhan ito, hindi nya alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sa sobrag saya ko gusto ko ng umiyak. Akala ko hindi ko na uli masisilayan ang Dagat.

"Maraming salamat sayo Seb" Naramdaman ko ang kamay nya sa aking likod.

"Basta para sayo" Bulong nya. Humiwalay na ako sa kanya, jusko padalos dalos ata ako.

"Ahm.."

"Sige na lumangoy kana" Natatawa nyang sabi. "Mag iingat kalang." Masaya akong tumngo sa kanya at agad na tumakbo palapit sa dagat.

"Yaaaaa! Namiss kitaaaa" Sigaw ko. Nilingon ko si Seb na tumatawa, nakasunod sy sa akin. Kinawayan ko sya.

"Wag kang masyadong lumayo." Sigaw nya. "Mahirap maghanap ng Sirena sa Dagat" Natawa ako sa huling sinabi nya.







My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon